JASMINE
"How's your exam?" tanong ni Dylan habang inaayos ang aming mga pagkain.
"Okay lang. Nakakadrain ng utak." sagot ko at sumandal sa kaniya.
Final exam na namin ngayong araw. Yup. Halos isang buwan na din ang lumipas simula noong mag usap kami ni Simon. We're still communicating. Nagkakamustahan paminsan minsan at palagi ko iyong pinapaalam kay Dylan. Noong una ay ayaw niya sa ideyang nagtetext sa akin si Simon pero pinaintindi ko sa kaniya na kaibigan ko lang talaga siya.
Natawa siya at inabot na sa akin ang kutsara at tinidor.
"Kumain ka na. May exam pa tayo mamaya."
"Buti ka pa papetiks petiks lang." nakasimangot kong sabi at nagsimula ng kumain.
"Ayaw mo kasing makinig noong nirereview kita eh." naiiling niyang sabi.
"Nakakatamad kaya magreview tapos ikaw pa ang kasama ko." unti unti ko siyang nilingon at nginitian.
Muli siyang natawa at umiling.
"Pasaway." nangingiting sabi niya.
Noong magsummer ay palagi kaming nagkikita. Kapag may trabaho ako ay pupunta siya doon sa restaurant at tatambay hanggang sa makapag out ako. Kapag restday ko naman ay minsan nandoon kami sa bahay o kaya sa kanila.
"Hello po, Nanay Delia." nakangiting bati ko at nagmano sa kaniya.
"Kamusta hija? Hindi ka na ba sinusungitan ni Dylan?" natatawang tanong niya.
"Hindi na po Nay." sagot ko at humagikgik.
Noong huling punta ko kasi dito ay sinungitan niya ako dahil nakipaglaro ako kay Raven at hindi siya pinansin maghapon. Parang si Raven na lang daw ang dahilan ng pagpunta ko dito.
"Seloso talaga yun lalo na pagdating sayo." napangiti ako dahil sa sinabi ni Nanay.
"Halata nga po eh. Pati si Raven pinagselosan." naiiling kong sabi. "Wala po sila Tita at Tito?"
"Nasa trabaho. Maaga silang umalis kanina."
"Hi Jas!" napalingon ako ng marinig ang cute na boses ni Raven.
"Hi baby Raven!" nakipag high five ako sa kaniya. "Wow! Ang laki laki mo na!" natatawang sabi ko.
Raven is just six years old pero bibong bibo talaga siya at matangkad na kumpara sa ibang kaedaran niya.
"Of course, I always eat healthy foods para lumaki ako agad at maagaw kita kay Kuya." gulat akong tumingin kay Nanay Delia ng marinig ang sinabi ni Raven.
Pareho na lang kaming natawa at napailing.
"Sino ang aagawin mo ha, Raven?" supladong tanong ni Dylan sa kapatid.
"Si Jasmine. Pag lumaki na ako aagawin ko siya. Mas bagay kami no." supladong sagot din ng bata.
Napailing iling na lang ako. May pinagmanahan nga ang kasupladuhan ni Raven.
"I told you to call her Ate." panenermon ni Dylan sa kapatid at tuluyan ng lumapit sa akin. "At kapag malaki ka na, kasal na kami ni Jasmine noon kaya wala ka ng maaabutan."
Natigilan ako ng marinig ang sinabing iyon ni Dylan. Tama ba ang dinig ko? Naiisip niya na hahantong din kami sa kasalan kapag nasa tamang edad na kami? Does it mean he's already imagining his future with me?
"What?! No!" pagtutol ni Raven na ikinatawa namin.
Tinignan ko si Dylan na inaasar ang kapatid. Parang nalusaw ang puso ko doon. Naiisip ko pa lang na pareho kami ng gustong mangyari para sa amin ay natutuwa na ako. Naiimagine ko na din na ikakasal kami at bubuo ng sariling pamilya. Yung maiiwan ako sa bahay para alagaan ang mga magiging anak namin at siya naman ay magtatrabaho. Alam kong masyado pa kaming bata para dito at baka magbago pa ang isip namin sa mga susunod na araw pero masaya akong malaman na ganoon na din ang kaniyang naiisip.
Nang muling magpasukan ay pareho na kaming naging abala dahil nga nasa grade 10 na kami at magsesenior high na. Minsan na lang din kami lumabas lalo na at pinagbubutihan ko din ang pag aaral para sabay kaming makapag aral sa university.
"Jas! Gusto mong sumali sa cheering squad?" nakangiting tanong sa akin ni Elizabeth. Sa pagkakaalam ko ay siya ang cheer leader.
"Ah hindi na. Wala naman akong hilig sa pagsasayaw." natatawang sabi ko.
"Sali ka na. Please. Kulang kasi kami dahil nakagraduate na yung iba." pamimilit niya at hinawakan pa ang aking braso.
"Hindi na talaga. May part time din kasi ako eh."
"Wag mo na siyang pilitin, Liza. Mapapagod lang yan masyado tsaka hindi na nga kami nakakalabas magiging busy pa siya dahil dyan?" sabi ni Dylan na abala sa paggawa ng assignment.
"Ayaw mo talaga?" nakasimangot na tanong ni Elizabeth.
Tumango ako at nginitian siya ng tipid.
"Sorry."
Sinilip ko ang ginagawa ni Dylan at muling napatingin sa cellphone ko para tignan ang oras. Nandito kami sa kanilang bahay at gumagawa siya ng project nila.
"Baby, aalis na ako." agad siyang napatingin sa akin.
"Why?" kunot noong tanong niya. "Matatapos na ako dito."
"Six na. May pasok pa ako sa restaurant."
"What? Six na pala?" agad siyang tumayo kaya tumayo na din ako.
"Dito ka na lang. Tapusin mo muna yan tapos bukas na lang ulit tayo magkita. Kaya ko naman umuwi mag isa." nginitian ko siya.
"Ihahatid na muna kita. Kaya ko din namang tapusin yan mamaya. Hindi ko lang talaga namalayan yung oras. I'm sorry."
Napangiti ako at niyakap si Dylan.
"Salamat kasi kahit busy ka hindi mo pa din ako pinapabayaan. I love you, Dylan. Mahal na mahal talaga kita."
"I love you too baby."
YOU ARE READING
High School Love (COMPLETED)
Genç KurguCan young love lasts forever? DYLAN x JASMINE