December 2017
"Ang kasiyahan na makikita sa iyong mata ay nabalot na ng kalungkutan at katanungan. Ang kasagutan ay hindi mahahanap kung ititigil mo kaagad ang iyong paghahanap." - Roni.
Bago pa kami muling magkausap, nakakaramdam na ako ng lungkot pero mula nang kami'y muling magkausap, malaya kong ipinahahayag yung saloobin ko sa kanya. Ang ending, nagiging madrama ako madalas sa usap namin.
Pero may mga drama na hindi emosyonal masyado. Tipong may biruan padin na nakakapagpangiti sa amin pareho.
"Yung gusto kong maging maayos, maging positibo pero heto ako't negatibo lagi ang isip." Sabi ko sa kanya.
"Ang gulo, hindi ko alam kung saan o paano ako magsisimula. Yung dati kong saya, ngayon, wala na. Lahat. Nagbago na ako." Sabi ko pa. "Kumbaga dati, yung tawa ko makikita talaga sa mata ko na masaya ako. Then may paghagalpak pa ako nun."
"Okay lang yan, lahat ng magulo nagiging maayos." Sabi nya.
Heto na naman ako, nagdadrama sa kanya, sa chat. Lagi nalang akong nakakaramdam ng ganto.
Kelan ba matatapos 'to? Maski ako napapagod na din.
Madalas, naluluha nalang yung mga mata ko. Tapos ang bigat bigat ng dibdib ko, tila ba gusto kong umiyak kaya sa gabi, madalas akong umiiyak bago matulog.
Mag iisip, magooverthink, magiimagine ng kung anu-ano. Nakakabaliw.
Ano pa bang dapat kong gawin para mawala itong bigat sa pakiramdam ko?
Yung mga kaibigan ko, pag nagsasabi ako tungkol sa mga kadramahan ko, kahit mababaw lang yun, imbis na masagip ako sa pagkakalunod, lalo lang akong nadadown.
"Ang drama mo naman."
"Ayan ka na naman sa drama mo e."
"Kalimutan mo nalang kasi, wag mo nang pansinin."
"Bakit? Bakit ka ba ganyan?"
"Bakit ba ang drama mo? Maging positive ka nga bes."
"Kalimutan mo na ang problema, sakit lang sa ulo nyan."Maski ako gustong gustong gustong gustong gusto ko na din alisin sakin yung pagiging pessimistic ko. Nilalamon na nya ako e. Nag iiba ako.
Masaya naman ako kapag may kasama pero kapag mag isa nalang ulit ako, dun na ulit ako nalulungkot.
"Sorry, halos lagi na akong madrama e. Mukha namang aware ka na madrama ako at magulo magkwento noon pa man diba? Hays." Sabi ko. "Maski purpose ko, hindi ko na malaman. Puro negatives nalang ang nasa utak ko. Di ko na makita yung worth ko although alam ko naman na may halaga ako."
Kapag hihingi ako nang tulong sa mga kaibigan ko noon, ang ending, ako ang magcocomfort sa kanila. Nababalewala yung nararamdaman ko bigla. Iniisip ko nalang na mawawala din yun.
Inuuna ko sila. Kahit pa hindi na nila naaalala na may problema din ako na sinabi sa kanila. Na may dinadamdam din ako. Na kailangan ko din ng comfort at tulong.
Pero hindi yun ganun kadali.
Matagal na din akong nagpapanggap na okay lang at na masaya ako. Pero unti unti akong nauubos dahil sa pagpapanggap kong iyon.
Hindi ko na alam kung may parte pa ba sakin ngayon na may chance na makamit ko yung ninanais ko o wala na talaga?
Paano na kaya?
BINABASA MO ANG
Her Side
NonfiksiWhat is love? How well do you know love? How will you differentiate when you're in love or just missing someone? Could you tell me? 'Coz I don't know which is which. Nagmamahal na ba ako o namimiss ko lang sya? Namimiss ko lang ba ang noon o minamah...