Chapter 4

32 7 0
                                    


Ilang araw na ang lumipas simula noong nag inuman kami, andito ako ngayon sa Starbucks malapit sa Lyceum kasama itong Xyv.


"Stress ka na ba jan?" Natatawang tanong ko sakaniya dahil kunot na kunot ang noo niya habang nag ce-cellphone.


"Hay nako teh, sinabi mo pa!" Pag sang ayon pa nito at tumayo na. "Dawnzabels, una na ko ha!" niligpit niya na ang gamit niya at kinuha ang matcha frappe na inorder nito.


"San ka na naman pupunta?" Tanong ko sakaniya dahil mukhang wala na naman siyang klase.


"Ashushu, wag ka ngang chismoskers!" Tumawa pa siya at tinalikuran na ako.


For all I know, may bago na naman yang kalandian! Si Xyv pa. Hindi ata yan nauubusan, araw araw may panibago! Normal na sakaniya ang papalit palit ng lalaki.


Tinapos ko nalang ang menu para sa lulutuin ko next week sa klase namin, tutal wala naman akong ginagawa ngayon. Mas mabuti nang matapos ko ng maaga ito, Ayoko ng nag ccramming noh!


Nagisip ako ng pwedeng lutuin at bigla namang pumasok sa isip ko si Raz out of the blue, napailing nalang ako sa naiisip kong kagagahan. Pwede ba, Jacquelyn Dawn Gabriela? Mamaya ka na lumandi.



Bigla namang nag ring ang phone ko at number lang ang nakalagay, pinatay ko ito dahil hindi naman ako kumakausap sa stranger. Might be a scam. Bigla na naman itong tumawag kaya naguluhan na ako, pinatay ko lang ulit to at hindi pinansin.


From Unknown: Answer the call, Dawn.


Napatingin naman ako sa nag text at nagulat ng malamang alam nito ang pangalan ko, sino ba to? Bat ang kulit? Tumawag na naman ulit ito kaya sinagot ko na.


[:Sino ka at pano mo nakuha number ko?]


[$#*: hahahaha! secret, where are you?"]


[: I don't talk to strangers.]


Inend ko naman agad ang call at tumawag na naman ulit to.


[: Care to tell me who you are?]


[$#*: Okay, damn. Si Raz to, don't end the call.]


[: what the fuck? pano mo nalaman number ko?]


[$#*: Secret hahahaha, asan ka nga?]


[: stalker ka talaga! Sa SB malapit sa Lyceum, why?]


[$#*: Andito ako sa tapat ng Lyceum.]


[: Ha?! What are you doing there?!]



[$#*: Sinusundo ka, di ba halata?]


[: Why would even do that?]



[$#*: Andami mong tanong, puntahan mo nalang ako dito.]


[: akala ko ba ako susunduin mo?]


I bit my lower lip to prevent myself on laughing.


[$#*: Di ko alam san yung SB na sinasabi mo, can't you appreciate my efforts? Galing pa akong UP.]


[:Bat ka kasi pupunta sa lugar na di mo alam? Bonak ka talaga, hahahaha!]


[$#*: I'd go anywhere, for you.]


Natahimik naman ako sa sinabi niya then the side of my lips rose up, bulok na yung linya na iyon ngunit ko parin mapigilan ngumiti lalo na't galing iyon sakaniya.



Star CrossedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon