JASMINE
Nakatingin lang ako sa kaniya habang naglalakad siya palayo sa akin. Parang bigla niya akong ipinako sa aking kinatatayuan kaya kahit gusto ko siyang sundan ay hindi ko magawa. Para bang literal niyang nilagyan ng harang ang pagitan namin.
Dire diretso lang siya sa pagsakay sa kanilang sasakyan at hindi man lang nag abalang lingunin ako. Ni hindi man lang siya lumingon para tignan ang reaksyon ko. Wala ba talaga siyang pakialam kahit umiyak ako dito? Wala ba talaga siyang pakialam kahit masaktan ako?
Noong tuluyan silang makaalis ay saka naman tumulo ang aking mga luha. Agad ko iyong pinunasan pero patuloy pa din ang kanilang pagbagsak kaya naman hinayaan ko na lang na mabasa ang aking mukha. May humarang sa aking harapan at niyakap ako.
"I'm sorry." lalo akong naiyak ng marinig ang boses ni Simon.
"K-kasalanan ko 'to di ba?" umiiyak kong tanong.
"No. It's my fault. I'm sorry." hinaplos haplos niya ang aking buhok at humigpit ang pagkakayakap sa akin. Paulit ulit na humingi ng tawad.
"Tama. Kasalanan mo ito." sinamaan ko ng tingin si Simon.
Nandito lang kami sa loob ng kaniyang sasakyan. Hindi niya ako binitawan hangga't hindi pa ako tumatahan and I thanked him for that. Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam.
"But I think, nagselos siya."
"Tss. Paaasahin mo na naman ako."
"Bakit siya nagkaganoon kung hindi siya nagselos?" natigilan ako dahil sa kaniyang tanong.
"Baka.. baka natapakan ang pride niya dahil akala niya dalawa kayong pinopormahan ko?" hindi siguradong sagot ko.
"Maybe but maybe he got really jealous too. Base sa kwento mo kanina ay tingin ko nagselos talaga siya."
Bumuntong hininga ako at napatingin sa labas.
"Anong gagawin ko? Binasted na niya ako. Ang sabi niya pa wag ko na siyang lalapitan at wag na din daw ako magpakita." malungkot kong sabi. Muli ko siyang nilingon na nakatingin lang sa akin. "Umalis na kaya ako dito? O kaya magtransfer ako ng school?"
"Ano? Para kang baliw. Lalaki lang yun. Ipakita mo sa kaniya ang pinakawalan niya. Hayaan mong maramdaman niya ang sinayang niya."
"Tss. Yan na naman ang mga plano mo." naiiling kong sabi.
"Believe me. Nagtagumpay tayo na pagselosin siya."
Nakadungaw lang ako sa bintana sa aking kwarto habang inaalala ang nangyari kanina. Hindi ako makapaniwalang sa isang iglap lang ay natapos na ang lahat. Bumuntong hininga ako. Ano na kayang ginagawa ni Dylan? Iniisip niya din kaya ako? Pinagsisisihan na ba niya yung mga sinabi niya kanina?
Napatingin ako sa aking kama ng magring ang aking cellphone na nakapatong doon. Tamad akong naglakad papunta doon at kinuha ang cellphone para tignan kung sino ang tumatawag.
Poging Simon calling..
"Bakit?" matamlay kong tanong ng sagutin ang kaniyang tawag.
Naupo ako sa aking kama at inilagay ang unan sa aking kandungan.
"Matulog ka na."
"Hindi ako makatulog. Sa tingin mo, magsisisi kaya siya dahil binasted niya ako?" umaasang tanong ko.
"Siguro?" bumuntong hininga na naman ako. "Kung kayo talaga, kayo talaga. Hindi man maging kayo ngayon, malay mo naman sa future eh kayo pala talaga ang itinadhana."
"Talaga?"
"Syempre joke lang yun. Wag ka ng umasa."
"Bwisit ka talaga." inis kong sabi na ikinatawa niya.
Nang marinig ang kaniyang pagtawa ay napangiti na din ako.
"Salamat sa pagtawag, Simon." tumigil siya sa pagtawa at tanging kaniyang paghinga lang ang aking naririnig. "Infairness, kahit papaano napangiti mo ako."
"Mabuti naman. May gagawin ka bukas?"
"May pasok ako sa trabaho ng alas dos ng hapon."
"Anong oras ang out mo?"
"Hanggang 8pm ako bukas."
"Susunduin kita."
"Wag na. Masyado na akong nakakaabala sayo."
"It's okay. Wala naman akong ginagawa. Tsaka mas masaya kayang bwisitin ka."
"Tss. Ewan ko sayo."
Nagtagal din ng ilang minuto ang pag uusap namin ni Simon. Kung hindi lang ako tinawag ni Mama ay baka kausap ko pa din siya hanggang ngayon. Kalalaking tao ang dami dami niyang kwento.
"Boyfriend mo yun?"
"Sino Ma?" tanong ko habang naghihimay ng malunggay.
"Yung kausap mo kanina sa cellphone mo."
"Ah. Si Simon yun Ma. Kaibigan ko."
"Akala ko boyfriend mo na eh." tinignan ko si Mama at nginitian.
"Kapag nagkaboyfriend ako. Ipapakilala ko agad sa inyo ni Papa." nakangiting sabi ko.
Ngumiti din siya at naging abala muli sa paghihiwa ng gulay.
"Ma."
"Oh?" tanong niya at hindi na ako tinignan.
"Paano mo nalaman na si Papa na talaga yung gusto mong makasama habang buhay?" natigilan siya sa paghihiwa at nasa akin na ang atensyon.
"Bakit mo naman natanong?" natatawang tanong niya. "May nagugustuhan ka na ba?"
"Mayroon na. Ang totoo, ilang taon ko na din siyang gusto." nakagat ko ang aking labi. "Niligawan ko siya pero nabasted ako." natawa pa ako kasabay ng pamumuo ng mga luhang nagbabadyang tumulo. "At masakit, Ma. Sobrang sakit."
YOU ARE READING
High School Love (COMPLETED)
Novela JuvenilCan young love lasts forever? DYLAN x JASMINE