29

2 0 0
                                    

September 22, 2018

"Gawin mo ang best mo sa lahat ng pagkakataon. Pag sa simula ay kulang padin, dagdagan mo yung best mo. Kung maaari ay itodo mo, magpursige ka. Hayaan mo kung anong sabihin ng iba sayo. Gamitin mo yun bilang lakas laban sa kalaban. At wag kakalimutang maging mabuting tao at si God." Advice ko kay Tyrone.

Nang mapag usapan namin yung patungkol sa gusto nyang course na hindi nakuha, ang Electrical Engineering. Nang kailanganin nyang magstay at makasurvive sa Business Administration.

Nang panghinaan syang muli dahil sa hindi sya kagalingan sa academics.

Pilit kong ipinapaalala sa kanya na tutulungan namin sya, nang mga kaibigan ko at dapat tulungan din nya ang sarili nya.

"I miss you." Biglang sabi nya na medyo ikinagulat ko.

"Luh? How come?" Pagtataka ko.

"Tagal na kasi kitang hindi nakakausap. Ngayon nalang ulit."

"Pwede mo naman akong kausapin e. Haha."

***************

October 1, 2018

I sent an appreciation message to She, Jovel, Mois and Roni.

A message na nagpapahayag nang pasasalamat ko sa kanila dahil nandyan sila para sakin. Na nagsstay padin sila sa akin. Humihingi ako ng tawad sa kanila dahil sa kadramahan ko at sa pagiging pessimist most of the time. And that I truly appreciate their existence that brought purpose in my life. Sila na nagkaroon na ng special place sa buhay at puso ko. Sila na mga matatalik kong kaibigan.

"Okay ka lang? Sure ka?" - Mois and She replied. "Double meaning yung sinabi mo." Sabi nila.

And yep, medyo nagdouble meaning yung mensahe ko. Isang pasasalamat at isang pamamaalam.

Pero sinigurado kong isa iyong mensahe ng pasasalamat.

"Ikaw kasi yung tipo na di dapat iniiwan." Roni replied.

"Bakit?"

"Iniwan ka na nga ng iba tas iiwan din kita? Aba, sala. Mali yun." Maikling paliwanag nya.

"Sa pagkakaalam ko, ako yung tipo ng tao na nasasanay nang mapag iwanan." Kontra ko.

"Ngek. Very wrong." Sabi nya.

"Oo nga. Nasasanay ako. At baka nga ganun ka din, tulad nila." Panunulak ko sa kanya palayo.

"Hindi. Hahaha ayaw mo nun, para akong mag aalaga ng bata. Patigasan tayo ngayon. Hahahaha" pabiro pero seryosong sagot nya na ikinangiti ko.

"Hahaha. Sura ka." Sabi ko nalang.

**************

October 2, 2018

May nakita akong post na nakatag si Tyrone. May celebration sila, pagiging engineer nung isa nilang kamag anak.

May picture si Tyrone na solo, habang suot suot nya yung black na Macbeth T-shirt.

Ang ayos nyang tingnan lalo. Confident. Tila ba masaya talaga.

Kinagabihan, nagchat si Tyrone sa group chat namin. Nagtatanong sya patungkol sa isang lesson sa isa sa mga subjects namin.

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon