SCHOOL 22

513 29 6
                                    

JASMINE

Hindi na din kami nagtagal ni Simon doon. Ako na din ang nagsabing gusto ko ng umuwi. Gusto niya akong ihatid pero tumanggi ako. Noong una ay hindi pa siya pumayag pero sinabi kong gusto ko munang mapag isa at naintindihan niya naman ako.

"Mag ingat ka." tumango ako at nginitian siya.

"Ikaw din. Sana hindi ito ang huli nating pagkikita. Sana kaibigan pa rin kita, Simon."

Ngumiti siya at huminga ng malalim bago muling lumapit sa akin para yakapin ako.

"Why is it so hard to let you go?" mahinang tanong niya.

Hinayaan niya lang na makasakay ako sa tricycle bago siya tuluyang umalis. Nakagat ko ang aking pang ibabang labi at pinigilan ang sariling lingunin siya. Pakiramdam ko kasi ay ito na ang huling araw na makikita ko siya. Pakiramdam ko habang buhay na niya akong iiwasan dahil sa ginawa ko sa kaniya. Napapikit ako at huminga ng malalim.

You already have a boyfriend, Jasmine. Nasaktan mo na si Simon at wag mo ng hayaan na pati si Dylan ay masaktan pa.

Tumingin ako sa labas at napaisip kung bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito. Noon, ang gusto ko lang naman ay yung mapansin din ako ng taong gusto ko. Hindi ko naman pinangarap na makapanakit ng tao pero iyon ang nangyayari ngayon. Nasaktan ko si Simon ng hindi sinasadya at nagsisinungaling ako kay Dylan. Alam kong hindi ko sila deserved pareho pero ayaw ko namang mawala sila sa akin. I treasure Simon as my friend and I love Dylan.

Kanina ay inamin ko na sa sarili kong may kaunti akong nararamdaman para kay Simon at hindi ko na iyon ipagkakaila pero hindi na niya kailangan pang malaman ang bagay na yun. Mas mahal ko si Dylan. Alam kong kapag siya ang nawala sa akin ay talagang hindi ko na kakayanin.

Nang makababa sa tricycle ay nagulat ako ng makita ang sasakyan nila Dylan sa kanto namin. Nanlaki ang aking mga mata at tumakbo pauwi.

Nang makapasok sa bahay ay sabay na lumingon sa akin sila Mama at Dylan.

"Jusko anak! Saan ka ba galing ha?" nag aalalang tanong ni Mama at niyakap ako. "Iniwan mo pa ang cellphone mo! Tinawagan ko si Dylan dahil akala ko magkasama kayo." sabi niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Ayos ka lang ba ha?"

"Okay lang ako, Ma. Sorry kasi hindi ako nagpaalam." sabi ko at nilingon si Dylan na titig na titig sa akin.

Lumabas kami ni Dylan at naupo sa terrace namin para mag usap. Napalunok ako at hindi siya matignan. Sobrang guilty dahil alam kong may kasalanan ako sa kaniya.

"S-sorry. Naabala ka pa tuloy ni Mama." pagbasag ko sa katahimikan.

"Saan ka galing?" seryosong tanong niya.

"Ha? Sa ano lang.. dyan lang." hindi ko matapos ang sasabihin dahil ayaw kong magsinungaling sa kaniya pero ayaw ko din namang sabihin ang totoo.

"Pinuntahan mo siya?" tanong niya dahilan para lingunin ko siya.

"D-dylan."

"Nakipagkita ka sa kaniya?" tanong niya ulit at nakita ko ang pagtagis ng kaniyang bagang na ikinakaba ko. "Bakit hindi ka makasagot?" nag iwas ako agad ng tingin ng lingunin niya ako. "Tell me. Nakipagkita ka ba sa kaniya ha? Nakipagkita ka ba sa lalaking yun?"

Pumikit ako at dahan dahang tumango.

"I knew it." muli ko siyang tinignan at nakita ang kaniyang pagngisi. "Namumula ang mga mata mo. Did you cry because of him? Iniyakan mo ba siya ha? Ganoon ba siya kaimportante para sayo at iniyakan mo pa siya?"

"N-no. Hindi ganoon yun, Dylan."

"Then what?" nagulat ako ng magtaas siya ng boses. "Do you like him? Are you cheating on me?" nasasaktan niyang tanong.

"Dylan, hindi." sagot ko at umiling iling pa. Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at tinitigan siya ng mabuti. "Nag usap lang kami. Oo, inamin niyang gusto niya ako pero sinabi kong boyfriend na kita."

Tumayo siya kaya tumayo din ako.

"Uuwi na ako. Mag usap na lang ulit tayo bukas."

Hahakbang na sana siya paalis pero agad ko siyang niyakap. Takot na baka iwan niya ako. Takot na baka maisip niyang hindi ako karapat dapat para sa kaniya.

"I'm sorry. Hindi na mauulit. Wag mo akong iwan, please." naiiyak kong sabi. "Dito ka lang. Ayaw kong mawala ka. Hindi ko kaya." hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kaniya.

Bumuntong hininga siya bago ko naramdaman ang pagyakap niya sa akin. Napapikit ako at lalong bumuhos ang aking mga luha.

"Don't do it again. Please don't hurt me like this again, baby. Baka hindi ko na kayanin sa susunod."

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now