JASMINE
"Are you sure there's nothing going on between you and Doc Dwayne?" taas kilay na tanong ni Leila.
Nakita niya kasi kaming magkausap ni Dwayne kanina. Sanay na din naman ako na palaging naiissue ang pagiging malapit namin sa isa't isa. Simula kasi noong magtrabaho ako dito sa ospital noong nakaraang taon ay talagang si Dwayne na ang palaging umaalalay sa akin since mas matagal na siya dito at isa pa dahil matagal na din kaming magkakilala. Tita Marie resigned last two years ago. Mas nahiligan na niya kasi ang pagbebake kaya iyon na ang pinagkakaabalahan niya. Isa pa, pinahinto na din siya nila Kuya Daniel at Dwayne dahil may edad na rin naman si Tita.
"We're just friends and we're living in the same house together for almost four years." sagot ko habang inaasikaso ang mga medical records ng aking pasyente.
"But you look so good together. He's so handsome and you're so pretty."
"I don't have time for that." naiiling kong sagot. "I'll just go to Candy." tumango siya kaya naman umalis na ako.
Nang makarating sa hospital room ni Candy ay naabutan ko siyang nanonood ng TV.
"Hi Jasmine!" nakangiting bati niya.
"Hi Baby."
Candy is a seven year old girl who has a heart failure. Anim na buwan na din siyang nandito. Last month lang ay natapos ang operasyon niya at ngayon ay nagpapagaling na siya.
"How are you?" tanong ko at naupo sa kaniyang tabi.
"I'm fine."
"Are you hurt?"
"Nope. I'm so fine that I want to play outside already." nginitian ko siya at hinaplos ang kaniyang buhok.
"We will play soon. I'll come to play with you."
"Really?" ngiting ngiti niyang tanong.
"Yup."
"Can we tell to Doc Dwayne to come also?"
"Sure. Let's tell him."
Tumango siya at napahagikgik.
Nang matapos ang duty ay agad kong nakita ang Ferrari ni Dwayne sa entrance ng ospital. Naglakad ako palapit doon at sumakay na.
"Straight duty?" tanong ko.
"Yup. I'll just take you home."
"Magcocommute na lang ako para hindi ka na magpabalik balik."
"I'm fine." sagot niya at lumapit sa akin para ikabit ang aking seatbelt.
Sanay na ako sa mga ginagawa niya pero hindi ko pa din maiwasang maalala sila Dylan at Simon na gumagawa din nito noon. Nang matapos siya sa ginagawa ay agad na din siyang nagsimula sa pagmamaneho.
"Tinatawagan ka daw ni Kuya pero hindi ka sumasagot."
"Huh?" kinuha ko ang aking cellphone sa aking bulsa at nakita nga ang missed calls ni Kuya Daniel doon. "Nakasilent. Bakit daw?"
"Maybe he wants to convince you to come in their wedding. Nasa Pilipinas daw kasi ang pamilya ni Ate Lauren kaya hindi pwedeng dito ganapin ang kasal." tumango tango ako at napatingin sa labas.
"May official date na ba?"
"August 25." sagot niya kasabay ng paghinto ng sasakyan dahil sa traffic.
"Exactly one month from now." bulong ko at napabuntong hininga. "Okay. I'll go with you and Tita Marie."
Muli ko siyang tinignan at nakitang nakatingin din siya sa akin.
"I'm with you. Just stay with me and don't worry about anyone else." seryosong sabi niya.
Hindi na namin muli pang pinag usapan ang tungkol sa pag uwi sa Pilipinas habang nasa biyahe. Tulad ng nakasanayan ay nagpatugtog siya ng music na pareho naming sinasabayan.
"Hindi ka na ba papasok?" tanong ko ng makarating kami sa kanilang bahay.
"Hindi na. Kailangan ko na ding bumalik sa ospital."
"Okay. Take care." tumango siya at ngumiti sa akin.
"You go first. Hihintayin kong makapasok ka sa loob."
Tumango ako at kumaway sa kaniya bago tuluyang pumasok sa loob. Naabutan ko si Tita Marie na nagluluto ng hapunan kaya dumiretso ako sa kaniya para tumulong.
"Hi Tita." bati ko at humalik sa kaniyang pisngi.
"Oh straight duty ba si Dwayne ngayon?"
"Yup. Ano pong lulutuin niyo? Tutulungan ko na po kayo."
"Ako na dito. Go to your room and change your clothes."
"Sure po kayo?"
"Yes hija. Just take a rest first and I'll call you later for dinner."
"Sige po."
Nang makapasok sa aking kwarto ay agad akong nahiga sa aking malambot na kama. Kasabay ng pagpikit ng aking mga mata ay ang muling pagsagi ng mukha ni Dylan sa aking isipan. Hinayaan ko ang sariling alalahanin ang mga masasayang araw namin noon. The feeling is still there. Ganoon pa rin ang nararamdaman ko para sa kaniya mula noon hanggang ngayon.
Dumilat ako at agad tinuyo ang mga namumuong luha sa aking mga mata. Ilang araw lang naman kami sa Pilipinas. Siguro naman ay sa loob ng mga araw na iyon ay hindi magtatagpo ang aming mga landas.
YOU ARE READING
High School Love (COMPLETED)
Ficção AdolescenteCan young love lasts forever? DYLAN x JASMINE