JASMINE
"Hindi mo dapat sinabi yun." sabi ko kay Dwayne ng sundan niya ako dito sa kusina para kumuha ng juice.
"What?" patay malisya niyang tanong.
"Na boyfriend kita."
"Why?" tanong niya.
Tinignan ko siya at hindi makapaniwalang tinanong pa niya kung bakit.
"Why? Because it's not true." sagot ko.
"Yun ba talaga ang dahilan o ayaw mo lang marinig ng Dylan na yun na may boyfriend ka na?" natigilan ako sa kaniyang sunod na tanong.
Nag iwas ako ng tingin at inabala ang sarili sa pagsasalin ng juice sa pitsel.
"I don't know what you're saying." pagsisinungaling ko.
"Of course you know. Do you think I wouldn't know that Dylan is your ex? Siya yung iniwan mo dito bago ka sumama kay Mama di ba?"
Bumuntong hininga ako at muli siyang tinignan.
"Oo siya nga." tuluyan ko ng pag amin. "Siya nga yung lalaking iniwan ko five years ago. Masaya ka na?"
"It's been years, Jasmine. Move on." sabi niya na para bang hindi ko sinubukang gawin iyon.
"Tingin mo ba hindi ko sinubukan? I tried, Dwayne! Sinubukan ko pero hindi ko magawa at ngayon.. ngayong nakita ko siya ulit.. mas hindi ko kaya. Hindi ko magawa." naiiyak kong sambit. "Hindi ko magawa kasi.. kasi siya pa rin eh." napayuko ako ng tuluyang tumulo ang aking mga luha.
Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga ni Dwayne bago ko maramdaman ang pagyakap niya sa akin.
"Fine. I'm sorry. Don't cry, please." pagpapatahan niya sa akin.
Nang lumabas kaming muli ay ang una kong napansin ay wala na si Dylan doon sa kaniyang pwesto kanina. Nagpalinga linga ako sa paligid pero wala na siya doon.
Nakagat ko ang pang ibabang labi ng muli akong maupo sa tabi ni Tita Marie.
"Are you okay hija?" nag aalalang tanong niya.
"Hmm. Pwede po bang mauna na akong magpahinga? Inaantok na po kasi ako." pagdadahilan ko.
"Ganoon ba? Oh sige. Susunod din ako sa kwarto maya maya." sagot niya at nginitian ako.
Tumayo na ako at nagpaalam na din kina Tita Adeleine, Ate Lauren at sa kaniyang Mama.
"You look so tired. Pahinga ka ng mabuti hija. See you tomorrow." nakangiting sabi ni Tita Adeleine.
"Sige po. Good night po sa inyo."
"Good night, Jasmine." nakangiting sabi ni Ate Lauren.
Habang naglalakad papunta sa villa namin ay hindi ko mapigilan ang sariling tignan kung nasa paligid lang ba si Dylan. Nakaramdam ako ng lungkot ng hindi ko na siya makita.
Napahinto ako ng matanaw ang pinakamalaking villa kung saan pumasok si Dylan kanina. Bukas ang mga ilaw pero parang wala namang tao.
Maglalakad na sana ulit ako papunta sa aming villa ng makita si Dylan na may kasamang babae. Nag iwas ako ng tingin at agad na tumalikod ng mamukhaan ko si Bianca.
Mabilis ang aking paghakbang palayo doon. Bakit? Bakit magkasama sila? At kailan pa dumating si Bianca?
Hindi ko naituloy ang pagpunta sa villa kaya naman napagpasyahan kong tumambay na muna doon sa likod ng malaking bato. Hinubad ko ang aking sandals at iyon ang ginawang upuan. Niyakap ko ang aking mga tuhod habang nakatingin sa dagat na tahimik at payapa.
Sila na ba? Pero ang sabi ng Mommy ni Ate Lauren ay single siya di ba? Sabi din ni Ate Lauren ay may hinihintay na siya. Si Bianca ba iyon?
Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa din ako. Maisip ko lang na may iba na siyang mahal ay hindi ko na kaya. Siguro ay lalayo na lang ako kapag nakita kong magkasama sila o kaya ay magkukulong na lang ako sa villa.
Si Bianca din ba ang nanligaw sa kaniya? O baka siya na ang nanligaw? Ano kayang pakiramdam kapag si Dylan ang nanliligaw? Siguro ay sobrang saya noon sa pakiramdam. Bigla tuloy akong nainggit kay Bianca.
Umiling iling ako at huminga ng malalim. No. Don't be jealous, Jasmine. Tandaan mong ikaw ang first girlfriend ni Dylan. Ikaw ang first holding hands, first hug at first kiss. Medyo natuwa ako sa isiping iyon.
Yup. I'm his first girlfriend. Ako ang unang nakaranas kung paano magmahal si Dylan.
"What are you doing here?" agad akong napalingon sa nagsalita at nagulat ng makita si Raven.
Umupo siya sa aking tabi at saglit akong nilingon bago tinignan ang dagat.
"Ang laki mo na." nakangiting sabi ko.
"Yup." maikling sagot niya. Nakagat ko ang pang ibabang labi at inalis na ang tingin sa kaniya. "Why did you leave?" tanong niya na hindi ko masagot. "Kuya got hurt. So much."
"I'm sorry." tanging nasabi ko.
"I got mad at you. I hated you for hurting my brother. Ang sabi ko hinding hindi kita mapapatawad kahit kailan. Kahit ano pa ang dahilan mo ay hindi ako makikinig." kasabay ng paglingon ko sa kaniya ay ang paglingon niya din sa akin. "But I'm giving you a chance to explain. Now."
YOU ARE READING
High School Love (COMPLETED)
Ficção AdolescenteCan young love lasts forever? DYLAN x JASMINE