SCHOOL 2

744 42 0
                                    

JASMINE

Nang maglunch break ay inabangan ko si Dylan sa kanilang classroom. Agad akong ngumiti ng makita siya.

"Hi Dylan! Kakain ka na? Sabay na tayo? Ililibre kita."

Tinignan niya lang ako at naglakad na naman palayo sa akin. Agad ko siyang sinundan.

"Dylan, seryoso ako sa sinabi ko kanina ha. Liligawan kita." tinignan ko ang hawak niyang libro at kinuha iyon na ikinagulat niya. Nilingon niya pa ako. "Ako na ang magdadala nito." ngiting ngiti kong sabi at inunahan na siya sa paglalakad.

Nang makarating sa cafeteria ay agad akong nagtingin tingin ng ulam.

"Anong gusto mo? Adobo o chicken afritada? O kaya pork steak?" tanong ko sa kaniya.

"Pwede bang tumigil ka? Hindi ako pumayag sa sinabi mo." suplado niyang sabi.

"Kahit na. Hindi ko naman kailangan ang pagpayag mo eh." makulit kong sabi sa kaniya. "Sige na. Pili ka na ng kakainin mo. Libre ko."

"I have my own money." sagot niya at nagsimula ng pumili ng pagkain. "Pork steak at isang rice po."

"Ang kulit mo ha. Patay na patay ka sa bestfriend ko?" natatawang tanong ni Elijah.

"Oo. Tutulungan mo ba ako?" nakangiti kong tanong sa kaniya.

Ngumiti siya at lumapit sa akin.

"Hindi." bulong niya dahilan para samaan ko siya ng tingin.

Natawa siya sa naging reaksyon ko. Nagulat ako ng biglang umalis na si Dylan.

"Teka! Ako ang magbabayad niyan!"

Hindi niya ako pinansin at naupo na sa bakanteng lamesa. Sinundan ko siya at naupo sa kaniyang tabi. Hindi niya ako ulit pinansin pero hindi naman niya ako pinaalis kaya medyo natuwa na din ako.

"Bibili lang ako ng pagkain ko ha. Saglit lang." paalam ko sa kaniya.

Pumila ako ulit para bumili ng makakain. Nakangiti ako habang naglalakad pabalik sa aming pwesto pero agad ding nabura iyon ng makitang puno na ang lamesa dahil nandoon na ang ilang kaklase nila. May ibang babae na din na nakaupo sa pwesto ko kanina. Si Elijah ang unang nakapansin sa akin.

"Oh! Puno na kami dito." pang aasar niya na ikinatawa ng mga kasama nila.

Tinignan ko si Dylan na ngayon ay nakatingin na din sa akin. Bahagya ko siyang nginitian.

"Doon na lang ako sa mga kaibigan ko. Kumain ka na dyan."

Tumalikod na ako at hinanap na lang sila Sabrina.

"Oh akala ko sasabay ka kina Dylan?" gulat na tanong niya ng maupo ako sa kaniyang tabi.

"Bukas na lang siguro." tanging sagot ko at nginitian siya. "Baka mamiss mo ako eh."

"Baliw!"

Tinawanan ko siya at pasimpleng tinignan si Dylan na pangiti ngiti habang nagkukwento ang madaldal na si Elijah. Napabuntong hininga ako. Sayang pero okay lang. May bukas pa naman.

"Lopez! Nananaginip ka na naman ba?"

Natigil ako sa pag iisip ng sumigaw si Mrs. Hernandez at nagtawanan ang mga kaklase ko.

"S-sorry po Ma'am." nahihiya kong sabi.

Umiling iling siya at bumalik na sa pagtuturo. Nang magring na ang bell hudyat ng pagtatapos ng klase ay agad akong nagpaalam kay Sabrina para mapuntahan ko si Dylan.

"Bye beshy! Bukas na lang ulit."

"Hoy! Saglit lang!"

Hindi ko na siya pinansin pa at tumakbo na papunta sa room nila Dylan. Napangiti ako ng makitang kalalabas lang ng kanilang teacher.

"Hi Dylan!" agad kong bati ng makita na siya. "Uuwi ka na ba?"

Ngumisi si Elijah at inilingan ako.

"Una na ako dude. May practice pa kami."

Tumango si Dylan at umalis na din naman si Elijah.

"Bakit ka na naman nandito?" tanong niya at naglakad na naman paalis.

Agad ko siyang sinundan.

"Nanliligaw nga ako di ba? Uwian na kaya ihahatid kita. Ganoon kapag nanliligaw di ba?"

Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. Huminto din ako at nginitian siya.

"Ihahatid mo ako?" ngiting ngiti akong tumango. "Nagpasundo na ako sa driver namin."

Agad akong natigilan ng marinig iyon.

"Ganoon ba?" agad akong nalungkot pero ngumiti din naman agad. "Edi ihahatid kita sa gate." umiling siya at umalis na.

Napanguso ako at muling sinundan siya. Nakatingin lang ako sa kaniyang likod. Napabuntong hininga ako. Likod pa lang gustong gusto ko na. Paano pa kaya kapag hinarap niya ako di ba?

Ngumiti ako at bahagyang tumakbo para makalebel siya.

"Anong paborito mong pagkain? Gusto mo ipagluto kita bukas?"

"I told you to stop. Wala kang mapapala sa akin."

"Okay lang." tumingin ako sa aming nilalakaran. "Umaasa ako ng kaunti pero alam ko na din naman ang kahihinatnan nito. Gusto ko lang subukan. Ayaw kong magsisi sa bandang huli."

"You're just hurting yourself. Sinasayang mo lang din ang oras mo sa akin."

Huminto ako sa paglalakad dahilan para huminto din siya. Kunot noo niya akong nilingon.

"Gusto kita, Dylan Evangelista. Gustong gusto kita kaya hindi masasayang ang oras ko pagdating sayo." muli kong pag amin.

"Stubborn." naiiling niyang sabi at nauna na namang umalis.

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now