SCHOOL 62

630 21 11
                                    

DYLAN

Hinalikan ko ang kamay ni Jasmine na kanina ko pa hawak hawak. Nang mawalan siya ng malay kanina ay agad ko siyang dinala dito sa ospital.

Sobrang nag alala ako at halos hindi na malaman ang gagawin. Nanginginig ang aking mga kamay sa takot.

Kanina ay nandito sila Mommy pero sinabi kong umuwi na muna sila at isama si Ryzen na iyak ng iyak. Our son is not yet ready for this. Kailan lang ay kitang kita niya kung paano namatay ang kaniyang tunay na ama. Alam kong hindi pa niya kakayanin kapag nakita niyang walang malay ang kaniyang Mommy.

"Call us anak." nag aalalang sabi ni Mommy.

Tumango ako at tinignan si Ryzen na nakatingin din sa akin.

"Mommy?" tanong niya.

Lumuhod ako para mapantayan siya.

"She's okay. Medyo nahilo lang si Mommy." pagsisinungaling ko.

Tumango siya at sinulyapan ang pintuan kung nasaan si Jasmine.

"Uwi din kayo ha." nginitian ko siya at niyakap.

"Uuwi kami." paninigurado ko. "Wait for us, okay?" naramdaman kong tumango siya at hinigpitan ang yakap sa akin.

Biglang bumalik sa aking isipan ang mga sinabi kanina ni Dwayne noong dumating sila.

"What happened? Anong ginawa mo?" tinulak niya pa ako sa balikat pero sa sobrang takot na nararamdaman ay hindi ko na iyon pinansin pa.

"Dwayne. Take it easy." paalala ni Kuya Daniel sa kaniya.

"I didn't know." wala sa sariling sambit ko. "Bigla siyang nawalan ng malay kanina."

"Bumalik ba?" napatingin ako kay Kuya Daniel ng tanungin niya iyon.

"I don't know pero wag naman sana." sagot ni Dwayne at natahimik na.

"Wait. What are you talking about?" gulong gulo kong tanong.

"Family of the patient." agad siyang lumapit sa doktor na tumingin kay Jasmine.

"I'm her doctor. I'm a cardiologists. What happened? Bumalik ba ang mga sintomas?" dinig kong tanong niya na ikinatigil ko.

"She's okay now. Masyado lang siyang nakaramdam ng tuwa at excitement kaya inatake siya but she's fine. Kaunting pahinga lang at ingatan ang puso niya. Don't make her feel too overwhelmed but don't make her sad and cry too."

"Thanks God." dinig kong bulong ni Kuya Daniel.

"What the hell are you talking about? Is Jasmine sick?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"It's not my story to tell but with Jasmine's condition alam kong hindi niya kakayaning ikwento sayo ang lahat."

Pumasok kami sa hospital room ni Jasmine. Mahimbing siyang natutulog ngayon at wala na ang sakit na nakita ko sa kaniyang mukha kanina.

"Base sa kwento ni Mommy noon ay ipinanganak si Jasmine na may sakit sa puso. Mom is her doctor since then. Noong araw na umalis siya sa inyo ay sumama siya kay Mommy dahil nalaman niyang bumalik ang sakit niya." napakuyom ang aking kamao habang pinapakinggan ang kaniyang mga sinasabi. "She didn't want to go. She didn't want to leave you too but she needs to do it. Noong dumating sila sa London ay agad siyang na admit dahil lumalala ang lagay niya then the worst part happened. Nalaman namin na may lung cancer din pala siya." agad akong napatingin sa kaniya ng sabihin niya iyon.

"You're kidding me." nasabi ko na lang dahil ayaw kong maniwala na pinagdaanan iyong lahat ni Jasmine.

"I'm not. Tingin mo, anong mapapala ko kung lolokohin kita? Isang taon siyang nagstay sa ospital. Halos araw araw kong naririnig ang mga pagdaing niya, ang pag iyak niya dahil sa sakit at ang pagbanggit niya sa pangalan mo sa tuwing natutulog siya."

Napatingin ako kay Jasmine kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

"Bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit hindi niya sinabi para kahit papaano may nagawa man lang ako para sa kaniya?" umiiyak kong tanong at hindi inalis ang tingin kay Jasmine.

"Tinanong ko din yan sa kaniya at ang palaging sinasabi niya ay mas okay na wala ka doon. Mas okay na siya lang mag isa ang makakita sa sarili niya na nahihirapan. Natatakot siya na sa oras na hindi na niya kayanin ang sakit ay makita mong mawalan siya ng buhay. Natatakot siya dahil hindi niya alam kung mabubuhay pa siya."

"I'm sorry. I'm sorry for not being there when you needed me the most." naiiyak kong sambit at hinalikan ang kaniyang kamay. "I'm sorry kung kinailangan mong harapin ang lahat ng iyon na mag isa. I'm sorry for failing you when I told you that I'll take care of you. I'm so sorry baby. Magpagaling ka ha. Ryzen and I needs you. Hindi namin kakayanin kapag nawala ka. Hindi ko na ulit kakayanin pa."

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now