JASMINE
After 3 days pa namin pwedeng makuha ang marriage contract namin dahil kailangan pa iyong iparehistro. After ng kasal ay nagpunta kami sa restaurant para sa simpleng selebrasyon.
Tuwang tuwa si Ryzen dahil marami daw mga pagkain sa kaniyang harapan.
At the age of 5, Ryzen is independent. Marunong na siyang kumain mag isa, magsabi kung naiihi o dudumi at siya na din ang magbibihis mag isa. Tinutulungan ko lang siya sa pagligo kahit minsan ay ayaw niya dahil big boy na daw siya.
Nakakatuwa lang dahil halatang maganda ang ginawang pagpapalaki sa kaniya ni Kuya Roderick pero nakakalungkot dahil inagaw na sa kanila ang panahon na sana ay magkasama pa sila.
"Paano Sir, mauuna na kaming bumalik sa Maynila." sabi ni Lieutenant Cruz ng sumapit na ang gabi.
"Mag iingat kayo." sabi ni Dylan at sumaludo sa kanila.
Tumuwid din ng tayo silang apat at sabay sabay na sumaludo kay Dylan.
"Congratulations po ulit sa inyo ni Miss Jasmine." napangiti ako sa sinabi ni Lieutenant Sandoval.
"Ingatan at mahalin niyo po si Sir Dylan ah." pagbibiro ni Lieutenant Perez.
"Sira. Sige na, umalis na kayo!" pagtataboy sa kanila ni Dylan.
Nang makaalis sila ay saka ko lang nilingon si Dylan.
"Kailan tayo babalik sa resort? Next week na ang kasal nila Kuya Daniel."
"Pagkatapos nating ayusin ang mga papeles ni Ryzen ay babalik na din tayo." tumango tango ako at saglit na natahimik.
"Si Bianca? Paano mo ipapaliwanag sa kaniya?"
"I don't have to explain anything to her. We're just friends."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ng marinig iyon. Kung matutuwa ba, kikiligin o hindi maniniwala.
Noong mga oras na yun ay alam kong si Dylan pa din. Ni wala man lang pagbabago sa nararamdaman ko para sa kaniya kahit limang taon na ang lumipas.
Siya pa din.. mula noon hanggang ngayon..
Kinabukasan ay naisipan naming ipasyal si Ryzen. Pumunta kami sa mall para bilhan siya ng bagong mga damit at laruan. Gusto ko nga sanang mag ambag sa mga pinagbibili namin pero hindi naman ako pinapayagan ni Dylan.
"Ako ang Daddy niya." yun palagi ang kaniyang sinasagot kapag sinasabi kong gusto ko ding mag ambag.
Natatawa na lang ako at napapailing.
Maraming mga babae ang napapatingin kay Dylan sa bawat lugar na pinupuntahan namin. May naririnig pa ako na ang bata pa daw niya para maging Ama. May nagsasabi naman na ang swerte ko dahil siya ang asawa ko.
Hawak hawak ko ang kamay ni Ryzen habang si Dylan naman ang may bitbit ng lahat ng napamili namin. Nagulat ako ng bigla siyang lumipat sa aking tabi at akbayan ako.
"Bakit?" gulat kong tanong.
"I don't like it when other guys are staring at you. You're my wife, so I should protect what's mine."
Dinig ko ang malakas na pagtibok ng aking puso ng marinig ang kaniyang sagot. Pinigilan ko ang pagngiti at hinayaan na lamang siya.
Maraming tinuturo si Ryzen na mga laruan na agad din namang bibilhin ni Dylan. Ngayon pa lang ay alam ko ng maispoiled masyado itong bata sa kaniya.
Nang magutom ay doon kami kumain sa Jollibee na kanina pa tinuturo ni Ryzen.
"Masarap ba?" nakangiti kong tanong kay Ryzen na kanina pa nilalantakan ang fries.
Tumango tango siya at ngumiti sa akin. Paminsan minsan ay sinusubuan ko siya ng kanin at burger steak. Si Dylan naman ang nagpupunas ng dumi sa kaniyang bibig.
We stayed at the hotel for three more days. Sa wakas ay naayos na namin ang mga papeles na kailangan ni Ryzen. We are officially his new parents.
Tuwang tuwa si Ryzen ng makasakay sa yatch ni Dylan. Ngayong araw ay babalik na kami sa kaniyang resort. Wala pa kaming pinagsasabihan tungkol sa mga nangyari sa amin. Kaya siguradong magugulat silang lahat mamaya.
Pumunta ako sa deck kung nasaan sila Dylan at Ryzen. Napangiti ako ng makitang nakatulog na sila sa maliit na sofang nandoon. Kalong kalong ni Dylan si Ryzen habang nakayakap ito sa kaniya.
Noon pa man ay alam kong magiging mabuting Ama si Dylan pero ngayong nakikita ko mismo sa aking harapan ang mga ginagawa niya para kay Ryzen kahit hindi naman niya ito tunay na anak ay parang hinahaplos ang aking puso. Gusto kong pagalitan ang aking sarili dahil sinaktan at iniwan ko siya noon.
Naupo ako sa kanilang tabi at pinagmasdan sila. Unti unti akong napangiti dahil nakikita ko na ang pamilyang inaasam ko noon kasama si Dylan. Kahit panandalian lang ang lahat ng ito ay gusto kong lubus lubusin ang mga araw na makakasama namin siya.
Hanggang sa dumating yung araw na muli siyang mawawala sa akin.
YOU ARE READING
High School Love (COMPLETED)
Teen FictionCan young love lasts forever? DYLAN x JASMINE