Chapter 12

22 6 0
                                    


Nandito na kami sa condo ko, wala si Xyv dahil may gimik kasama yung mga ka blockmates niya.


"Ano ba lulutuin mo?" Kanina niya pa tinatanong yan kasi daw kesyo napa karami kong binili, aba malamang 5 course meal ang gagawin ko eh!


"Basta! Just go watch netflix muna or something." Pagtataboy ko dahil naka tingin lang siya sakin na parang binabantayan ang bawat kilos na gagawin.


"Bilisan mo, nagugutom na ko." Umupo na siya sa sofa at ginawa niya nga ang sinabi ko.


Siya pa talaga ang nagawang mag utos sakin ha, kung ipakain ko kaya sakaniya to ng hilaw.


Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na rin ako, medyo matagal nga lang dahil pinlate ko pa talaga. Buti nga nag multitask ako dahil kung hindi baka matagalan lalo.


I ended up cooking cheesy jalapeño shots as an appetizer, butternut squash soup, roasted sweet potato with barley and arugla for the salad, red wine t-bone steak for the main course and lastly, the classic Crème brûlée as a dessert.


And I managed to that within an hour and a half! Major improvement, kasi if you're a chef kailangan time management. The customers won't be waiting for a lot of time, kailangan mabilisan.


"Raz, come here!" Tumingin naman siya saakin kaya naman napatayo agad ito at pumunta sa hapag kainan.


"Sino may birthday? Bat andami mong niluto?" Takang tanong niya.


"Tanga five course meal yan, I figured na praktisin ko nalang muna yung lulutuin ko for next week kesa mag fast food tayo." Pagpapaliwanag ko sakaniya. "Tikman mo dali!"


"Pag 'to di masarap." Umupo naman na siya at isa isang tinikman ang mga niluto ko maliban sa dessert dahil hindi ko pa ito nilalabas.


"Ano?" Tanong ko habang hinihintay ang sagot niya.


"Ang pangit..." sabi pa nito kaya naman napakunot ako ng noo. "Ang pangit ng lasa kung hindi ikaw yung nagluto."


"Napaka papansin mo talaga!" Natatawa kong sabi sakaniya.


"Masarap," simpleng sabi nito kaya napaawang ako ng bibig.


"Yun lang? Walang suggestions or whatsoever? Ang dami kong niluto tas yan lang masasabi mo?"


"Masarap! Sobrang sarap! Napaka sarap! So yummy! mmm! Delicious!" Umakato pa ito kala mo ay nasa commercial kaya inikutan ko siya ng mata. "Pero mas masarap yung nagluto hehe."


"Natikman mo na?" I shot back.


"Gusto mo ba?" Nakangising tanong nito,


"Puro kalokohan alam mo, kumain ka na nga lang!" I looked away and heard him chuckled.


Tahimik kaming kumain at nag insist naman na siya na ang maghuhugas, hinayaan ko nalang siya dahil napagod rin naman ako sa pag luluto.


Nang matapos naman siya, kinuha ko na yung dessert namin at sabay namin iyon kinakain sa sofa habang nanonood sa netflix ng divergent.


Inilapag ko na muna sa table ang kinakain ko ng maubos ito, I placed my head on his chest and lay down comfortably.


"I'm sleepy," I said as I closed my eyes.


"Come here!" Tawag ko sa isang lalake na naka talikod saakin at ninanamnam ang malamig na hangin.


Lumapit ako sakaniya at niyakap siya patalikod.


"What's wrong, Love?" I asked him and he just smiled at me painfully.


"Nothing, Dawn always remember that I love you, Okay? Don't ever forget that." He said and so I chuckled.


"How could I ever forget if everyday you made me feel loved?" I replied at him happily.


He cupped my face and kiss me lightly, he looked in my eyes and hugged me tightly.


"I love you so much, My Star." He whispered in my ears.


I opened my eyes and the first thing I saw in the morning is Raz, He woke up and smiled me at me.


That smile.... it seems familiar, as if I saw it before.


"Goodmorning," He said in huskily tone.


I smiled at him and got up, I looked at the time and it was already 12pm in the afternoon.


Napatingin naman ako sa phone ko nang biglang tumawag si mama, napakunot naman ang noo ko dahil minsan lang siya tumawag saakin.


[: Hello Ma?]


[Mamshie: Hello, ate? Si Tita dinala sa ospital kanina!]


Biglang bungad sa akin ng pinsan ko kaya nanlaki agad ang mata ko.


[: Ha?! Ano nangyari?!]


Biglang bumilis ang tibok ang puso ko sa kaba at napaupo sa sofa.


[Mamshies: Hindi po namin alam bigla nalang siya hinimatay!]


[: sige sige papunta na ko jan!]


I ended the call at agad agad naman akong pumunta sa kwarto, I didn't know what to do and my mind went blank. Tears are falling into my eyes as I packed some things.


"What happened Dawn?" Tanong ni Raz ngunit hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy lang sa pag aayos ng gamit. "Dawn, Calm down." Hinawakan niya pa ang dalawang kamay ko kaya naman napa piglas ako habang umiiyak.


"Let go! Nagmamadali ako!" Tinanggal ko pa ang kamay niya ngunit agad naman niya akong niyakap.


"Hush, I'm here..." he tried to console me and so I was left there crying in his shoulders while he was hugging me and trying to make me calm.


"S-si m-mama... Raz..." I coudn't utter any words, I just started crying and crying and my whole world got ruined. "S-si m-mama na o-ospital a-and I-I-I don't e-even know why..."


"Everything's going to be fine.... trust me, I'm here." He let go of me and looked straight into my eyes.


Umiwas ako ng tingin and continue to pack my things, nang matapos ako ay nagmamadali akong lumabas sa kwarto at ni lock ang condo. Xyv wasn't home, mamaya ko nalang siya itetext.


Habang naghihintay ng taxi ay agad namang may tumigil na sasakyan sa harap ko.


"Sakay." Sabi pa ni Raz ngunit umiling lang ako sakaniya.


"Pano ka? May klase ka." I said and wiped the tears off my face.


"Doesn't matter Dawn, what matters now is you!" Bumaba siya sa sasakyan niya at inilagay ang gamit ko sa likod, wala na akong nagawa at sumakay nalang din.


Tulala akong nakatingin sa kawalan habang nag da drive siya, My tears were falling habang naiisip ko kung ano ba ang nangyayari kay mama.


My gaze turned to Raz as he held my hand, he smiled at me re assuring everything's going to be okay.


I tried to smile back as tears fell down my eyes.


-end of chapter 12-

Star CrossedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon