JASMINE
Nang matapos kong basahin ang sulat ni Simon ay pumunta ako agad sa playground na sinasabi niya. Ni hindi na ako nakapagpaalam pa kina Mama at nakapambahay pa.
I'm sorry, Dylan. Alam kong hindi mo magugustuhan ito pero pumunta pa din ako.
Pagbaba ko sa tricycle ay natigilan ako ng makita ang lugar. Sinundan ko ng tingin ang mga kandila at mga bulaklak na nagkalat sa daan papunta sa clubhouse at dahan dahang naglakad palapit doon.
Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang kumirot ang aking puso ng makita si Simon na nakaupo doon. Nakayuko at parang may malalim na iniisip. Nakita ko din ang lamesa sa kaniyang harapan na may mga pagkain at may isa pang bouquet ng bulaklak. Nakagat ko ang aking pang ibabang labi ng magsimulang mamuo ang mga luha sa aking mata.
Oh God. Ano ba itong ginagawa mo, Simon?
Parang bigla akong nanghina ng tuluyang makarating sa clubhouse. Iniisip ko pa lang kung ilang oras na siyang naghihintay dito ay mas nasasaktan na ako para sa kaniya. Lalo kong naramdaman ang pananakit ng aking puso ng makita ang ginawa niyang surpresa para sa akin.
I don't deserve this. Hindi ako karapat dapat para dito.
Napatingin ako sa cake na nakahain sa lamesa. Malapit na iyong matunaw pero kitang kita ko pa din ang nakasulat doon dahilan para tuluyang tumulo ang aking mga luha.
I love you, Jasmine.
"S-simon." dahan dahan siyang nag angat ng tingin at bahagya pang nagulat ng makita ako. "N-nandito na ako." bahagya ko siyang nginitian.
Tumayo siya at niyakap ako agad ng makalapit siya sa akin. Napapikit ako ng humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Parang takot siya na bigla akong mawala.
"Akala ko.. akala ko hindi ka na pupunta." lalo akong naiyak ng marinig ang kaniyang ibinulong sa akin.
"I'm sorry, Simon." humahagulgol kong sabi. "Sorry. Sorry." paulit ulit kong sabi. "Sorry. Hindi ko alam."
"Shh. Don't cry." pagpapatahan niya sa akin. "It's okay."
I'm sorry, Simon. I'm sorry for hurting you. Sorry kasi nasasaktan na pala kita ng hindi ko man lang alam ang totoo mong nararamdaman.
Hanggang sa tumigil ako sa pag iyak ay nanatiling nakayakap sa akin si Simon. Katulad pa din noon. Hindi niya ako binibitawan hangga't hindi pa ako tumatahan.
"Lumamig na ang mga pagkain." ngumiti siya at tinignan ako. "Ang tagal mo kasi eh. Gusto mo kumain na lang tayo sa restaurant?"
"Simon."
"O magpadeliver na lang kaya tayo?" kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa pero agad ko iyong kinuha at inilapag sa lamesa.
"Simon, please. Itigil mo na 'to. " nahihirapan kong sabi. "May boyfriend na ako. Kami na ni Dylan."
"Gusto kita, Jasmine. Mahal na nga kita eh." pag amin niya na ikinatigil ko. Kahit nabasa ko naman na yung nakasulat sa cake ay nagulat pa din ako ng marinig iyon mismo sa kaniya.
"Simon."
"Noong gabing iyon." tukoy niya sa araw ng huli naming pagkikita. "Pagkatapos kitang ihatid. Tumawag si Daddy na sinugod daw nila sa ospital si Mommy. May cancer siya, stage 3 na. Matagal ng alam ni Mommy iyon pero inilihim niya sa amin dahil ayaw niyang pati kami ay mahirapan. Sobra akong nag alala kaya umalis ako agad para puntahan siya. Noong mga oras na yun ang nasa isip ko lang ay si Mommy. Gusto kong nandoon ako habang nakikipaglaban siya sa sakit niya. Gusto ko siyang samahan. Gusto kong nandoon ako para palakasin ang loob niya. I want to call you. Gustung gusto kitang tawagan para magkaroon ako ng lakas pero nawala ang phone ko." natawa pa siya ng mahina. "Naging busy din ako sa pag aalaga kay Mommy kaya hindi ko na muna naisip yung sarili ko. Hindi ko na muna inintindi yung para sa akin kasi ibinuhos ko muna sa kaniya yung atensyon ko."
"Okay na ba siya?" nag aalalang tanong ko.
"Yup. She's still recovering pero okay na siya kaya nga bumalik ako agad dito." tinignan niya ako at nginitian. "Sana sinabi ko na lang agad. Sana umamin na lang ako bago ako umalis. Sana.. sana hindi ako naduwag na aminin yung nararamdaman ko." tumingala siya at kasabay ng muling pagtingin niya sa akin ay ang pagtulo ng kaniyang mga luha. "Sana ginawa muna kitang akin bago ako umalis para alam kong may babalikan pa ako."
Yumuko ako at pinunasan ang sariling luha. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi dahilan para muli ko siyang makita.
"Huwag kang umiyak." pinunasan niya ang aking pisngi at bahagya akong nginitian. "Mas nasasaktan ako kapag nakikita kang umiiyak at nahihirapan. Be happy, Jasmine. Maging masaya ka lang, magiging okay na din ako."
YOU ARE READING
High School Love (COMPLETED)
Ficțiune adolescențiCan young love lasts forever? DYLAN x JASMINE