JASMINE
"Talaga? Magbabawas daw ng staff ngayon?" gulat kong tanong kay Cleo.
"Oo eh. Pasensya na, Jas. Kaso ang kukunin na lang yung mga full time. Alam mo naman na medyo mahina ang restaurant ngayon di ba?" malungkot niyang sabi sa akin.
Tumango tango ako at nginitian siya.
"Naiintindihan ko."
Kinausap ako ng manager namin at ibinigay na sa akin ang huling sahod ko.
"Pasensya ka na talaga, Jasmine. Medyo matumal kasi ngayon."
"Okay lang po."
Napabuntong hininga ako habang naglalakad pauwi. Saan na ako maghahanap ng trabaho ngayon? Hindi pa naman fully recovered si Papa. Tsaka minor pa lang ako. Walang tatanggap sa akin tapos kailangan ko pang mag ipon para makapag aral sa university next year.
"Jas!" napatingin ako sa sasakyan na nasa aking gilid ng may tumawag sa akin.
"Simon."
"Ihahatid na kita." nakangiting sabi niya.
"Thank you ha." sabi ko ng makasakay sa kaniyang sasakyan. "Saan ka pala galing?" natigilan ako ng siya ang magkabit ng seatbelt sa akin.
Napansin niya yata ang pagkatigil ko kaya binilisan niya ang ginagawa at nginitian ako.
"Nagpunta ako sa trabaho mo kaso wala ka na daw doon." sabi niya at nagsimula ng magmaneho.
"Ah oo." sagot ko at muling bumuntong hininga. "Tinanggal na ako kasi medyo matumal na daw." saglit niya akong nilingon pero ibinalik din ang tingin sa harapan.
"Maghahanap ka ng bagong work?"
"Oo. Kailangan eh."
"Kung gusto mo, pwede kitang ipasok sa coffee shop ni Tita."
Napaayos ako ng upo at napangiti.
"Talaga?"
"Oo naman. Sakto kailangan nila ng cashier ngayon. Kung okay lang din sa boyfriend mo."
"Maiintindihan niya naman siguro." hindi siguradong sagot ko.
"Kamusta naman kayo? Going strong?" tanong niya.
"Oo." sagot ko at napangiti. "Okay naman kami. Minsan nagkakatampuhan pero naaayos naman agad." tumango tango siya at natahimik. "Ikaw? Kamusta ka naman?"
Napatingin ako sa kaniyang kamay ng humigpit ang pagkakahawak noon sa manibela.
"I'm fine. Nakita na kita eh." nilingon niya ako at nginitian pero hindi ko magawang ngumiti pabalik.
"Simon, I'm sorry."
"Let's not talk about it, please. Hindi mo naman kasalanan yun. Ako yung nahulog eh."
"Thank you, Simon. Itext mo lang ako kung kailan ako pwedeng pumunta sa coffee shop ng Tita mo." sabi ko ng makarating kami sa kanto namin.
"Pwede ka ng pumunta doon bukas after class. Susunduin na lang kita para makausap ko din si Tita."
"Okay sige. Text text na lang bukas. Thank you ulit. Mag ingat ka sa pagmamaneho." nginitian ko siya at kinawayan.
"Sige na. Mauna ka ng umalis. Tatanawin muna kita dito."
Saglit akong napatitig sa kaniya bago ako tumango at muling kinawayan siya bago ako naglakad pauwi.
Nang matapos maligo ay naupo ako sa aking kama at tinext si Dylan.
To: Baby
Busy?Ilang sandali lang ay tumawag din agad si Dylan.
"Hi baby."
"Hi. Busy ka pa?" kinuha ko ang suklay sa ibabaw ng aking cabinet at muling naupo sa kama.
"Hindi na. Nakauwi ka na?"
"Oo. Last day ko na ngayon."
"What? Bakit?"
"Tinanggal na nila yung mga part time lang. Medyo matumal na kasi." sagot ko habang nagsusuklay.
"Talaga? Wag ka na munang maghanap ng trabaho. Just focus with your studies."
"Hmm. Actually, may bago na akong mapapasukan."
"Agad agad?"
Nakagat ko ang pang ibabang labi at inisip kung paano ko sasabihin kay Dylan ang tungkol sa napag usapan namin ni Simon.
"N-nagkita kami ni Simon kanina." kinakabahang sabi ko. "I mean, pauwi na ako kanina ng makita ko siya tapos ayun, nakwento ko sa kaniya na last day ko na sa work ko. Ang sabi niya, kakausapin daw niya yung Tita niyang may coffee shop." lalo akong kinabahan ng hindi siya magsalita.
"Can you decline his offer? I don't like the idea of you working in his territory." bumagsak ang aking balikat dahil sa kaniyang sinabi.
"Hindi ka ba nagtitiwala sa akin?" wala sa sariling tanong ko.
"Baby, it's not like that."
"Dylan, ikaw ang boyfriend ko. Tinutulungan niya lang ako. Alam mo naman na kailangan kong magtrabaho di ba?"
"Are we going to fight because of this?"
"Dahil hindi na kita maintindihan. You're still jealous because of him. Hindi pa ba sapat yung mga ginagawa ko para mapanatag ka na ikaw lang ang mahal ko?"
"Baby, stop it. I'm sorry okay? Bukas na lang tayo mag usap. Ayaw kong magkagalit tayo ngayon."
Huminga ako ng malalim.
"I'm sorry."
"Let's talk about it tomorrow, okay? Let's not fight tonight. Wala ako dyan para pakalmahin ka." tumango tango ako kahit hindi niya ako nakikita.
"Okay."
YOU ARE READING
High School Love (COMPLETED)
Novela JuvenilCan young love lasts forever? DYLAN x JASMINE