Chapter 2

38 6 0
                                    


Tahimik akong nag phone sa isang tabi hindi kinikibo ang presensya ng mga tao sa paligid ko.


"Tahimik ka ata ngayon, Dawn." Pansin na sabi ni Jax kaya nginitian ko nalang siya.


Nalipat naman ang tingin ko sa isang lalaki na nagsasalin ng Cuervo habang nakatingin pa sakin, tinaasan ko siya ng kilay kaya naman impit siyang natawa.


"Tinitingin tingin mo jan?" Masungit kong tanong sakaniya kaya umiling lang siya.


Kinuha ko ang wallet ko at naglabas ng pera, inilapag ko yon sa harap niya nangangahulugan na binabayaran ko na ang ginawa niya kanina.


"Woah, Raz. Bat kayo nag aabutan ng pera?" Tanong ni Jax dito, nalipat naman ang tingin niya sakin at inilabas ang kamay. "Ako wala?"


"Eto meron," I acted to get money from my pocket then raised my middle finger up.


"Ang sungit mo ata ngayon? PMS?"  Patawa tawa pa nitong sabi kaya inikutan ko nalang siya ng mata.


Tumayo naman ako para pumunta sana sa kwarto ngunit agad naman akong pinigilan ni Xyv.


"San ka pupunta? Andaming gwapo oh!" Pabulong na sabi pa nito sakin at kinurot ako sa tagiliran.


"Not interested." Simpleng sagot ko ngunit agad naman niya akong hinila pabalik para umupo.


"Mamaya ka na mag kulong, enjoyin mo muna!" Binigyan naman niya akong isang shot ng Cuervo kaya agad ko nalang iyon ininom.


"That's my girl!" Patawa tawa niya pang sabi.


"Dawn tara, pakilala muna kita." Aya naman sakin ni Jax ngunit agad akong umiling.


Tinulak naman ako ni Kyn kaya wala na akong nagawa kundi ang tumayo nalang.


"Zeki, Grey, Si Dawn nga pala." Pagpapakilala ni Jax sakin sa dalawa kaya naman ngumiti nalang ako.


Agad ko namang nakilala si Grey dahil siya ang nagturo saakin kung nasaan ang lalaking hambog kanina.


"You're the girl from sb diba? yung sumigaw?" Patawa tawa pang sabi nung Zeki habang kumakain ng Nachos.


Napakamot nalang ako ng ulo at tumango.


"Huh? Anong sumigaw? Bat ka sumigaw? May nangyari ba sayo?" Alalang tanong ni Jax pero pilit akong ngumiti at umiling.


"Ah kasi si ———-"


"Jax tara dun muna tayo dali." Pag puputol ko kay Gray kaya agad naman silang natawa saakin, pilit kong itinulak si Jax at lumingon muna ako sa dalawa para tingnan ng masama.


"Uy bro! Yan na ba yung jowa mo?" Salubong naman saamin nung isa pang lalaki na may dalang pizza.


"hahahaha gago! Dawn, si One nga pala." Sabi pa ni Jax habang nakaakbay saakin.


Yung muscle ko sa face nangangalay na ha, kanina pa ko ngiti ng ngiti.


"Uy Dawn! Nice, Madaling Araw!" Sambit pa nito kaya naman natawa nalang din ako.


Linagpasan na namin siya at nakita naman ni Jax na nakatingin saamin si Raz.


"Introduce pa ba kita? Mukha namang magkakilala na kayo e." Patawa tawang sabi ni Jax.


"Hindi na! tara na don, beer pong nalang tayo." Pagpupumilit ko sakaniya dahil ayokong makausap muli ang lalaking iyon.


"Hey, I'm Raz." Linahad niya pa ang kamay niya sa harap ko, tinaasan ko naman agad siya ng kilay.


Star CrossedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon