"Ma? Ano nangyari sayo?!" Agad kong takbo papasok sa kwarto niya, tumulo ang luha ko ng makita si mama na nakahiga at naka dextrox pa. May iba pang makina ang naka kabit sa katawan niya at halatang halata ang panghihina.Bumaling ang tingin niya kay Raz na nasa likod ko at tiyaka tumingin saakin.
"Andito na ko ma..." umiiyak akong niyakap si mama kaya naman hinaplos niya ang buhok ko habang nakangiti.
"Masyado ka naman ma drama, andito ang mama. O-Okay lang ako." Halatang pilit niyang sabi.
"Are you the daughter of Ms. Gabriela?" Napalingon naman ako sa lalaking nagsalita at napansing doctor iyon.
Tumayo naman agad ako at pinunasan ang luha ko, tumango ako sakaniya bilang sagot.
"I'm sorry to say this but your mother is suffering, she was taking proper medications, although hindi na siya na mo-monitor ng maayos because she skipped her daily check ups. We suggested chemo therapy but she refused." Pagpapaliwanag pa ni Doc kaya napatingin ako kay mama.
"I'm sorry Doc, C-chemo? sa pagkakaalam ko my mother is completely healthy." Nanlambot ang tuhod ko ng marinig ang salitang chemo. Naguguluhan akong tumingin kay mama at Muli kong ibinaling ang tingin kay Doc, mukhang nagulat pa ito sa sinabi ko.
"I will give you and you're mother time, Ms. Gabriela?" Lumingon pa ulit ito kay Mama kaya tumango siya.
Lumabas naman na si Doc at si Raz.
Lumapit ako kay mama at tumayo sa tabi niya.
"A-ano yon m-ma? A-Anong s-sakit mo? B-bakit hindi ko to alam?!" Naluluha ko nang sabi sakaniya.
"A-anak calm down please," umiwas ako ng tingin sakaniya at bumuntong hininga. "H-hindi ko agad nasabi sayo d-dahil baka mag alala ka."
"A-Anong sakit mo, Ma?" Deretsong tanong ko sakaniya habang nanginginig ang aking kamay.
"B-Breast C-C-Cancer..." gulat akong tumingin sakaniya. "S-stage 4."
Bigla akong nanlumo at napahawak sa lamesa na katabi ko dahil nararamdaman kong konti nalang ay babagsak na ako.
Napasinghap ako at pinigilan ang nag
ba-badiyang luha na pumatak sa mata ko. Napakagat ako ng labi at muling tumingin kay Mama."A-Anak p-pasensya na..." nanghihinang sabi ni mama ngunit agad akong tumalikod sakaniya at lumabas.
Narinig ko pang tinawag ako ni Raz ngunit patuloy lang akong tumakbo, hindi pinapansin kung saan man ako pumunta dahil ang gusto ko lang ngayon ay makalayo.
Napatigil ako ng bigla nalang bumagsak ang katawan ko sa sahig, napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang pag hikbi.
Hindi... Hindi pa siya pwedeng mawala sakin. Hindi pa ako handa sa ganto... kahit kailan hindi ko naisip na sa ganito kaming paraan magkakalayo. Masyadong masakit... mahirap.
My mind went blank and I feel nothing but pain, my hands were trembling and tears are falling down into my eyes. I didn't know what to do, I felt my world totally collapsed.
I felt someone hugged me tightly and realized it was Raz.
"B-bakit siya pa..." Humahagulgol kong sambit habang nakayakap sakaniya. "B-bakit kailangan siya pa..."
he didn't say anything. He was silently caressing my back trying to make me calm. I hugged him tighter as I released all the pain that I've been feeling.

BINABASA MO ANG
Star Crossed
Roman pour AdolescentsLuna Amore Series #1 Dawn, a culinary student from Lyceum that fears to fall inlove for she has a unknown disease that could make her forget her own memories and end her life at any moment. But then, things started to change as soon as she started t...