JASMINE
Naglalakad ako papuntang library ng humarang si Hiro sa aking harapan. Lalagpasan ko na sana siya pero humarang ulit siya.
"Ano bang kailangan mo?" inis kong tanong sa kaniya.
"Hindi mo boyfriend ang Simon na yun di ba?"
"Hindi pero may boyfriend na ako." sagot ko at nilagpasan na siya.
Hindi ko siya pinansin kahit pa sumabay siya sa akin sa paglalakad. Napakakulit naman ng isang 'to. Parang hindi makaintindi.
"It's okay. At least, wala dito ang totoong boyfriend mo." umiling iling ako at hindi siya pinansin. "You know what, hindi ko din naman alam kung ano itong ginagawa ko eh. There's just something about you that I can't figure out at yun ang gusto kong alamin."
Bumuntong hininga ako at huminto sa paglalakad. Hinarap ko siya at bahagyang nginitian.
"I'm not special. I'm just a nobody. Estudyante lang ako tulad mo. Wala akong special powers kaya tigilan mo na ako. Wala kang mapapala sa akin."
Naglakad na ako ulit at iniwan siya doon. Akala ko ay hindi na niya ako ulit sinundan pero nagulat ako ng sumabay siyang muli sa akin.
"That's what I want about you. Hindi ka easy to get katulad ng iba."
"Hindi ako easy to get dahil may mahal na akong iba."
Hanggang sa makarating ako sa library ay nakasunod pa din siya sa akin. Hinanap ko ang kailangang libro habang siya ay parang asong sunod ng sunod sa akin. Hindi ko siya pinapansin at hinayaan na lang din dahil hindi naman siya nakikinig.
"Saan nag aaral ang boyfriend mo?" tanong niya at bahagya pang sinilip ang aking mukha.
"Sa Priston." tipid kong sagot.
"Really? He must be genius then."
"Oo naman." sagot ko at naglakad na papunta sa librarian para hiramin ang librong nakuha.
Nang makalabas sa library ay nakasunod pa din siya. Pasipol sipol lang siya habang sinasabayan ako sa paglalakad.
Nahinto ako sa paglalakad ng makita kung sino ang makakasalubong ko. Napahinto din siya at tinignan ang lalaki na nasa aking tabi.
"Nandito ka lang pala." sabi niya at tinignan na ako ulit. "Tara na."
Napalunok ako at tumango. Naglakad na ako papunta sa kaniya at hindi na nilingon pa si Hiro.
"Ginugulo ka ba ng lalaking iyon?" tanong ni Simon ng medyo makalayo na kami kay Hiro.
"Hindi naman masyado. Nasaan nga pala si Sab?" pag iiba ko sa usapan.
"Nasa room." tipid niyang sagot.
Tumango tango ako at natahimik na. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman kapag ganito ang inaasta ni Simon.
"Simon." tawag ko sa kaniya at huminto sa paglalakad.
Agad din siyang huminto at nilingon ako.
"Hmm?"
"I hope you're doing this because we're friends."
Nakita ko ang pagkatigil niya kaya naman bigla akong nagsisi at gusto ng bawiin ang sinabi.
"I'm still into you, Jas. I know, ilang taon na din ang lumipas pero hindi ko magawang iwasan ka. Hindi ko magawang pigilan itong nararamdaman ko." pag amin niya na ikinagulat ko.
"Simon, napag usapan na natin ito di ba? Ayaw ko ng saktan ka pa lalo. I want us to stay being friends."
"I know. Just.. just let me do this. Ayaw kong pilitin ang sarili kong kalimutan ang nararamdaman ko para sayo. Maybe not now but I'll get there."
-----------
"Are you okay?" napatingin ako kay Dylan ng tanungin niya ako.
Dismissal na namin at sinundo niya ako kaya nandito na kami ngayon sa kaniyang sasakyan.
"Oo. May iniisip lang." sagot ko at nginitian siya.
Nilingon niya ako saglit at hinawakan ang aking kamay.
"Umalis pala ako kanina. Hindi na kita natext. Sorry."
"Okay lang. Saan ka naman nagpunta? Nag mall ka?"
"Yeah. May binili lang akong libro." tumango ako at nginitian siya. "By the way, how's your day?"
"Okay naman. Wala naman masyadong nangyari."
"Wala bang lalaking nanggugulo sayo?" tanong niya at sumulyap pa sa akin saglit.
Bumuntong hininga ako at pinag isipan kung ikukwento ko ba sa kaniya si Hiro.
"Hmm. Actually, may lalaking sumusunod sunod sa akin."
Ang kanina niyang kalmadong mukha ay unti unting napalitan ng pagkainis. Kumunot pa ang kaniyang noo at nakita ko pa ang paghigpit ng hawak niya sa manibela.
"And who's that bastard?" inis niyang tanong.
"Classmate ko siya. Ewan ko, baka nangtitrip lang." sagot ko.
"Tss. Kapag hindi ka tinigilan sabihin mo sa akin."
Natawa ako ng mahina dahilan para muli niya akong lingunin.
"Why are you laughing? Hindi ako nagbibiro."
"I know. Ang cute mo lang kasi." ngiting ngiti kong sabi.
Napailing siya pero unti unti din namang napangiti. Hinalikan niya ang aking kamay na kanina niya pa hawak hawak. With him, I feel safe and secured.
YOU ARE READING
High School Love (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsCan young love lasts forever? DYLAN x JASMINE