It was already 2:30am nang ginising ako ni Raz, I opened my eyes and immediately saw his smile."huy ganda, gising na!" Bungad nito saakin.
Inalalayan niya ako palabas ng kotse at agad kong napansin na wala na kami sa Manila, We were in some kind of province of god knows where!
"Raz where are we?" I asked looking at him confused dahil nang ilibot ko ang mata ko ay para kaming nasa port.
"Zambales," simpleng sagot nito habang nakangiti pa saakin.
"What the fuck?!" Nanlaki ang aking mga mata sa gulat.
I don't have things with me! All I have is my phone, charger and some makeup. I don't even have enough money to pay for something here!
"Chill Dawn," sabi agad nito habang prenteng nakasandal sa kaniyang sasakyan at tinitingnan lang ako.
"How am I supposed to chill? Wala akong dalang damit or whatsoever na pang palit man lang!" I explained out of frustrations.
"Don't worry! I already bought you some clothes, hope I got the right size though."
"And when did you manage to do that?" Naka pamewang akong tumingin sakaniya.
"Kanina, nung tulog ka tapos tumutulo laway mo. hahahahaha!" tawa pa nito saakin kaya hiya hiya akong tumalikod sakaniya at hinawakan ang gilid ng labi ko ngunit napagtanto ko naman agad na nang aasar lang ito.
"Ang epal mo!" Irita kong sabi at inikutan siya ng mata.
May kinausap naman siyang lalake na medyo katandaan at tiyaka binaling ang tingin saakin.
"Here," abot naman niya saakin ng isang plastic bag kaya naman tinaasan ko ng kilay para itanong kung para saan iyon. "Change into something comfortable."
Pumunta na ko sa restroom at inilabas ang ibinili niyang damit, napa padyak naman ako sa inis dahil daster na animoy pang lola ang binili nito para saakin.
Wala naman akong nagawa at isinuot nalang iyon dahil hindi na ako komportable sa suot kong gown lalo pa't wala na ako sa Manila.
Pag labas ko ng banyo ay agad naman akong nakakita ng gunting sa gilid, agad naman akong napangisi sa naisip kong gawin.
Why would I settle for this kung kaya ko naman itong pagandahin?
Ilang minuto pa ay lumabas na ako sa banyo at dumeretso kay Raz, kinalabit ko pa siya dahil nakatalikod ito kaya naman hindi niya agad ako nakita.
"Bakit ba ang tagal m—" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at mariin siya pumikit. "What did you do?" Tanong nito saakin habang humigop sa kape na hawak niya.
"Why? Mas maganda tignan diba!" Nakangiting sabi ko pa at umikot. "Why would you even buy me a daster na pang lola!" Tanong ko pa dito kaya natawa siya saakin.
I cut the daster short, below the knees lang naman para hindi masyadong losyang! I also cut the back part of the daster making it look like backless dress, ginamit ko naman ang natirang tela para gawin itong belt at itali sa may bewang emphasizing how good my body looks and how small my waist is.
"Para di ka tingan ng iba." Mahinang sambit niya pa habang nag i-iscroll sa news feed sa twitter.
"Ha?" I asked dahil hindi ko narinig ng maayos ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Star Crossed
Teen FictionLuna Amore Series #1 Dawn, a culinary student from Lyceum that fears to fall inlove for she has a unknown disease that could make her forget her own memories and end her life at any moment. But then, things started to change as soon as she started t...