SCHOOL 3

662 38 1
                                    

JASMINE

Isang linggo na ang lumipas mula noong aminin ko kay Dylan na gusto ko siya. Isang linggo na din akong nanliligaw sa kaniya.

Medyo nagbabago na siya. Hindi na niya ako sinasaway kapag kinukulit ko siya at hinahayaan na niya akong sundan siya palagi. Hindi ko lang alam kung dahil ba gusto na din niya ako o dahil nagsawa na siyang pagsabihan ako?

Kalat na kalat na sa buong school namin ang panliligaw ko sa kaniya. Marami ang pinagtawanan ako. Ako daw itong babae pero ako ang nanliligaw. Hindi ko na lang pinansin iyon. Anong magagawa ko kung gusto ko talaga siya di ba? Isa pa, hindi naman kasalanan itong ginagawa ko. Nagmamahal lang naman ako eh.

Nandito kami ngayon sa ibang school para manood ng laban nila Elijah ng soccer. Medyo okay na din naman kami ni Elijah. Medyo nabawasan na din ang mga pang aasar niya sa akin. Nilingon ko si Dylan na nasa aking tabi. Yup. Magkatabi kami.

"Nauuhaw ka? Gusto mo ng tubig?" tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako nilingon at nanatili ang tingin sa hawak na libro.

Hay. Kahit dito ay may bitbit talaga siyang libro.

"Do whatever you want." walang kwenta niyang sagot.

"Bibili ako ng tubig natin. Dito ka lang ha. Wag kang magpapaupo ng ibang babae dito." tinignan niya ako at inilingan.

Natawa ako sa kaniya at tumayo na para bumili ng inumin. Hindi naman masyadong malayo ang kanilang cafeteria sa open field kaya hindi din ako nahirapan sa pagbili. Hawak ang plastic bag na naglalaman ng dalawang bote ng tubig ay binuksan ko ang boteng hawak ko para uminom na. Grabe! Napaka init ngayon. Dahil sa pag inom ay hindi ko namalayang may tao na pala sa aking harapan. Nanlaki ang aking mga mata ng makitang natapon sa kaniyang damit ang laman ng boteng nabitawan ko.

"Naku! Sorry po!"

"Oh shit! Miss naman! May laro pa ako eh." pinagpag niya ang kaniyang jersey pero wala namang nangyari.

"Sorry talaga." kinuha ko sa aking bulsa ang aking panyo at ipinunas iyon sa kaniyang mukha na nabasa din.

Natigilan siya kaya natigilan din ako. Nagulat ako ng makita ang kaniyang mukha. Wow! Ang gwapo pala niya. Umiling iling ako at mabilis na naalala si Dylan. Tama! Mas gwapo pa din ang Dylan ko.

"Sorry ha. Hindi ko sinasadya."

"Tss."

Nagulat ako ng hinablot niya ang aking panyo at umalis na.

"Teka yung panyo ko po!" sigaw ko pa pero hindi na niya ako nilingon. "Sungit."

Nagkibit balikat na lang ako at bumalik na kay Dylan. Napasimangot ako ng makita kung gaano kalagkit ang titig sa kaniya ng mga babaeng malapit sa amin. Tss. Sorry girls. He's mine.

"Bakit ang tagal mo?" yun agad ang kaniyang sinabi ng makaupo ako sa kaniyang tabi.

Ngumisi ako sa kaniya.

"Namiss mo ko agad?"

"Nauuhaw ako." suplado niyang sagot na ikinanguso ko.

"Sorry. Oh ito." kinuha ko ang bottled water sa plastic bag at ako pa mismo ang nagbukas noon.

Pinanood ko siyang uminom. Hay. Umiinom na nga lang ang gwapo pa din? How to be you po kuya? Hehe.

Isa isa ng lumabas sila Elijah at ang kaniyang mga team member.

"Go Elijah! Ngayon mo ipakita ang galing mo!" sigaw ko dahilan para tumingin siya sa akin. "Go bully Elijah!" sigaw ko pa na ikinangisi niya.

"You're so loud." iritadong sabi ni Dylan.

"Sus. Ikaw naman. Chineer ko lang yung kaibigan mo." pang aasar ko sa kaniya. "Wag ka ng magselos ha."

Hindi makapaniwala niya akong tinignan.

"I don't know what to do with you." naiiling niyang sabi na ikinatawa ko.

Lumabas na din ang kalaban nilang team. Malakas din ang hiyawan sa kanila.

"Go Simon! We love you!"

Naningkit ang aking mga mata ng makita yung lalaking nakabangga ko kanina.

"Oh! Siya yung lalaki kanina."

"Lalaki? May kilala ka dyan?" dinig kong tanong ni Dylan.

"Oo. Nakabangga ko yung lalaking yun kanina kaya nga medyo natagalan ako eh." tinuro ko pa sa kaniya yung lalaki.

"Hanggang dito ba naman ganyan ka? Tss."

"Hindi ko naman sinasadya no." depensa ko naman.

Nagsimula na ang game. Sa tuwing makakapuntos ang team nila Elijah ay sumisigaw ako. Sobrang dami ding fans noong Simon na siyang nakabangga ko kanina. Famous ang lolo niyo oh.

Sa sobrang intense ng game ay halos hindi na ako makaupo ng maayos. Jusko! Sana manalo ang team namin.

Namamangha din ako sa galing ng paglalaro ng lolo niyong si Simon. Sobrang galing lang talaga niya. Mukhang siya din ang team captain kaya naman todo bigay siya.

In the end ay nanalo ang team nila Simon. Sayang!

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now