SCHOOL 42

403 18 0
                                    

JASMINE

"Good morning." nagising ako ng marinig ang boses ni Dylan.

Pagdilat ko ng aking mga mata ay ang nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin. Napangiti din ako.

"Good morning din."

"Nagluto ako ng breakfast." dinig ko sa kaniyang boses ang excitement.

Umalis siya sa aking kama at may kinuha sa lamesa. Bumangon ako at pinanood ang kaniyang ginagawa. Napangiti ako ng makita ang tray na hawak hawak niya na punung puno ng pagkain.

Isang linggo na din ang lumipas simula noong mangyari ang isa sa mga naging pagsubok sa aming relasyon. Simula noon ay mas naging sweet sa akin si Dylan. Mas naging attentive siya at understanding.

Nakangiti niyang inilapag sa aking kama ang hawak na tray.

"Kumain ka na." nakangiting sabi niya.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'to." sabi ko at tinignan ang mga pagkaing inihanda niya para sa akin.

"Gusto kong bumawi sayo." nabalik ang aking atensyon sa kaniya ng marinig iyon. "I know, it's been a week since it happened pero gusto ko pa ding bumawi. Gusto kong gawin ang mga simpleng bagay na ito para sayo."

"Dylan."

Hinawakan niya ang aking mga kamay at hinalikan iyon.

"I love you Jasmine and I will do everything just to make you stay."

Napangiti ako at niyakap siya.

"Thank you. Thank you for your unconditional love." bulong ko sa kaniya.

Kumakain kami ng lunch nila Simon at Sabrina ng biglang sumakit ang aking dibdib. Napapikit ako at pilit na ininda ang pagkirot noon. Hindi ko iyon kinapa para hindi makahalata sila Sabrina at Simon.

"Jas? Are you okay?" dinig kong tanong ni Simon.

Dumilat ako at tinanguan siya.

"Okay lang. Sumakit lang yung tiyan ko. Nasobrahan yata sa kain." sagot ko para hindi na siya muling mag alala pa.

Nginitian ko si Sabrina na tahimik lang na nakatingin sa akin. Nang matapos ang klase ay nagpasya akong pumunta sa ospital para magpacheck up. Sobrang lakas ng tibok ng aking puso habang naglalakad papasok doon.

"Nandyan po ba si Dra. Tuazon?" tanong ko sa nurse.

"Nasa office niya po."

"Ah sige. Salamat."

Nang makita ang pintuan ng opisina ni Dra. Tuazon ay saglit akong natigilan. Hindi alam kung itutuloy ba ang sadya o hindi na lang. Napabuntong hininga ako at aalis na lang sana ng biglang bumukas ang pintuan.

"Jasmine?" gulat na tanong niya.

"Hi Dok." awkward kong pagbati sa kaniya.

"I heard what happened to your parents. Pasensya na at hindi ako nakapunta. Nasa London kasi ako noong mga panahong iyon kaya hindi man lang ako nakadalaw." sabi niya ng makapasok kami sa kaniyang opisina.

"Okay lang po."

"Nagpunta ako sa bahay niyo dati pero wala ka na pala doon. Where are you staying?"

"Sa bahay po ng parents ng boyfriend ko."

"Mabuti naman at may nakakasama ka. Ano nga pala ang sadya mo hija? Bumalik ba yung sakit?" nakagat ko ang pang ibabang labi at dahan dahang tumango. "Kailan mo pa ulit naramdaman ang paninikip ng dibdib mo?"

"Kanina lang po." pagsisinungaling ko.

"Jasmine." seryoso niyang pagtawag sa aking pangalan.

"Last week po." pag amin ko.

"Last week pa? I told you to come back once you feel it again. You'll do some tests again para makasigurado tayo."

Tumango na lang ako at hindi na umangal pa.

Pinanganak akong may sakit sa puso. Kaya nga todo alaga sila Mama at Papa sa akin noon. Si Dra. Tuazon na ang doktor ko noon pa man. Para na siyang naging auntie sa akin. Noong grade four ako ay natapos ang operasyon at treatment ko kaya akala ko ay okay na. Ilang taon ang lumipas at naging mabuti naman ang kalagayan ko kaya namuhay akong walang inaalala pero noong nakaraang linggo ay naramdaman ko muli ang mga sintomas na nararanasan ko noon. Gusto ko iyong balewalain pero gusto ko pang mabuhay ng matagal kaya nagdesisyon akong pumunta dito.

"Can you wait here for a while? Ipapaasikaso ko na agad ang resulta para malaman natin."

"Sige po."

Lumabas si Dok kaya muli akong naupo. Napapikit ako at nanalangin na sana ay wala lang naman iyon. Na sana ay hindi bumalik ang sakit ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo dito. Sa sobrang kaba ay hindi ko magawang sagutin ang mga tawag at text ni Dylan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya.

Agad akong napatayo ng bumalik na si Dra. Tuazon. Nang makita ang ekspresyon ng kaniyang mukha ay agad akong nanlumo. Alam na alam ko na ang ekspresyon na iyon.

"Your heart is in danger again, Jasmine."

--------------

Hi guys! Sorry sa matagal na update! Nagstart na nga pala kaming magvlog ng mga kapatid ko. Kung may time kayo at gusto niyo pa akong makilala ng mas mabuti sana panoorin niyo kami hahahaha. Don't forget to LIKE, COMMENT and SUBSCRIBE!
Comment done with your name para mashout out namin kayo sa next video namin at para madedicate ko sa inyo ang next update ko sa story na ito.

For example: Done! Julie from Wattpad 😊

Our YOUTUBE CHANNEL:
La Familia Revilla

MARAMING SALAMAT GUYS! Sobrang maaappreciate ko ang pagsuporta niyo sa amin. Love you all! 😘

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now