JASMINE
"Heto. Tikman mo ang niluto ko." ngiting ngiti kong inabot sa kaniya ang kutsara at tinidor.
Tinignan naman niya ang mga pagkaing nakahain sa aming lamesa. Nandito kami ngayon sa rooftop. Kasama namin sila Sabrina at Elijah. Dito kami kakain ng lunch ngayon.
"Wala bang gayuma ito?" tanong ni Dylan habang nilalagyan ng ulam ang kaniyang kanin.
"Wala no. Safe na safe yan." proud na proud kong sagot.
"Aww. Sana all may libreng lunch." pagpaparinig ni Sabrina.
"Wala ba para sa amin dyan?" tanong naman ni Elijah.
"Sus. Patanong tanong ka pa dyan. Kumuha na kayong dalawa. Medyo marami naman yan."
"Yun!"
Natawa ako ng agad na kumuha ng ulam sila Elijah at Sabrina. Nilingon kong muli si Dylan at nakitang kumakain na siya.
"Ano? Masarap ba?"
"Pwede na." tipid niyang sagot.
"Okay na yan kaysa sabihin mong panget ang lasa."
Kumain na din ako habang inaasikaso siya. Aabutan ng tubig, lalagyan pa ng ulam ang kaniyang lunch box, pupunasan ang gilid ng kaniyang labi kapag may kanin at kung anu ano pa.
"Hindi pa ba kayo?" napatingin ako kay Sabrina dahil sa kaniyang tanong. "Parang kayo na ah. Daig mo pa nga ang asawa sa sobrang pag aasikaso kay Dylan."
"Hindi pa no. Ginagalingan ko sa pag aasikaso para sagutin na niya ako." sagot ko at natawa pa.
"Pahirapan mo muna yan dude. Wag mo munang sasagutin." tinignan ko ng masama si Elijah dahil sa kaniyang sinabi.
"Kapal mo talaga! Pagkatapos mong kumuha sa ulam na niluto ko!" akma kong kukunin ang kaniyang kinakain pero agad niya iyong inilayo.
"Biro lang!"
"Tss."
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga na muna kami doon. Abala sa paggawa ng assignment si Sabrina habang si Elijah ay may kung sino na namang katext. Si Dylan naman ay abala sa pagbabasa.
"May gagawin ka mamaya after class?" tanong ko kay Dylan.
"May pupuntahan ako." sagot niya at hindi na ako nilingon.
"Sama ako."
"Hindi pwede. Kasama ko ang parents ko."
"Ah. Edi sakto pala. Magpapakilala ako." ngiting ngiti kong sabi.
Nilingon naman niya ako.
"Wag na. Baka sabihin nila ang pangit ng nanliligaw sa akin."
"Wow ha! Maganda naman ako ah!" nakasimangot kong sabi. "Sagutin mo na kasi ako para maipakilala mo na ako sa parents mo."
"Wag ka ngang makulit. Di ba sabi ko sayo wala kang mapapala sa akin. Kung gusto mo tumigil ka na." bumalik na siya sa kaniyang pagbabasa.
"Ayaw ko nga. Ngayon pa ba ako titigil kung kailan nakakalapit na ako sayo ng ganito. Hinahayaan mo na nga akong punasan ang mukha mo eh."
Umiling iling lang siya at hindi na ako pinansin. Napasimangot tuloy ako. Masyado talagang pa hard to get ang isang ito. Tss. Kapag talaga sinagot na niya ako ay mag iinarte din ako.
Noong nag uwian ay hindi man lang ako nakapagpaalam kay Dylan. Late na kasi kami pinalabas ng teacher namin at noong nagpunta ako sa room nila ay wala ng tao doon. Ni hindi man lang ako hinintay. Hay.
To: Baby Dylan
Ingat kayo ha. Bukas na lang ulit.Nang matapos ko siyang itext ay itinago ko na din ang cellphone ko sa aking bulsa.
"Hindi mo ihahatid si Dylan?" tanong ni Sabrina.
"Umalis na siya. May pupuntahan daw sila ng parents niya."
"Oh kaya pala malungkot ka."
"Hindi naman. Uuwi ka na ba? Gala muna tayo sa mall?"
"Sure!"
Natawa ako dahil mas mukhang excited pa siya sa akin.
"Mabuti naman at inaya mo ako! Malapit na kaya akong magtampo sayo puro si Dylan na lang ang kasama mo."
"Syempre nililigawan ko siya."
"Pero tingin mo, sasagutin ka kaya niya?"
"Sab, wala ka bang tiwala sa akin?" pagyayabang ko sa kaniya. "Mahuhulog din sa akin yun." siguradong sagot ko.
"Oh sige na. Sige na."
Naglakad lakad lang kami sa mall at naglaro din sa quantum. Nang mapagod ay kumain kami sa MCDO.
"Oh si Dylan yun di ba?"
Agad kong sinundan ng tingin ang tinitignan ni Sabrina. Napangiti ako ng makita si Dylan. Tatayo na sana ako para lapitan siya pero napahinto ako ng makita ang babaeng humawak sa kaniyang braso.
"Sino yung kasama niya?" hindi ko na sinagot pa ang tanong ni Sabrina dahil hindi ko din naman alam ang isasagot.
Tss. Kasama daw ang magulang? Ano yun? Nanay niya iyon eh halatang kaedad lang namin. Imposible ding kapatid niya iyon dahil dalawa lang sila at parehong lalaki pa.
"Baka pinsan niya?" tanong ko kay Sabrina.
Sinusundan namin sila ngayon. Alam kong nakakahiya itong ginagawa namin pero anong magagawa ko? Feeling ko pinagtaksilan ako kahit hindi naman kami. Masakit siya mga bes!
"Pinsan? Tingin ko hindi. Iba yung pagkahawak sa braso ni Dylan eh. Tsaka tignan mo nga kung paano niya tignan ang Dylan mo."
Nakagat ko ang aking pang ibabang labi at umalis na lang doon.
Humanda siya sa akin bukas!
YOU ARE READING
High School Love (COMPLETED)
Novela JuvenilCan young love lasts forever? DYLAN x JASMINE