Prologue

82 5 0
                                    


"Ako na ang mag se-serve sakanila." Sabi ko sa waiter habang pinaplate ng maayos ang dish.


Napatingin ako sa apat na lalaki na nasa may gitnang table. Agad akong napangiti sa tuwa at dali daling kinuha ang mga pagkain na inorder nila.


"Here are your orders sir." Nakangiti kong sabi habang tinitingnan sila.


Napakunot pa sila ng noo at tsaka lang napangiti ng mapagtantong ako ang kausap nila.


"Jacquelyn Dawn Gabriela! Long time no see!" Agad na bati saakin ni Jax at niyakap ako


"Dito ka pala nag ta trabaho? Waiter?" Tanong saakin ni Zeki kaya agad akong napasimangot.


"Gago ako may ari nito." Agad kong sagot kaya lahat sila ay nagulat ng sabihin ko iyon.


"You mean you really own this? Hindi ka lang basta manager? Waiter? Server?" Pag kukumpirma ni One kaya tumango ako sakaniya.


"Yep, ako pa nga ang nagluto mismo niyan para sainyo." Sabi ko pa kaya napangiti agad sila.


"Ay nako pag kami nalason dito!" Pang aasar pa ni Gray kaya binatukan ko siya. "Aray! Ganyan niyo ba tratuhin customers niyo?" Kinamot niya pa ang kaniyang ulo.


"Kung ayaw niyo edi wag!" Sabi ko at umambang babawiin ang pagkain kaya agad naman nila akong pinigilan.


"Tara na nga tikman na natin," sabat naman ni Jax.


"Hindi na ba natin hihintayin si Raz?" Tanong pa ni Gray kaya agad siyang siniko ni Zeki sa tagiliran.


"Aray ko! Ano ba problema niyo sakin? Palagi niyo ko sinasakta ———" hindi niya na naituloy ang sinasabi niya at imbis ay napatingin ito saakin. "Sorry hehe," nag peace sign pa ito.


"Bumalik na pala siya," sabi ko sakanila habang pinipilit ngumiti.


"Ah.. oo... kahapon lang," Sabi pa ni One saakin habang pakamot kamot sa ulo.


"Uhm.. balik na ko ha, medyo marami kasing customers ngayon." Ngumiti ako ng mapait.


"Catch up tayo minsan, Dawn!" Sabi pa nila kaya tinanguan ko nalang siya.


Habang pabalik sa kitchen ay nagulat naman ako ng biglang natapunan ng waiter namin ang isang customer na naka suit pa.


Dali dali akong pumunta doon at kumuha ng hand towel para tulungan na punasan ang damit niya.


"Shit." Biglang mura nito kaya napabuntong hininga ako.


"Michelle kuha ka naman ng pamunas doon para ma linis na to." Utos ka naman sa aming waiter na naka bangga kaya sumunod agad ito. "Were really sorry sir —" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mag angat ako ng tingin at mapagtantong ang lalaki pala na kausap ko ngayon ay si....


Raz.


Tinanggal nito ang kamay ko sa dibdib niya na sinusubukan kong punasan kanina, he glanced at the broken glass before his gaze turned to me.


"It's... okay." Simpleng sagot nito at nilagpasan ako.


He still looked the same, though some of his features became a lot more matured.


I was left there standing and dumbfounded not wanting to believe that it was really him.


He just passed by me, Like he didn't even knew me.

Star CrossedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon