JASMINE
"Tumuloy ka pa din kahit ayaw ko?" tanong ni Dylan ng sumakay na din siya. "Manong, mag uusap lang po kami." sabi niya sa driver.
Tahimik na lumabas ang driver. Napalunok ako at sumulyap sa kaniya.
"Trabaho lang naman ito, Dylan. Isa pa, hindi naman kami araw araw magkikita doon."
"Paano ka nakakasigurado?" tanong niya at tuluyan na akong hinarap. "Of course, palagi na siyang pupunta doon dahil nandoon ka."
"Hindi mo ba ako kayang pagkatiwalaan?"
"I trust you pero siya? Hindi."
"Hindi mo naman siya kailangang pagkatiwalaan eh. You only need to trust me. Ako lang. Kasi tayong dalawa lang naman yung nasa relasyon na 'to." pilit kong pagpapaintindi sa kaniya. "Kailangan ko ito. Kailangan ko ng trabaho."
"Then I'll tell Dad na bigyan ka ng trabaho sa opisina."
"Dylan, please. Just stop it. Natanggap na ako. Hindi ba pwedeng maging masaya ka na lang para sa akin?"
"Bakit ayaw mo sa opisina? Dahil ba wala ang Simon na yan doon? Dahil ba alam mong hindi kayo makakapagkita kapag nandoon ka sa opisina ni Dad?" natigilan ako ng marinig ang mga pang aakusa niya sa akin.
"Ganyan na ba ang tingin mo sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Tingin mo ba, ginagawa ko ito para lang makipagkita sa kaniya ha? Dylan naman, ilang beses ko ba dapat sabihin na ikaw ang mahal ko at trabaho lang ang ipinunta ko dito? Simon, is just a friend!"
Imbes sagutin ang aking tanong ay binuksan niya ang bintana at tinawag na ang driver.
"Tara na manong."
Tumingin ako sa bintana ng pumasok na ang driver.
"Sa bahay muna nila." dinig kong sabi ni Dylan.
Napangisi ako at napailing.
"Wag mo na akong ihatid." binuksan ko ang pintuan at agad ng lumabas bago pa iyon umandar.
"Jasmine! Bumalik ka dito!" sigaw niya pero hindi ako lumingon.
Bakit? Bakit humantong sa ganito ang lahat? Mahirap ba akong pagkatiwalaan?
Lalo kong binilisan ang paglalakad para makalayo sa kaniya. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kanilang sasakyan. Bago pa ako makatakbo ay may humawak na sa aking kamay na ikinatigil ko.
"I'm sorry, baby. Bumalik ka na. Ihahatid kita." mas malumanay niyang sabi ngayon.
"Hindi na. Uuwi na lang ako mag isa." pagmamatigas ko.
Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga. Agad akong nag iwas ng tingin ng pumunta siya sa aking harapan.
"I'm sorry. Sorry. I'm just really jealous kapag nakikita kong magkasama kayong dalawa. Knowing that he's in love with you." umiling iling siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko para iharap sa kaniya. "I'm so afraid to lose you. Ayaw kong mapunta ka sa iba. Takot na takot ako kaya gusto kong itali ka na lang sa akin kahit alam kong masasaktan at masasakal ka lang." nakagat ko ang pang ibabang labi ko at pinigilan ang pagtulo ng luha. "I'm sorry for loving you this way."
Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at dahan dahan iyong ibinaba. Tinitigan ko siya ng mabuti at nginitian kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.
"Hindi mo ba naisip na parang palagi na lang ganito? Siguro, masyado nating mahal ang isa't isa kaya dapat medyo magpahinga na muna tayo."
"Baby. I don't like what you're saying." seryosong sabi niya pero nakita ko ang takot sa kaniyang mga mata.
"Siguro.. siguro para naman tayo sa isa't isa pero pinilit ko agad kaya ganito ang nangyayari." umiling iling siya at yumuko. Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay. "Alam mong mahal na mahal kita di ba?"
"Stop it!"
"P-pero baka hindi pa talaga ito ang t-tamang panahon para sa atin." pagpapatuloy ko. Hinawakan ko ang kaniyang mga pisngi at iniharap sa akin. Lalo akong nasaktan ng makitang umiiyak din siya. "Hanggang dito na lang muna tayo. Siguro kailangan na muna nating tumigil. Mauulit lang ito ng mauulit kung wala yung pagtitiwala."
"I'm sorry. Okay. Magtitiwala na ako. Just please, don't leave me. Nasanay na akong nandyan ka eh." natigilan ako at saglit na natulala dahil sa kaniyang sinabi.
"Mahal mo ba talaga ako? O nasanay ka lang na palagi akong nandito? Yung nararamdaman mo ngayon, nagseselos ka ba talaga o naaapakan lang yung pride mo kasi akala mo sayo ko lang ibibigay yung buong atensyon ko?"
"Baby, of course I do. I love you." sagot niya.
Tumango tango ako at huminga ng malalim.
"Pag isipan mo ng mabuti kung mahal mo ba talaga ako. Subukan mong tumingin sa iba o kaya kahit makipagdate ka pa. Yung mas maganda, mas matalino, mayaman, mas mabait, yung mas higit sa akin sa lahat ng bagay. Pagkatapos noon at kapag ako pa din yung gusto mong makasama. Bumalik ka sa akin. Maghihintay ako."
YOU ARE READING
High School Love (COMPLETED)
Novela JuvenilCan young love lasts forever? DYLAN x JASMINE