I miss me. The old me, the happy me, the bright me, the smiling me, the laughing me, the gone me.
Sinend ko sa kanya yung quotation na nakita ko.
"I miss that too." Sabi nya.
"I wish to bring back that 'me' of mine. Kung hindi lang ako shunga shunga." May lungkot na sabi ko.
"Sino ang mga taong nakapalibot sayo ngayon? At this time and sa social life mo." Sabi nya.
"At this time, family ko. Social life naman, iba ibang tao. Sina Jovel, Sherilyn, basta sila sila. Ilan sa mga kaklase ko nung Senior High. Pero yung nga kaibigan o kaklase ko nung Junior High, wala. Kung meron man, bibihira. Bihira pa sa bihira." Dire diretso kong sabi.
"Circle of friends?"
"Wala. Sina Jovel, yung mga nakakasama ko, may sari sarili silang circle of friends."
"Lahat naman may kanya kanya nang kaibigan e pero depende yun. Kami nga ni Bruzzel e, magkaibigan padin kami. Naglolokohan, nag uusap." Paliwanag nya. "Your wish is my command."
At first, hindi ko agad nagets yung last nyang sinabi pero nakuha ko din na yung wish kong ibalik ang dating ako ay tutupadin nya.
Tutulungan nya ako.
"Yes, we are friends. I have friends. Pero iba pa din yung friends sa friends na kayo kayo, sila sila." Sabi ko. "Genie? Hahaha." Pagbibiro ko.
**************
"There's always a rainbow after the rain." Muling pahayag nya.
"Napakatagal naman yatang tag-ulan ito at hindi ko padin makita ang bahaghari." Pahayag ko.
"Paano ka magkakarainbow e nasa gitna ka ng ulan? Ako naman yung araw." Sabi nya. "Yang ulan na yan, problema yan." Dugtong nya. "Ngayon, ang tanong ko, paano mo mapapalabas ang araw kung ikaw mismo ay hindi gumagawa ng paraan para makaalis sa gitna ng ulan?"
"Hindi ko alam kung ano pang dapat kong gawin para makaalis sa gitna."
"Humanap at gumawa ng paraan."
"Mahilig ka sa music diba?" Pag-iiba ko. "Hanap mo ko ng nakakainspire na kanta na relate sakin."
"The Climb. Limot ko na yung iba. Wala akong load kaya di ko masisearch."
"Ayos lang. Haha."
"Anong gagawin ko para makaalis sa gitna ng ulan na ito?" Pagbabalik ko sa topic namin kani-kanina lamang.
"Walk." Sabi nya. "If you can not run, then walk. If you can not walk, then crawl. Credits to the owner. Haha. Biro lang. Let's start to solve our problem slowly." Pahayag nya na sinang ayunan ko din.
"How to walk out of the rain?" Pagtatanong ko. "Sorry ha. Pati yun, pinoproblema ko pa. Hays, ibang iba na ako sa dating ako e. Ang layo ko na."
"Just walk."
"Madaming nakaharang."
"Edi alisin. At hindi a. Ikaw padin yan. Sana hindi kita nakilala kung iba ka na o kung malayo ka na."
"Ang bigat sa pakiramdam."
"Pag may nakaharang, aalisin. Kung di maalis, edi humanap at gumawa ng paraan." Sabi nya.
**************
"Dun sa pag iwas ko sayo dati, ginawa ko yun dahil sa iisang dahilan. Na nagkakagusto na nga ako sayo. Alam mo, malakas ka, lahat yan kinaya mo." Panimula nya.
"Nabubuhay tayo sa isang hindi perpektong mundo. Natural na makakaharap natin ang ganyang klase ng sitwasyon at mga tao. Ngayon, irelate natin ang problema natin sa charcoal." Sabi nya. "Ang charcoal, mabilis mabasag. Bakit? Syempre, dahil T-type/style ang element structure nya kaya madaling masira." Maikling paliwanag nya.
BINABASA MO ANG
Her Side
Non-FictionWhat is love? How well do you know love? How will you differentiate when you're in love or just missing someone? Could you tell me? 'Coz I don't know which is which. Nagmamahal na ba ako o namimiss ko lang sya? Namimiss ko lang ba ang noon o minamah...