HS 2

2 0 0
                                    

Hinayaan ko nalang ang lahat.

Kinapitan ko ang salitain na ang lahat ng nangyayari ay may dahilan.

Nakikita ko namang masaya na si Tyrone e. Whoever or whatever na nagpapasaya sa kanya, I thank them for making him happy.

I thank God for giving him happiness he ever wanted and deserved, I thank Him for guiding him and everyone else.

Now, it's my turn.

It's my turn para isaisip naman ang sarili ko.

Para magfocus naman ako sa sarili kong achievement and development.

It's time to work on myself.

Kaya naghanap ako ng mga bagay na mapaglilibangan ko at mabibigyan ng atensyon.

Hindi ko sya blinock or what, hinayaan ko lang sya, sila.

Yes, sila.

Si Tyrone at yung bestfriend ko, si Roni.

Masyado na akong nasasaktan at naaawa sa sarili ko.

Masyado na akong dumidipende sa kanila.

Kailangan ko ng lakas para magpatuloy pa sa buhay at lumaban sa mga hamon ng buhay.

Why include Roni in the story, kung saan, nasasaktan ako?

Because he is hurting me also.

By observing his actions towards me, iba na. Ibang iba na.

Marami ang nagbago.

Pero kahit nakakalimutan na nya ako, ni Roni, I chose to stay.

Why?

He stayed by my side nung mga panahong feeling ko, tinalikuran na ako ng lahat.

Kaya I'll stay by his side.

Hindi sya palasabi sa akin ng mga nangyayari sa buhay nya unlike before na sinasabi nya sakin yung mga happenings sa buhay nya, without me asking about it.

That's why we became best of friends.

So did, that's why I fell for him, also.

Alam ni Roni yung about kay Tyrone, yung balak ni Tyrone na manligaw sakin and all, mga bagay na gusto kong mabigyang linaw at sa tingin ko lalaki lang ang makakapagpaintindi sa akin nun, kaya sinasabi ko kay Roni yung about kay Tyrone.

Except sa part na namimili ako sa kanilang dalawa.

On the other hand, Tyrone didn't know about Roni.

I didn't feel na kailangan kong sabihin kay Tyrone yun, I feel like it's not even the right time for that.

As to Roni, lately, hindi na sya nagchachat. Unti unting nawawala ang communication namin sa isa't isa.

Hindi na ako nagulat na may mangyayaring ganito, because I'm expecting this to happen.

I told myself before na kahit hindi ako piliin ni Roni, I will be fine about that. As long as, Roni and Tyrone were both happy, I won't interrupt any of them.

Masaya ako kapag masaya sila.

Para bang pareho ko silang TOTGA (The One That Got Away), but in a good way.

Unlike before, pare-pareho kaming masayang nagkakausap, pero ngayon, wala na ni-isa sa kanila ang nakakausap ko halos.

Again, hahayaan ko nalang ang lahat. Wala din naman akong magagawa e kasi nagawa ko na yung maiisip kong ways to approach them and ang ending, they only made me feel na ayaw talaga nila akong kachat.

So, ipagpasa-Diyos ko nalang ang lahat. It's no longer under my control.

**************

Published: Feb 13, 2020
Revised: June 28, 2020

Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon