Muli na naman akong nag iisip ng mga bagay bagay.
Muli na naman akong nagtatanong ng kung anu ano.
Alam kong napapagod na yung mga taong nakapaligid sa akin pero mas napapagod ako.
Kung gayahin ko kaya sila?
Kung sumuko nalang din kaya ako?
Sukuan ko nalang itong sarili ko gaya nang pagsuko ng iba sakin?
Magiging okay kaya lahat?
Maraming bumabagabag sa isip ko, pero isa lang din halos ang nakukuha kong sagot.
Suicide.
What if mag suicide ako para matapos na lahat?
Para hindi na ako mahirapan.
Para hindi ko na 'to maramdaman.
Para hindi na ako maging pabigat.
Pero natatakot akong gawin.
Hindi ko kaya.
**************
June 14, 2018
"Ang hirap. Feeling ko ang laki ng pinagbago ko dahil sa pagiging nega. Dahil sa mga naranasan ko. Dahil nadin siguro sa mga kaibigan kong inasahan ko ng wala." Panimula ko. "Naglaho na. Kapag kasi may nakakaclose ako, may nagiging kaibigan, tinetreasure ko talaga." Dugtong ko at pag uulit sa dati ko pang sinabi.
"That's why nilalayo ko ang sarili ko sa mga tulad nila." Sabi ko pa.
"Ipagpatuloy mong pahalagahan ang mga taong dumarating sa buhay mo. Maaaring may mga ilang bulag at di makakita pero may mga mata rin namang handang suklian ang binibigay mong pagpapahalaga." Paalala nya.
"Hinahayaan ko ang sariling mapag-isa. Hindi na ako masyadong nakikihalubilo. Yung dating masiyahin, palatawa at feeling close, friendly, ngayon, nananahimik na." Sabi ko pa.
"May mga taong dumadating at umaalis at nag iiwan sa atin ng sakit pero wag kang magstay dun." Sagot nya. "Tama naman ang ginagawa mo. Sila na pinapahalagahan mo ang may mali."
"Yun nga yung nagustuhan ko sayo dati e." Dugtong pa nya.
Nakadalawang basa ako sa huli nyang sinabi habang nagpaprocess sa utak ko yung ibig sabihin niyon.
"Alam ko, aware ako dun simula nung magkaaway kami nina Ysa, nang 4Shoulders." Sagot ko sabay dugtong nang, "Ha? Ano daw? Ano yun? Nakakagulat naman yon. Bigla bigla e."
"Ganito, nagmove forward ka na ba?" Tanong nya sabay sabing, "Hindi pa ba obvious nung Grade 10?"
"Dun sa away namin nina Ysa, nakamove on na ako. Pero dun sa namisinterpret nina Raj, Chabs, Annie at iba pa yung mga thoughts ko nung mag open up ako sa kanila, hindi pa. Noong mag open up ako at nakapagdrama."
"Hay, may maitutulong ba ako?" Tanong nya.
Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya yung noon o hindi.
Pero matapos ang ilang minutong pag iisip, nagdesisyon akong sabihin sa kanya yun at iconfirm.
"Well, about nung grade 10 tayo. Sabi sabi lang, naririnig rinig ko, ganun, pero di ko pinaniwalaan. Malay ko ba kung tunay o hindi. Sabi nila ay kaya ka daw lumayo sa akin nun ay dahil may gusto ka daw sakin? Di ako naniwala dun kasi pano ka naman magkakagusto sakin, e pinupush nga kita sa iba."
"Sa pagkakatanda ko nga noon ay itinutulak kita noon kay France. Pati kay ate CJ. Pati sa iba. Hahaha kung kanino ka yata nun mapalapit, inaasar kita sa kanila."

BINABASA MO ANG
Her Side
Não FicçãoWhat is love? How well do you know love? How will you differentiate when you're in love or just missing someone? Could you tell me? 'Coz I don't know which is which. Nagmamahal na ba ako o namimiss ko lang sya? Namimiss ko lang ba ang noon o minamah...