SCHOOL 13

586 38 7
                                    

JASMINE

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kaniya. Tumayo naman siya at namulsa. Unti unti akong napangiti. Ito na ba yun? Ito na ba ang kapalit ng sakit na naramdaman ko? Magiging masaya na ba ako? Magiging kami na ba? Ito na ba yung matagal ko ng hinihintay?

"Dylan!" natigil ako sa paglalakad ng biglang may tumawag sa kaniyang pangalan.

Natulos ako sa aking kinatatayuan at unti unting nabura ang ngiti sa aking labi ng lampasan ako ng isang babae. Parang bigla akong nanghina ng makitang niyakap niya si Dylan sa mismong harapan ko.

"Kanina pa kita hinahanap. Buti na lang nakita ko si Elijah at sinabing nandito ka." nakangiting sabi ng babaeng bagong dating na siya ding kasama ni Dylan noong nakita ko siya sa mall. "Nakapagtransfer na ako dito. Bukas ang first day ko."

Napalunok ako at nag iwas ng tingin. Biglang natanong sa sarili kung bakit ako nandito. Ano nga ba ang ipinunta ko dito? Bakit ako nandito?

Bakit nasasaktan na naman ako?

Kinagat ko ang aking pang ibabang labi at pinigilan ang pagtulo ng aking mga luha. No. I won't cry in front of him. I won't cry in front of them. Hindi ko ipapahiya ang sarili ko.

Tumalikod na ako at humakbang na palabas. Bigla akong naawa sa aking sarili. Hindi ko akalaing aabot ako sa puntong ito. Nakuyom ko ang aking kamao at pinilit ang sarili na humakbang palabas. Gusto ko ng umalis dito. Gusto ko ng umiyak sa lugar kung saan ako lang mag isa. Sa lugar kung saan ako lang ang nakakaalam ng lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Jas, nakapag usap ba kayo ni.." hindi na natapos ni Elijah ang kaniyang tanong ng makita niya ang aking mukha. "Jas." natigilan siya at nakita ko ang pag aalala sa kaniyang mukha.

"Okay lang ako. M-mukhang busy siya eh. Sa susunod na lang kami mag uusap." tipid ko siyang nginitian. "Alis na muna ako."

"Jas."

Muli akong naglakad at hindi na muling nilingon pa si Elijah kahit ilang beses niyang tinawag ang aking pangalan.

Pinilit ko ang aking sarili na makinig sa klase. Pinilit kong ituon doon ang buong atensyon ko pero bumabalik pa din ako kina Dylan at sa babaeng kayakap niya kanina.

Girlfriend niya ba yun? Kaya ba hindi niya ako magustuhan kasi may iba na siyang gusto?

Nang matapos na ang klase ay nagpaalam lang ako kay Sabrina at nauna ng umalis.

Habang naglalakad papunta sa gate ay nakita ko pang sabay na sumakay sila Dylan at yung babae sa kanilang sasakyan. Napangiti ako ng mapait. So, I guess hanggang dito na lang talaga. Mukhang wala na talaga akong aasahan pa.

Tama na, Jas. Kitang kita mo na oh. Wala kang laban dyan kaya sumuko ka na lang.

Nawala sa aking paningin ang sasakyan nila Dylan ng biglang may humarang na kotse.

"Simon?" nakangisi na siya agad sa akin noong lumabas siya sa kaniyang bagong sasakyan.

"Let's go?" tanong niya.

Naglakad ako palapit sa kaniya at nilingon ang paligid dahil marami ang nakatingin sa kaniya. Mukhang nakuha niya ang atensyon ng mga babaeng nandito.

"Anong ginagawa mo dito? Wala naman tayong usapan ah."

"It's called surprise visit, okay?" pumunta siya sa aking likod at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Sumakay ka na lang." itinulak niya ako at binuksan ang pintuan sa passenger seat kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sumakay doon.

"Bago na naman 'to?" tanong ko ng makapasok siya.

"Yup. Gift ni Dad sa akin."

"Bakit? Birthday mo ba?"

"Nope."

"Kung sa bagay, mayaman kasi kayo kaya kahit hindi mo birthday eh nireregaluhan ka."

Isinuot niya sa akin ang seatbelt na para bang trabaho na niya talaga iyon. Pinanood ko siyang ikinakabit ang sariling seatbelt hanggang sa magmaneho na siya.

"Natuwa lang si Dad kasi nag iimprove na ang grades ko."

"Sana all bigyan ng kotse kapag mataas ang grades." sabi ko na ikinatawa niya.

"Kain tayo?"

Tumango ako at nginitian siya. Pansamantalang nawala ang sakit na nararamdaman.

Maybe Simon is my savior. Siguro siya yung taong nakakaramdam kapag nalulungkot ako at kailangan ko ng makakapagpasaya sa akin.

"Thank you, Simon." bigla kong nasabi.

Saglit niya akong nilingon pero agad ding ibinalik sa daan ang tingin.

"For what? Dahil ililibre kita ng pagkain?" nakangiting tanong niya.

"Salamat kasi palagi kang nandyan kapag kailangan ko ng taong magpapasaya sa akin. Salamat kasi kaibigan kita." unti unting nabura ang ngiti sa kaniyang labi.

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now