SCHOOL 44

467 28 14
                                    

Para sa mga matiyagang naghihintay ng update haha. Thank you so much guys! Love you all! 😘

--------------

JASMINE

Dylan,

Just be happy. Find a girl that's more deserving to be with you. A girl who can be with you forever. Umalis ako hindi dahil nagkulang ka. Umalis ako dahil alam kong magiging pabigat lang ako sayo balang araw. Just please, remember that I love you and I know in myself that you will be the last man that I'm going to love in my whole life.

Love,
Jasmine

Napangiti ako at humigop na sa kape na aking hawak hawak. Naalala ko na naman ang sulat na iniwan ko kay Dylan noong umalis ako sa kanila limang taon na ang nakalipas.

Sobrang bilis pala talaga ng panahon. Parang kahapon lang noong umalis ako sa kanila. Parang kahapon lang noong nakipaglaban ako sa aking sakit. Parang kahapon lang noong gumaling ako.

Halos isang taon din akong nagstay noon sa ospital. Tita Marie and my friends helped me a lot. Nagtulung tulong sila sa gastusin para sa aking mga gamot pati na din sa operasyon ko. Noong makarating kami dito sa London ay agad akong na admit sa ospital. Bukod kasi sa sakit sa puso ay napag alaman namin na may lung cancer din pala ako.

Akala ko noon ay yun na ang mga huling sandali ng aking buhay. Gusto ko nga sanang hilingin na sana ay makita ko pa si Dylan sa huling pagkakataon. Akala ko mamamatay na ako but Tita Marie never give up. Hindi niya ako pinabayaan at pinalakas niya pa ang aking loob. Hindi nila ako binitawan hanggang sa tuluyan akong gumaling. Then after a year of fighting here I am, still alive and kicking.

"Jasmine." agad kong nilingon si Ate Gladys ng tawagin niya ako. Siya ang head nurse sa ospital na pinagtatrabahuan ko na isa ding pinay.

"Po?"

"Pinapapunta ka sa operating room. Kulang daw ng nurse."

"Sige po."

Agad akong nagpunta sa OR at iniwan na lang sa lamesa ang aking kape. Nang makapasok sa OR ay agad akong napatingin sa pasyenteng nakahiga doon na duguan.

"What happened?" pabulong kong tanong kay Leila.

"Gun shots." napatango tango ako at tumulong na sa kanila.

Paglabas ko sa OR ay nanghihina akong naupo sa bleachers na naroon sa labas. Napabuntong hininga ako at napapikit.

"Coffee?" agad akong napadilat ng marinig ang boses na iyon.

"Hindi na. Uminom na ako kanina bago pumasok sa loob." nakangiting sabi ko.

Umusog ako ng kaunti ng umupo siya sa aking tabi.

"Successful ba?" tanong niya at saglit na sinulyapan ang pintuan ng OR bago ibinalik sa akin ang tingin.

"Yup. Successful naman." nakangiting sagot ko. "Malapit sa puso ang tama ng baril kaya medyo nahirapan kami pero okay naman."

"That's a relief." sabi niya at uminom sa kapeng hawak niya. "Don't have any plans on going back to Manila?"

Nagulat ako sa sunod niyang tanong. Nag iwas ako ng tingin sa kaniya at malungkot na napangiti.

"Wala na akong babalikan doon." malungkot kong sabi.

"I'm going back to Manila next month. Ikakasal si Kuya Daniel." muli akong napalingon sa kaniya ng marinig iyon.

"Talaga? Si Kuya Daniel ikakasal na?" gulat kong tanong.

"Yup. He finally met his match." natatawang sabi ni Dwayne.

Dwayne is the youngest son of Tita Marie. He's a Cardiologists while Kuya Daniel is a Radiologists. Noong nagstay ako dito ay isa si Dwayne sa mga naging doctor ko. Talagang tinutukan niya ako hanggang sa gumaling ako.

I tried to communicate with Sabrina while using Dwayne's account. I remembered how she cried hard when I tell her about my situation. Sabi niya ay ang daya daya ko daw. Gusto din daw sana niya na nasa tabi ko siya habang nilalabanan ko ang aking sakit.

"So, you're there all along? Alam mo bang sinugod ni Dylan si Simon sa school? Iyak ako ng iyak noong malaman kong nawawala ka dahil kahit ako ay hindi alam kung saan ka nagpunta. Dylan really cried in front of us. Sigaw siya ng sigaw na ilabas ka na namin at wag ng itago pa sa kaniya."

Napaluha ako ng marinig iyon. Gustung gusto ko na sanang ipaalam kay Dylan kung nasaan talaga ako pero hindi ko itinuloy dahil hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako. Sinabi ko kay Sabrina na wag niyang sasabihin kahit kanino kung nasaan ako. Lalong lalo na kay Dylan.

"Ano na namang ginagawa mo dito?" tanong ko kay Dwayne, pilit na iniiba ang usapan. "Hindi ba at may meeting kayo?"

"You know what? You're always hurting me whenever you're asking why am I here." sabi niya na ikinatawa ko.

Dwayne is four years older than me. Mabait naman siya sa akin. Kaso pagdating sa iba ay napakamainitin ng kaniyang ulo. He's so short tempered at akala mo ay palaging naghahanap ng away. He looks so calm in front of me but he's not. Kung gaano kakalma at kabait ni Kuya Daniel ay siya namang kabaliktaran ng ugali ni Dwayne. Hindi ko nga alam kung bakit nagdoktor ito. Mas bagay naman sa kaniya ang maging pulis.

"Baliw." natatawang sabi ko.

"I'm here because Kuya wants you to come."

Kuya Daniel went to the Philippines last year. Pumunta siya doon para sundan yung babaeng nakilala daw niya dito sa London. Saglit akong napaisip, am I ready? Handa na ba akong bumalik doon? Paano kung sakaling magkita kami ni Dylan? Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko sa kaniya?

"Let me think about it." sagot ko na lang.

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now