Chapter 21

20 4 0
                                    


"A-aray," Napahawak pa ako sa sintido ko dahil sa sobrang sakit nito.


Napatingin naman ako sa gilid at agad ko namang nakita si papa na natutulog sa may sofa, I roamed my eyes and realize that I was in a hospital. God, How long did I even sleep?


Unti unting bumukas ang mata ni papa at laking gulat nito ng makita akong gising, dali dali siyang lumapit saakin at bakas sa mukha niya ang pag aalala.


He smiled at me when he realized that I was really alive, a tear fell from his eyes. I could feel that was joy.


"A-ano bang pakiramdam m-mo nak? O-okay ka ba? M-may masama k-ka bang nararamdaman?" He asked kaya agad ko namang niyakap ang tatay ko para kumalma siya,


I chuckled when I saw his reaction, masyado namang OA tong si papa, akala mo naman nawala ako ng ilang taon!


"T-teka tatawag lang ako ng doctor h-ha, humiga ka m-muna riyan." Sabi niya pa at dali daling lumabas.


I sighed and was about to get up dahil nangangalay na ako ngunit agad rin namang dumating si papa kasama ang doctor at ang ibang nurse.


Pinahiga naman ako ng doctor kaya sumimangot nalang akong sumunod,


Gusto ko nang tumayo, Maglakad, Gumala. Nakakangalay pag palaging nakahiga!


The nurse checked my pulse at normal naman ito bumaling saakin yung doctor habang hawak hawak ang isang sulatan.


"How are you feeling Dawn? Wala ka bang unusual na nararamdaman?" He asked at tamad na binigyan ko siya ng thumbs up, agad naman akong sinaway ako ni papa nang makita ang ginawa ko.


"Umayos ka," seryosong sabi ni papa kaya naman napa buntong hininga ako sakaniya.


"Maayos naman po pakiramdam ko doc," Simpleng sabi ko kaya naman tumango agad ito saakin.


"How about your memory?" He asked kaya naman nag seryoso narin ako.


"I... Remember everything now," sambit ko at umiwas ng tingin.


Yes, I remember everything. It's unusal and I never expected it to happen.


"Look Dawn, Your illness is very unusual dahil hindi rin namin alam kung paano nagsimula yan. Your neuroanatomical structure that hinders the storage of your memories is damaged," He conducted kaya naman nagtataka akong tumingin sakaniya. "You have a memory disorder but we still couldn't identify kung ano yan because the symptoms you have keeps on changing." The doctor sighed. "At some point, your memories could be lost unexpectedly, but.. It could also comeback. Hindi namin alam kung bakit at anong nangyayari, were trying to figure this out but we couldn't find any answers, I'm sorry." I painfully smiled at him kaya naman hinawakan ako nito sa balikat. "For now you have to stay strong and mentally healthy, at anytime pwede kang makalimot pero hindi natin alam kung mababalik pa ulit iyan katulad nang nangyari saiyo ngayon. Keep away from stress para less damage and pain sa brain mo while we still try to test and find out what's happening, okay?"


Tumango naman ako sakaniya at ngumiti bago pa ito lumabas.


Katulad ng sinabi niya, I have a memory disorder. Pwedeng makalimot, pero walang kasiguraduhan na makakabalik pa ulit.


Nagsimula lang naman ito when I started HS, I would faint everytime and forget some memories. Mas lumala nga lang ngayon dahil kalahati ng memorya ko na ang nawala saakin. Kung dati ay maliliit na detalye lang, ngayon naman ay mga importanteng bagay na ayaw kong makalimutan.


Star CrossedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon