We grabbed some popcorn and water para naman hindi kami ma bored, we ended up watching 'crazy beautiful you' ng kathniel."Ang sakit rin para kay Marcus noh?" biglang sambit ni Raz kaya napatingin ako sakaniya.
Nasa scene na kasi kami where Marcus admitted his love for Jackie, but Jackie wanted to be with Kiko.
"He knew Jackie was inlove with Kiko, but he hoped na ma build up yung feelings ni Jackie para sakaniya." Nagkibit balikat lang siya at muling tumingin sa harap.
Kukuha na sana ako ng popcorn nang biglang sabay rin siya kumuha kaya naman napatingin ako sakaniya, nginitian niya lang ako at tuluyang hinawakan ang kamay ko.
"Let go." Sabi ko pa ngunit umiling lang siya, "I said let go!" Tumingin naman siya saakin at tumawa lang.
"Shh, ang ingay naman!" Biglang saway saamin ng nasa harap kaya humingi ako ng paumanhin.
"Ikaw kasi eh," Patawa tawa pa nitong sabi at hindi parin tinatanggal ang kamay niya sa kamay ko.
Napa simangot ako ng tingin sa harap at hindi na lang pinansin ang kamay niya na naka hawak sa kamay ko.
Nang matapos na ang movie ay agad naman na kaming lumabas, I used the restroom first kaya pinauna ko na siya.
Napikot naman ako ng mata ng may tatlong sunod sunod na text ang nang galing kay Xyv.
From Marupok:
Hoy haliparot ka asan ka na?
From Marupok:
Uuna na ko sa condo ha, ang tagal niyo maglandian!
From Marupok:
Ano? Ikakasal ka na ba next week? Inform mo kami ha!
Pinatay ko nalang ang phone ko at hindi na siya nireplayan pa.
Nag powder at liptint lang ako ng kaunti at pagkatapos ay lumabas na, nakita ko pa siyang naghihintay sa labas habang prenteng nakasandal dingding.
"Nag paganda ka pa talaga, di na yon kailangan sakin!" Natatawang lingon niya ng mapansin na nag liptint ako.
"Duh, bat ako magpapaganda? Maganda naman na ko?" Inikutan ko siya ng mata tapos naglakad na.
"Uuwi ka na?" Tanong niya kaya naman tumango ako. "Di ka ba nagugutom? Tara kain tayo!" Yaya naman nito saakin kaya tumingin ako sakaniya.
"Where?" I asked.
"Ikaw bahala! San mo ba gusto?" Balik na tanong niya saakin ngunit wala naman akong maisip na kainan.
"I don't know, where do you want ba?"
"Hmm ako?" Umakto naman siya na parang nagiisip pa. "Gusto ko sayo," nakangiting banat pa nito sakin.
"Ang korni mo!" Natatawang sabi ko pa sakaniya.
"Asus, atleast napatawa ka!" Hinawakan niya naman ang kamay ko at hinigit para mag lakad. "Tara na nga, samgyup tayo!"
Agad naman kaming naka pwesto at siya narin ang unang umorder ng meat na lulutuin.
"Master! Nandito ka pala!"
Napatingin naman ako sa mga lalake na kumausap kay Raz, agad ko naman silang nakilala dahil sila ang kasama ni Jax noon sa inuman sa condo.

BINABASA MO ANG
Star Crossed
Novela JuvenilLuna Amore Series #1 Dawn, a culinary student from Lyceum that fears to fall inlove for she has a unknown disease that could make her forget her own memories and end her life at any moment. But then, things started to change as soon as she started t...