JASMINE
Nasa peligro na ang buhay ko pero hindi ako kinakabahan dahil mas naiinis ako kay Dylan. Ang dami pa niyang sinabi. Hindi na lang niya ako diretsuhin na ako ang ipapain niya para makaganti siya.
"Wag kang kabahan. Act normal." dinig kong sabi ni Dylan na hindi ko pinagtuunan ng pansin. Bahala siya dyan.
Inihanda ko ang aking ngiti ng marinig na may nagbubukas na ng gate. Sumilip doon ang lalaking punung puno ng tattoo ang buong braso.
"Sino ka?"
"Ako po si Nurse Jasmine. Ako po yung pinadala ng San Joaquin Hospital." nakangiting sagot ko.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Maganda ka ah. Mukhang gagaling agad si Boss." nakangising sabi niya.
"Fuck!" mahinang sabi ni Dylan pero dinig na dinig ko pa din.
"Pasok ka na Miss."
Pumasok na ako sa loob at ang una kong nakita ay ang malaking bakuran na pinapaligiran ng maraming mga lalaki na sabay sabay akong nilingon. Nakita ko pa ang mga baril na nakaipit sa kanilang mga baywang.
"Ano po ba ang sakit ni Sir?" normal kong tanong bilang nurse.
"Sexy!" sigaw ng ilan na sinundan ng tawa ng iba.
"Bumukas ang hiwa niya sa tiyan." sagot noong lalaking nagbukas ng gate kanina.
Tumango ako at muling inilibot ang tingin sa paligid ng makapasok kami sa loob.
"Wala kang pagsasabihan ng lahat ng makikita mo sa bahay na ito. Hawak na namin ngayon ang buhay mo. Kitang kita na sa mga CCTV ang maganda mong mukha kaya oras na may makahanap sa amin dito ay ikaw ang una naming hahanapin. Naiintindihan mo?"
"Okay." mahinahon kong sagot.
Nang makapasok sa silid kung saan nandoon ang kanilang boss ay natigilan ako. Matanda na ang kanilang boss at siguro ay kaedad ni Papa kung buhay pa siya. Tss. Hindi pa niya gamitin ang natitirang mga oras niya sa kabutihan. Tulog siya pero halatang may iniindang sakit dahil namimilipit siya habang hawak hawak ang kaniyang tiyan.
"Isa lang naman ang gagawin mo Miss. Tahiin mo lang ang sugat ni Boss at pwede ka ng umalis. Manahimik ka at kalimutan mong pumasok ka dito." tumango ako at sinimulan na ang dapat gawin.
May limang lalaki na nanonood sa aking ginagawa. Imbes na matakot at kabahan ay pinanatili kong normal ang aking bawat galaw.
Nang matapos ay inabutan ko pa sila ng pain reliever para magmukhang totoo ang aking pagtatrabaho.
"Pag nagising siya ay paniguradong sasakit pa ang tahi niya kaya painumin niyo siya nito."
"Ano ito?" tanong nung isang lalaki pero sa akin nakatingin.
"Pain reliever yan. Aalis na po ako."
"Saglit lang." natigilan ako sa gagawing pag alis ng hawakan nila ang aking braso.
"Aalis ka agad? Mag enjoy naman muna tayo." imbes kabahan ay nginitian ko pa sila.
"Anong klaseng pag eenjoy naman ang gagawin natin?" nakangising tanong ko dahilan para tumawa sila.
"Jasmine! What the hell are you saying? Bawiin mo ang sinabi mo at umalis ka na dyan!" sigaw ni Dylan.
Ibinaba ko ang hawak na medicine kit at isa isa silang tinignan.
"Who's first?" nakangisi pa ding tanong ko.
"Jasmine! I'm warning you! Stop what you're doing!"
"Trust me. Magbibigay ako ng signal kapag pwede na kayong pumasok. Maraming mga lalaki sa labas kaya isa isa lang ah." pagkausap ko kay Dylan pero ang aking tingin ay nanatili sa mga lalaki na nasa aking harapan.
"Oo naman Miss. Kahit ako ayaw ko na may kahati eh." sabi noong lalaki na nagbukas ng gate.
"Gusto mo bang mauna?" tanong ko.
"Papasok na kami! Just don't do anything Jasmine!"
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nawala na sila sa kabilang linya.
Muli silang nagtawanan at parang mga maniac na nakakita ng pagkain sa kanilang harapan. Akmang lalapit sila pero pinigilan ko sila. Naupo ako sa kama at isa isang binuksan ang butones ng aking uniporme. Mabuti na lang talaga at hindi ko tinanggal ang blouse ko kanina.
"Ilapag niyo muna dito ang mga baril ninyo." itinuro ko pa ang aking tabi. "Baka iba ang pumutok niyan."
Hindi na sila nagdalawang isip at sabay sabay na inilapag sa aking tabi ang kanilang mga baril. Hinubad na din nila ang kanilang mga damit pang itaas at sobrang excited na yata ang mga kumag. Tumigil ako sa pagtatanggal ng aking mga butones at kasabay ng paghawak ko sa mga baril sa aking magkabilang kamay ay narinig ko na din ang mga putok sa labas. Natigil sila at mukhang narealize na ang nangyayari.
Pinagbabaril ko sila sa kanilang mga binti dahilan para humandusay sila sa sahig. Sumigaw sila at kung anu ano ang pinagsasabi sa akin. Itinapon ko sa bintana ang tatlong baril habang naiwan naman sa akin ang dalawa pa at nakatutok lang sa kanila.
Tumayo ako at nilapitan ang kanilang boss na hanggang ngayon ay mahimbing pa ding natutulog dahil sa itinurok ko sa kaniya kanina.
"Hayop ka! Sino ka?!"
Hindi din naman nagtagal ay pumasok na si Dylan kasama ang iba pa. Nanlalaki ang kanilang mga mata habang nakatingin sa mga lalaking hindi na makatayo pa. Tanging si Dylan lang ang may masamang tingin sa akin.
---------
Hi guys! Baka may free time pa kayo panoorin niyo yung new uploaded video namin. Kinanta ko yung "How Can I Love The Heartbreak, You're The One I Love" ng AKMU na kinanta din ni Jisoo hahaha.
Just search "La Familia Revilla" on YouTube. Subscribe na din kayo. Maraming salamat! 🤗😘
YOU ARE READING
High School Love (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsCan young love lasts forever? DYLAN x JASMINE