Chapter 19

22 6 0
                                    


Content: Flashback Memories

_______

Napailing nalang ako ng bigla nalang nakipag inuman si lolo, tito yung iba ko pang pinsan na lalaki kay Raz. Malaki kasi ang bahay namin kaya dito narin nakatira yung ibang kapatid ni mama kasama ang asawa at anak.


"Hoy, tigilan niyo nga yan!" Bulong ko kay Ronald, nakakatandang pinsan ko na nakisali kila lolo.


"Chill ka lang Dawn," patatawang sagot nito at bumalik na sa kinauupuan.


Nag aalala naman akog tumingin kay Raz dahil namumula na ang mukha niya sa lambanog, hindi naman kasi siya sanay sa ganon. Mamaya kung ano pang mangyari sakaniya!


"Hayaan mo na sila, nang maturuan ng leksyon yang boyfriend mo." Pag kukunsinti ni mama, "Teka nga, pano mo ba yan nakilala?"


"Kaibigan po ni Jax ma," Sagot ko.


Kilala naman ni mama lahat ng kaibigan ko kaya ginusto ko na ring ipakilala tong si Raz sakanila, mas gusto kong legal kami kesa sa tinatago ko pa.


"Ma tingnan mo ginagawa nila lolo oh! Namumula na si Raz eh," pagrereklamo ko habang tinitingnan sila pero tumatawa lang si mama at prenteng nag cecellphone.


"Buti naman at gwapo ang iyong pinili, magandang bata ang kakalabasan niyan pag nagka anak kayo." Natatawang sabi sakin ni lola kaya naman nabilaukan agad ako sa sinabi niya.


"L-la naman," nahihiya kong sabi ngunit tinawanan niya lang ako.


"Gusto ko siya para sayo apo, mukhang mabuti naman siyang lalaki." Nakangiting sabi ni lola habang nakatingin kay Raz.


"Hindi niyo pa nga nakikilala Nay, kakadating pa lang niyan dito." Saway sakaniya ni mama,


"Hindi naman tanga ang anak mo, 'di yan basta basta pipili ng kung sino sino lang. Lalo na't may—"


"La.." banggit ko dahil baka marinig pa ni Raz ang pinaguusapan namin.


Lola caressed my face and smiled at me sweetly, "Gusto ko lang naman maging masaya ka apo, wag kang matatakot dahil lang sa...." she sighed and looked away. "Hindi masama ang mag mahal, palagi mong tatandaan."


Tumango nalang ako kay lola at niyakap ito, tumayo na ako para sana puntahan si Raz at tingnan kung okay pa ba siya.


"Ipangako mong hindi mo sasaktan si Dawn, Kundi uupakan talaga kita!" Seryosong sabi ni lolo kaya natawa naman ako,


"O-opo pangako po." Lasing na sabi ni Raz habang papikit pikit pa at halatang nahihirapan na kaya naman itinayo ko na siya.


"Lo, Tito, Kuya, iaakyat ko na po to ha, ako na po ang magliligpit niyan mamaya." Sabi ko pa at inakay si Raz.


"H-hindi! K-kaya ko pa." Sabi ni Raz at uminom pa ng isang shot ng lambanog, inakbayan naman ako nito at ngumiti saamin. "Eto po? Hindi ko to kaya iwan!" Turo niya pa saakin. "Mahal na Mahal ko to eh!" He laughed and pinched my cheeks. "Siya yung babaeng nagbibigay ng rason para mabuhay ako, she's my star."


I bit my lower lip and tried to stop myself from forming a smile.


"Tara na, you should go to sleep." I said at hinila na siya paakyat.


Umakyat na ako at inihiga siya sa kama ko, grabe yung bigat niya, Sumakit shoulders ko!


Iiwan ko na sana siya don para kumuha ng towel pampunas sakaniya ngunit agad naman niya akong hinila papalapit.


"Raz, I'm just going to get something." Sabi ko pa ngunit niyakap lang niya ako nang mahigpit. "Ugh, Raz let go."


"Ayaw," parang batang sabi nito.


"I'll be back, sandali lang promise."


Tinanggal ko ang pagakakyakap niya at tiyaka bumaba na para kumuha ng towel and basin na pang punas. nang hiram narin ako ng sando and shorts sa pinsan ko dahil pawis na pawis na si Raz.


"Para kay Raz?" Tanong saakin ni mama kaya naman ngumiti ako at tumango, hinawakan niya naman ang kamay ko at masinsinan na tumingin sa mata ko. "Hindi ako tutol sa relasyon niyo dahil katulad nga ng sabi ng iyong lola, mukhang mabait at mapapagkatiwalaan naman siya." Ngumiti ito saakin, "Alam na niya ba?" Kalmadong tanong ni mama kaya naman napatungo ako at umiling.


Naramdaman ko nalang na may tumutulong luha mula sa aking mga mata maya naman niyakap agad ako ni mama, "tahan na.."


"Natatakot ako Ma..." pag aamin ko habang humahagulgol sa balikat ni mama.


"Hindi mo kailangan matakot nak. Kung mahal ka talaga niya, tatanggapin ka niya ano man ang mangyari sayo." She said and tap my back trying to make me calm.


Pinunasan ko na ang luha ko at pilit na ngumiti kay Mama, I mouthed 'thank you' before going up with the things I needed.


Namumula parin ang mukha ni Raz ngunit parang maamong tupa ito na tulog, Lumapit ako sakaniya at tinanggal ang shirt niya. Sinimulan ko siyang punasan at napatingin naman ako sa itaas para pigilan ang nag babadiyang luha sa aking mga mata. 


Sinuotan ko na siya ng sando at pagtapos ay tumabi na sakaniya, I stared at him and bitterly smiled.


"I love you so much, Raz." I whispered as tears kept falling into my eyes. "I won't ever forget you."  I covered my mouth with my hands para hindi niya marinig na umiiyak na ako. "And even if I do... Know in your heart that I still love you. I may forget the moments we spend together, but that won't change the fact that you're the person whom I love the most."


I held his hand and hugged him tightly, I don't want to lose him... I don't want our happiness to end. Sana, palagi nalang kaming ganito. Masaya at walang iniintindi na problema. Ngunit alam ko namang impossible yun mangyari, because what I want is a dream,


A dream that will never be fullfilled.


-end of chapter 19-

Star CrossedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon