SCHOOL 55

492 23 0
                                    

JASMINE

"I told you not to act stupid!" panenermon ni Dylan.

"That's not a stupid act." giit ko.

"You're stupid!" sigaw niya na ikinagulat ko. "Paano kung may mangyaring masama sayo ha?! Paano kung gawin nga nila iyon sayo?! At paano ka natutong humawak ng baril?"

"I trained in London. Hindi man ako pulis pero may lisensya ako para gumamit ng baril." paliwanag ko.

"I told you to listen to me! This is our case! You're just an asset!"

"Ano ba ang problema mo? Tapos na ang case niyo. Mas napadali pa nga ang paghuli niyo sa mga kumag na yan eh. Tsaka wag mo nga akong sermunan dyan! Ikaw ang nagdala dito sa akin. Akala mo ba hindi ko pa alam ang totoong dahilan mo kung bakit ako ang isinama mo dito? Ako ang ipinain mo sa mga sindikatong yon para makaganti ka di ba?" kitang kita ko kung paano siya natigilan ng marinig iyon.

"Sir, tama na yan. Tapos naman na at naging maayos naman ang operation." pag awat ni Lieutenant Perez sa aming dalawa.

"Dalhin niyo na ang mga yan sa presinto. Susunod ako doon mamaya." sabi ni Dylan pero hindi inaalis ang tingin sa akin.

Tinignan ko si Lieutenant Perez at nginitian siya para hindi na siya muling mag alala. Wala na siyang nagawa at iniwan na lang kami ni Dylan dito sa loob ng van.

"Hindi basta basta ang mga ginagawa naming operasyon, Jasmine. Kailangan nakaplano ang lahat. Kailangan mapag usapan ang mga gagawin as a team. Hindi purkit nakakita ka ng pagkakataon na hulihin ang mga suspek ay susugod ka na lang agad. Paano kung mas marami sila at may namatay sa team ko dahil hindi ako nagbigay ng plano?" natigilan ako sa kaniyang tanong. "At paano kung may nangyaring masama sayo? Paano ko yun ipapaliwanag sa mga taong kumupkop sayo? At hindi kita isinama dito para makaganti ako sayo. Sadyang ikaw lang ang alam kong makakatulong sa amin."

Lumunok ako at nag iwas ng tingin.

"Fine. I'm sorry."

Hindi na kami ulit nag usap ni Dylan. Pumunta na kami sa presinto at iniwan niya lang akong mag isa dito sa van. Pagtingin ko sa labas ng bintana ay sakto namang lumabas sila Dylan. Nakita kong nakipagkamay sa kaniya yung dalawa pang pulis at nagtawanan na sila. Napangiti ako habang pinapanood ang pagtawa ni Dylan. I missed those laughs. I missed his smile. I missed him.

Nagpunta muna kami sa restaurant para kumain. Tuwang tuwa sila dahil natapos na ang case nila at pwede na silang magpahinga.

"Salamat Miss Jasmine ah." nakangiting sabi ni Lieutenant Perez.

"Wala po iyon. Pasensya na at nagulo ko ang plano niyo."

"Well, delikado nga ang ginawa mo at mabuti na lang din walang nasaktan sa atin kundi itong si Sir Dylan ang malalagot." sabi ni Lieutenant Sandoval.

Ngumiti na lang ako at nilingon si Dylan na kanina pa tahimik.

Nagulat ako ng biglang makarinig ng putok ng baril. Agad nagsitayuan ang aking mga kasama at hinugot ang kanilang baril sa mga tagiliran nila. Hinatak ako ni Dylan patayo at itinago sa kaniyang likod.

"Anong nangyayari?" tanong ni Lieutenant Ramos.

Nagkakagulo na ang mga customers dito at may naririnig pa akong iyak ng mga bata. Pagtingin sa entrance ng restaurant ay nagulat ako ng makitang nakahandusay at duguan na ang security guard.

"Dylan, yung guard." natatakot kong sabi.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Dylan sa aking kamay. Napatingin ako kina Lieutenant Sandoval at Perez na tumakbo palapit sa entrance. Kitang kita ko kung paano barilin ni Sandoval ang binti noong lalaking bumaril sa gwardya.

"Pulis kami! Wag kayong magpanic. Lumayo na muna kayo sa entrance." sigaw ni Perez sa mga nagkakagulong tao.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at hinanap ang iyak ng bata na kanina ko pa naririnig. Tinanggal ko ang kamay ni Dylan na kanina pa nakahawak sa akin at tumakbo palapit doon sa bata.

"Jasmine!" dinig kong sigaw ni Dylan pero hindi ko na nilingon pa.

"Stop crying na. Wag ka ng umiyak." pagpapatahan ko sa batang lalaki.

"Si P-papa po." umiiyak niyang sabi.

Sinundan ko ang tinuturo niya at nagulat ng tinuro niya ang guard na nakahandusay sa entrance. Agad ko siyang nilingon at humarang ako sa kaniyang harapan para hindi na niya makita pa ang walang buhay niyang Papa. Niyakap ko siya at pilit na pinatahan.

Sinuklay suklay ko ang buhok ng batang mahimbing na natutulog sa upuan habang nakaunan sa aking binti. Nandito kami ngayon sa presinto kasama ang ibang empleyado ng restaurant para maging testigo sa nangyari kanina at ang suspek naman ay pansamantalang ginagamot ang sugat dahil sa pagbaril sa kaniya kanina. Agad akong napatingin kay Dylan ng umupo siya sa aking tabi.

"Anong sabi?" tanong ko.

"Away ng pamilya. Magpinsan yung suspek at yung gwardya."

"Eh itong bata? Paano na? Nasaan na yung asawa noong gwardya?" sunud sunod kong tanong.

"Patay na yung asawa niya."

Bigla akong nalungkot para sa bata. Sa tingin ko ay nasa limang taon pa lang siya pero nararanasan na niya ito.

"Paano na siya?" mahinang tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa bata.

"Walang gustong kumupkop. Tinawagan na ng manager yung mga kamag anak noong gwardya pero ang sinabi daw ay matagal na nila siyang itinakwil."

"Ano bang klase sila? Patay na nga yung tao tapos ganoon pa din ang iniisip nila?" inis kong sabi. "Hindi man lang sila naawa dito sa bata."

"Wala tayong magagawa." sabi niya at tinignan ang bata. "Dadalhin na lang namin siya sa bahay ampunan."

"No." napunta sa akin ang kaniyang tingin dahil sa aking pagtutol. "Kukupkupin ko siya. Ako na ang mag aalaga sa kaniya."

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now