Chapter 1

62 6 0
                                    


[:Hey Xyv, I'm here at Starbucks. Deretso na ko diyan after, okay?]


ibinaba ko na ang tawag at inilagay ang phone sa bulsa.


"It's 245 pesos mam." Sabi pa ng cashier.


Hinahap ko agad ang wallet ko sa bag ngunit napakunot ako ng noo ng makitang wala doon ang wallet.


Shit saan napunta yon?! I must have drop it dahil nagmamadali ako kanina.


"U-uh m-miss ——" nanginginig na ang boses ko sa hiya iniisip kung ano ang sasabihin.


"Can you add a Venti Java Chip, thanks." Putol pa saakin ng isang lalaki kaya lumingon agad ako para makita kung sino iyon, ibinigay niya ang one thousand bill at napaatras nalang ako.


"Name po?"


"Raz." Simpleng sagot nito.


Tangina nakakahiya! I don't even know him tapos babayaran niya yung foods ko?


"Here's your order mam, sir." Bigay saamin nung cashier.


Agad naman na kinuha nung Raz ang Java Chip niya, nginitian pa ako nito tsaka ako nilagpasan.


Kinuha ko na ang mga inorder ko at dali dali siyang sinubukang habulin.


Nang ilibot ko ang paningin sa may parking ay hindi ko naman agad siya nakita dahil sa dami ng tao.


"RAAAAZ!" sigaw ko sa pangalan niya na sinabi kanina sa cashier.


Agad namang may lumingon na mga lalake saakin at nagtawanan bigla. May lumapit naman saakin na isa at nginitian ako.


"Hinahanap mo si Raz?" Tanong nito kaya tumango nalang ako.


agad niya namang tinuro ang isang lalakeng naka slacks and white shirt at nakabukas pa ang tatlong butones reaveling his necklace. Tahimik itong nakasandal sa kaniyang Maserati at iniinom ang inorder niya habang nag ce-cellphone.


Nginitian ko nalang ang lalake at nagpasalamat tsaka ako lumapit kay Raz.


"U-uh hey, I-I just wanted to t-thank you for earlier, and gusto rin sana kita bayaran." Kamot ulo kong sabi sakaniya kaya naman napunta ang tingin niya sakin.


"Ah ikaw yung babae na walang pang bayad kanina diba?" Nakangisi niyang tanong saakin kaya napaiwas ako ng tingin sa hiya.


"O-oo, I think I dropped my wallet or something. Bayaran sana kita with my card?" I said while my hands are fidgeting.


Napansin ko naman na lumingon ito sa mga lalake na tumawa kanina nung sumigaw ako, siguro ay mga kaibigan niya ito. Bumalik ang tingin niya sakin at sabay ngumisi.


"Repay me but not with money." Sabi nito habang deretsong nakatingin sa mata ko.


Napaatras naman ako at napataklob sa sarili.


"No! Ayoko! Para sa kape katawan ko ang kapalit?!" Sigaw ko sakaniya na animo'y diring diri sa naiisip


"Huh? Fuck no," Naguguluhan naman nitong sagot saakin at unti unti lumapit kaya ako naman ay paatras ng paatras.


Star CrossedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon