SCHOOL 29

463 23 0
                                    

JASMINE

Nang dumating ang araw ng libing nila Papa at Mama ay tahimik lang ako. Hindi ko inalis ang aking paningin sa mga kabaong nila na nililibing na sa lupa. Hinawakan ni Dylan ang aking mga kamay pero hindi ko siya magawang lingunin. Gusto kong ibuhos ang buong atensyon ko sa mga magulang ko kahit sa huling pagkakataon. Gusto ko pa silang makita. Gusto ko pa silang makasama pero hindi na pwede.

Hinding hindi ako papayag na makalaya ang taong gumawa nito sa inyo, Mama, Papa. Sisiguraduhin kong doon siya mamamatay sa kulungan.

Nang matapos na ang seremonya ay nanatili muna ako doon. Sinabihan ko na lang sila Sabrina, Elijah at Simon na sila na muna ang umasikaso sa mga nakiramay at pakainin na doon sa bahay.

Napangiti ako ng makita ang litrato nila Mama na nakangiti habang nakatingin sa isa't isa. Kuha ito noong makabalik si Papa galing sa ibang bansa. Hinawakan ko iyon kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.

"M-maging masaya kayo dyan ha. Wag niyo akong iintindihin dito. Umiiyak ako ngayon pero pangako, magpapakatatag ako. Mahal na mahal ko kayo." napatakip ako sa aking bibig at lalong bumuhos ang luha.

"Baby." dinig kong sabi ni Dylan at naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin.

"Ang sakit. S-sobrang sakit." sumbong ko sa kaniya.

Hinalikan niya lang ang tuktok ng aking ulo at lalong humigpit ang yakap sa akin. Hindi niya ako binitawan at iniwan hanggang sa tumahan ako.

Nang makabalik sa bahay ay iilan na lang din ang nandoon.

"Jas! Kumain ka na." sabi ni Sabrina ng makita ako.

"Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa. Hinintay namin kayo." sagot ni Elijah.

"Salamat sa inyo." nginitian ko silang tatlo. "Thank you sa pagtulong."

"Kumain ka na. Baka magkasakit ka pa." nag aalalang sabi ni Simon.

Tumango ako at isa isa silang niyakap.

"Beshy, gusto mo doon ka na lang sa amin?"

Nandito kami sa sala at kumakain.

"Hindi na. Nag offer ang parents ni Dylan na doon ako magstay sa kanila."

"Ganoon ba?" tumango siya at ngumiti sa akin. "Mas mabuti nga kung nandoon ka."

Nang sumapit ang hapon ay kami na lang ni Dylan ang nandito. Tutulungan niya akong ayusin ang mga gamit ko na dadalhin sa kanila.

"Pwede naman akong bumisita dito di ba?" napatigil si Dylan sa paglalagay ng mga damit ko sa maleta ng magsalita ako.

"Oo naman." sagot niya at nginitian ako.

"Hindi ko kayang ibenta itong bahay at mga gamit namin. Ito lang kasi yung tanging alaala ko kina Mama."

Hinawakan niya ang aking mga kamay at hinalikan iyon.

"Wala kang kailangang ibenta. Pwede kang bumisita dito. Hindi kita pipigilan."

"Okay lang ba kung sa inyo ako mag stay? I mean, may relasyon tayong dalawa. Baka isipin ng ibang tao may ka live in ka na eh sixteen pa lang tayo." nag aalalang tanong ko.

"Hindi mo sila kailangang isipin. Magfocus ka lang sa pag aaral."

"Thank you, Dylan. Salamat kasi hindi mo ako iniwan."

"At hindi kita iiwan. Hinding hindi. Kahit kailan."

Ngumiti ako at niyakap siya.

"I love you."

"I love you too, baby."

Hindi naman ito ang unang punta ko dito sa bahay nila pero bigla akong kinabahan ng makarating kami doon. Alam ko kasi na pagpasok ko ay malaki na ang magbabago sa buhay ko.

"Hija! Buti nakarating na kayo." agad akong niyakap ni Tita Adelaine.

Nakangiti din ako sinalubong ni Tito Armand, Nanay Delia at Raven.

"Kumain na tayo." nakangiting sabi ni Tito.

"Jas! Masaya ako na nandito ka na pero condolence. Gusto sana kitang puntahan kaso sabi nila Mommy bawal daw ang bata." napangiti ako sa sinabi ni Raven.

"Thank you, Raven."

"Ngayong nandito ka na sa bahay namin, mas madali na kitang maaagaw kay Kuya."

Natawa kaming lahat sa kaniyang sinabi maliban kay Dylan na masama na ang tingin sa kapatid.

"Pagpasensyahan mo na si Raven hija. Ganyan talaga siya." natatawang sabi ni Tita.

"Okay lang po."

Nang matapos kumain ay hinatid na ako ni Dylan sa magiging kwarto ko.

"Nasa kabila lang ang kwarto ko." tumango ako at nginitian siya. "Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako."

"Sige. Salamat."

"Magpahinga ka na." napapikit ako ng halikan niya ako sa noo. "Good night and I love you."

"Mahal din kita."

Nang makaalis si Dylan at maisara ang pintuan ay napabuntong hininga ako at pinasadahan ng tingin ang aking magiging kwarto.

Medyo malaki ang kama na kulay puti. May malaking bintana at pulang kurtina. May mini table din at sofa. May sarili din akong banyo dito. Nahiga ako sa kama at naisip na naman sila Papa at Mama.

Nasa maayos na kalagayan ako Ma, Pa, kaya wag kayong mag alala.

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now