"Dito na ko," sabi kay Raz nang nakita kong malapit narin naman kami sa Lyceum."Dun na para di ka na maglakad." Sabi niya pa at tuloy tuloy lang na nagdrive.
"Eh kung ihatid mo narin kaya ko sa room?" Pang bibiro ko pa habang nakatingin sakaniya.
"Pede ren," natatawa niyang sabi saakin kaya agad ko itong binatukan dahil ma lalate na siya sa klase niya.
Kailangan niya pa umuwi noh, di pa nga siya naliligo at yung suot niyang damit eh yung sweater parin na gamit niya kahapon sa mall. Malayo rin yon, from Intra to Makati to Qc. Odiba?
"Alis na!" Pagtataboy ko pa sakaniya pagkababa ko ng sasakyan.
"Wala man lang bang thank you kiss jan?" Natatawang sambit nito kaya itinaas ko ang kamao ko.
"Thank you punch, ayaw mo?" Tinaasan ko pa siya ng kilay at agad lang itong tumawa.
tinalikuran ko na siya at pumasok na sa klase.
Nag discuss lang naman ang prof namin about chem pati narin yung gagawin namin next week na pagluluto, Napatingin ako sa orasan at napansing 7pm narin pala.
"Dawn sama ka later?" Tanong saakin ni Steph na ka blockmate ko.
"Saan?" Tanong ko habang nag aayos ng gamit,
"Inuman daw sa BGC."
Napasimangot naman ako dahil sa layo, bakit dun pa? Pede namang sa may España nalang or sa taft. Dadayo pa talaga!
"Pass muna Steph, ang layo!" Lumabas na ako at tahimik na naglakad palabas sa campus.
napatigil naman ako dahil may isang pamilyar na mukha akong napansin, nakasandal ito sa may pintuan ng kaniyang BMW.
He was wearing a black down dress shirt, rolled up sleeves and three buttons were unbuttoned revealing his chest and a necklace in his neck, He paired it with a shorts and a nike rubber shoes, Gucci shades and a watch in his right wrist. He was holding a bouquet of roses patiently waiting for someone.
I bit my lower lip to stop myself from smiling.
"Naks, lover boy! Sino hinihintay mo?" I asked while amusingly looking at him.
"Kilala niyo po ba si Jacquelyn Dawn Gabriela?" He acted as if I was a different person. "Culinary student tapos napakasungit, cute rin naman, pwede na..." he looked at me and smile. "Pwede na makasama habang buhay."
"Korni!" Agad ko naman itong inikutan ng mata habang patawa tawa.
"Flowers delivery," ibinigay niya naman saakin ang boquet na hawak hawak niya kanina.
"Driver, Cook, Delivery boy... ano next?" Tinanggap ko naman ang roses at inamoy pa ito.
He took of his glasses and looked at me in the eyes.
"Asawa mo." He bit his lower lip and put his tounge in his cheek trying to hide a smile.
Umiwas ako ng tingin sakaniya dahil nararamdaman ko na umiinit na ang pisngi ko.
argh! ang corny pero bakit parang kinikilig ako?! nakakainis ha!
"Dinner tayo?" Tanong pa nito at pumayag naman ako dahil kumakalam narin ang aking sikmura.
![](https://img.wattpad.com/cover/221813430-288-k391787.jpg)
BINABASA MO ANG
Star Crossed
Teen FictionLuna Amore Series #1 Dawn, a culinary student from Lyceum that fears to fall inlove for she has a unknown disease that could make her forget her own memories and end her life at any moment. But then, things started to change as soon as she started t...