JASMINE
"D-dylan?"
"Can we talk?"
Napalunok ako at dahan dahang tumango.
"M-magpapaalam lang ako." nauutal kong sabi.
"Hihintayin kita dito."
Saglit ko pa siyang tinitigan bago nagmadaling pumasok sa loob at pinuntahan si Mama sa kusina.
"Ma."
"Oh nasaan na yung bisita mo? Maghahanda ba ako ng miryenda?"
"Ah hindi na po. Lalabas lang po ako saglit may pag uusapan lang kami."
"Ganoon ba? Oh sige, wag kayo masyadong lalayo." tinanguan ko siya at nginitian.
Pagkatapos kong magpaalam kay Mama ay lumabas din ako agad. Takot na baka panaginip lang pala ito. Na baka paglabas ko ay wala naman pala talaga siya at imahinasyon ko lang pala ang lahat.
Kagat kagat ko ang aking pang ibabang labi habang nakasakay sa kanilang sasakyan. Sinilip ko pa ang kanilang driver na parang gwardiyang nagbabantay sa labas.
"Paano mo pala nalaman ang bahay namin?" tanong ko ng hindi na makayanan pa ang katahimikan.
"Nagtanong tanong ako sa mga kapitbahay niyo."
"Ah." natahimik ako at tumango na lang.
Ang awkward naman. Akala ko ba mag uusap kami? Bakit hindi naman siya nagsasalita? Niloloko ba niya ako?
"Nililigawan ka niya?" agad ko siyang nilingon dahil sa kaniyang tanong.
"Nililigawan?" napaayos ako ng upo. "Nino?" kunot noong tanong ko.
Tumingin siya sa akin na ikinakaba ko. Heto na naman yung puso kong bumibilis ang pagtibok sa tuwing titingin siya sa akin. Ganoon pa rin. Ni hindi man lang nabawasan. Parang kahit na ilang beses niya pa akong saktan ay ganito pa din ang epekto niya sa akin at hindi na magbabago iyon.
"Yung lalaking kasama mo kanina."
Nakita niya kami kanina?
"Si Simon?" natawa ako ng mahina. "Kaibigan ko lang siya."
"Parang hindi naman yun ang nakita ko kanina. You two look so sweet and the way he stares at you is different." seryosong sabi niya.
Ganoon na ba kami kalapit ni Simon sa isa't isa? Sa aking paningin naman ay magkaibigan lang kami. Para nga siyang bestfriend ko kahit ilang linggo pa lang naman kaming magkakilala. Magaan ang loob ko sa kaniya kaya panatag akong kasama siya. Ganoon din kaya ang nakikita ng ibang tao kapag magkasama kami? At tsaka bakit ba siya nagtatanong? Nagseselos ba siya? Bigla akong nabuhayan ng loob dahil sa naisip. Bigla akong nagkaroon ng pag asa na baka sakali.. baka sakaling pareho kami ng nararamdaman.
"Kung sweet nga kami, ano naman ngayon?" tanong ko bago ko pa mapigilan ang aking sarili. Nag iwas ako ng tingin sa kaniya at pinaglaruan ang aking mga daliri. "Binasted mo na ako at mukhang.. mukhang may iba ka din naman." muli ko siyang tinignan at bahagyang nginitian pero hindi ko kinaya ang kaniyang paninitig kaya yumuko din ako agad. "Bagay kayo. Mukhang mayaman din siya katulad ninyo tsaka ang ganda ganda niya. Siya yung tipo ng babae na kapag itinabi sayo walang masamang masasabi ang mga makakakita sa inyo."
"Yeah. Mayaman nga siya at maganda."
Parang biglang sinaksak ng kutsilyo ang aking puso dahil sa kaniyang sinabi. Biglang namatay yung kaninang pag asa na nabuhay sa aking loob. Parang kanina lang ay nasa taas na ako pero itinulak din niya ako agad kaya nahulog ako at muling nasaktan. Napangiti ako ng mapait.
"Yun lang ba ang sasabihin mo?" lakas loob akong nag angat ng tingin at tinignan ang kaniyang seryosong mukha. "Nagpunta ka ba dito para ipamukha sa akin na bagay talaga kayo? Nandito ka ba para ipamukha sa akin na ang babaeng katulad niya ang type mo kaya hindi mo ako magugustuhan? Nandito ka ba para sabihin na wag na akong umasa kasi kahit kailan hindi magkakaroon ng tayo?" kinagat ko ang aking labi at hindi na nakayanan pa ang sakit. "Hindi pa ba sapat na nasaktan mo ako? Kulang pa ba ha? Ilang beses ba dapat akong masaktan dahil sayo para makuntento ka?" tanong ko kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. "D-dapat pala hindi ko na lang sinubukan. Dapat pala nilihim ko na lang yung nararamdaman ko para sayo habang buhay. Dapat pala nakinig na lang ako sayo noong sinabi mong wala akong mapapala at tumigil na lang. Sana tumigil na lang ako noon pa. Ayaw ko ng g-gustuhin ka.. kasi ang hirap hirap."
Hinawakan ko ang pintuan at desidido na sa paglabas ng bigla niyang hawakan ang aking kamay para pigilan ako. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
"No." bulong niya pero sapat lang para marinig ko. "You can't stop liking me, Jasmine. Hindi ako papayag."
----------
What team are you?
#JasDy?
or
#SiMine? (fandom name na bigay ng isang reader na si @tofukier
😂)
YOU ARE READING
High School Love (COMPLETED)
Ficção AdolescenteCan young love lasts forever? DYLAN x JASMINE