Chapter 22

17 4 0
                                    


A few days past and I was discharge,


At sa mga dumaang araw rin na iyon ay iniisip ko kung anong dahilan para umalis si Raz, napaka daming tanong ang nasa isip ko ngunit lahat iyon ay walang sagot, hindi ko maintindihan kung bakit siya umalis....


sinubukan ko siyang tawagan ngunit nagpalit na siya ng number, pinuntahan ko rin siya sa dati nitong bahay ngunit may iba nang nakatira roon. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang hanapin siya dahil ultimo mga kaibigan niya ay walang contact sakaniya.


I felt overwhelmed with everything that has happened, parang masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi pa gaanong maintindihan ng utak ko.


My mother died and I had a hard time accepting it kaya nagkulong ako, I was about to give up dahil hinang hina na ang katawan ko until I saw Raz rescue me, and in a span of a minutes, memories came flushing back as I lost consciousness.


Next thing I know, I slept for 3 long years.


Hindi ko alam kung bakit ganoon katagal, hanggang ngayon pinipilit kong pagtugmain lahat ng iyon ngunit wala akong makuhang sagot.


Why did I slept that long? 3 years? 3 fucking years? Ganon katagal?


Hindi parin ako makapaniwala na nangyari iyon saakin.


at sa 3 years na iyon, tiyaka pa nawala sa tabi ko ang nagbibigay kahulugan saking buhay.


I started to overthink kung may nagawa ba akong mali? Napagod ba siyang maghintay? Anong dahilan ng pag alis niya?


Siya nalang ang tanging kinakapitan ko ngunit nawala pa siya.


Hindi niya lang man ako binigyan ng dahilan para bigla siyang mawala. Maiintindihan ko naman kahit ano pang dahilan niya e, wag niya lang akong iwan ng ganito....


dahil araw araw iisipin ko kung bakit bigla siyang lumayo.


Do you know what I hate the most? Leaving without goodbyes, without any reason to move on to. Because I'd still hope for him to come back, even though it may seem impossible. 


Panghahawakan ko ang maliit na tiyansang nakikita ko, kung ang ibig sabihin non ay makakasama ko ulit siya. hindi ako titigil na mangarap na sa isang araw, malalaman ko ang dahilan kung bakit bigla siyang lumisan.


Alam kong may rason kung bakit niya iyon nagawa, hindi naman ako iiwan non basta basta. Alam ko sa sarili ko na may tamang rason kung bakit kinailangan niyang umalis.


Siguro eto yung panahon para pag tuonan ko muna ng pansin ang sarili ko, kailangan ko ng oras para gumaling ang sugat na nasa puso ko.


Para sa oras na magkita ulit kami, sisiguraduhin ko na wala nang hahadlang sa pagmamahal na meron kaming dalawa.


Ngunit hanggang dulo, mag hihintay ako.


Mangangarap na balang araw mararamdaman ko na ulit ang bisig niyang nakayakap pa saakin,


mararamdaman ko na ulit yung saya sa tuwing kasama ko siya.


Masisilayan ko na ulit ang ngiti niyang makalaglag panga.


Maririnig ko na ulit yung tawa niyang nagbibigay ng rason para mabuhay pa.


Yung mga mata niya na palaging nag aalala.


Aasa ako, na hanggang dulo ay siya.


Hindi ako bibitaw dahil alam kong sakaniya lang ako sasaya, handa akong sumugal muli kahit pa walang kasiguraduhan na siya'y makakasama.


Maghihintay lang ako dito, handang tangapin lahat ng sakit na mararamdaman ko.



I know he's worth every second of waiting.


I'll grab even the slightest chance of hope.


Kahit gaano katagal, mananatili lang ako dito.


And I won't give up till my last breath.


Because I know.....


He's the right person,


on a wrong time.


-end of chapter 22-

Star CrossedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon