SCHOOL 57

551 23 19
                                    

JASMINE

"A-anong sabi mo?" nauutal kong tanong.

Pakiramdam ko ay hindi tama ang pagkakarinig ko sa kaniyang sinabi kaya gusto kong ulitin niya.

"Let's get married. Gusto mong ampunin si Ryzen di ba?" parang wala lang niyang sinabi iyon.

"Ang sabi ko si Dwayne."

"Bakit? Ano ba ang pinagkaiba namin? Kahit sino man sa amin ang pakasalan mo ay maaampon mo si Ryzen."

"Si Dwayne na lang kasi kahit isang buwan lang pwede na kaming maghiwalay."

"Ganoon din naman sa akin ah. Maghiwalay tayo after a month." tinitigan niya ako at maya maya ay ngumisi siya. "O baka naman hindi mo yun kaya?"

Natahimik ako at hindi inalis ang tingin sa kaniya.

"Okay. Magpakasal tayo then after a month. Maghiwalay tayo."

Unti unting nabura ang ngisi sa kaniyang mukha. Tumayo na siya at kinarga si Ryzen.

"Let's go. Wala na tayong kailangan dito." sabi niya bago naunang lumabas.

Napabuga ako ng hangin. Parang kanina ko pa pinipigilan ang aking paghinga. Really Jasmine? Kayo ni Dylan? Ikakasal? Then what's next? Sasaktan mo lang lalo ang sarili mo.

Pumunta na kami sa hotel kung saan nakacheck in ang iba niya pang mga kasama.

"Anong sabi mo Sir Dylan? Kayo? Ikakasal ni Miss Jasmine?" gulat na tanong ni Lieutenant Sandoval.

"Gusto niyang ampunin si Ryzen."

Nagpalipat lipat ang kanilang tingin sa amin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman.

"Teka. Kailan ang kasal?" tanong ni Cruz.

"Bukas." ako naman ang nagulat sa sagot ni Dylan.

"Ha? Bukas? Agad agad?" gulat kong tanong. Tumingin siya sa akin at nameywang pa. "Paano sila Tita Adeleine at Tito Armand? Si Bianca, anong sasabihin mo sa kaniya?"

"Hindi tayo pwedeng umalis dito ng hindi natin naaampon ng legal si Ryzen. Nandito ang lahat ng papeles niya at kung sakaling maisipan ng pamilya nila na kunin na lang siya, pwede tayong makasuhan ng kidnapping kapag wala tayong maipakita na papeles."

Tumango tango ako at naisip na tama nga siya.

"Magpapaschedule na ako mamaya sa Mayor's office." sabi ni Perez. "Kilala ko ang secretary niya."

"May kilala din ako na pwedeng kumuha ng cenomar ninyo. Hihingi ako ng tulong sa kaniya para mapabilis ang pagproseso." alok naman ni Ramos.

"Salamat." tipid na sabi ni Dylan.

Pagkahatid sa amin ni Dylan sa hotel room na tutulugan namin ni Ryzen ay umalis din siya agad. Ang sabi niya ay may kailangan pa daw siyang asikasuhin para bukas. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Bukas ay ikakasal na kami ni Dylan. Noon ay palagi kong naiimagine na magpapakasal kami ni Dylan pero malayong malayo iyon sa mangyayari bukas. Biglaan. Wala ang mga taong malalapit sa amin. Hindi ko maisusuot ang gown na gusto ko at hindi ko alam kung mahal niya ba ako.

"Mommy?" napatingin ako kay Ryzen ng tawagin niya ako.

"Hmm? Bakit?" tanong ko at hinaplos ang kaniyang pisngi.

"Daddy?" ngumiti ako at kinandong siya.

"May gagawin lang saglit si Daddy. Babalik din siya mamaya."

Hindi rin nagtagal ay nakatulog na si Ryzen. Kinumutan ko siya at tinitigan.

"Magiging baby ka na namin ni Dylan bukas." bulong ko. "Ngayon pa lang ay magsosorry na ako dahil isang buwan ka lang magkakaroon ng Daddy. Paglaki mo, alam ko namang maiintindihan mo iyon. Gagawin ko naman ang lahat para maging maayos ang buhay mo kahit tayong dalawa na lang."

Paggising ko kinabukasan ay isang puting dress ang tumambad sa akin. Saglit ko iyong tinitigan at narealize na heto na nga.. Ikakasal na talaga kami. Wala na din si Ryzen na mukhang kinuha na ni Dylan kanina.

Bumangon na ako at naligo. Pagkatapos ay isinuot ko na din ang dress. Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok doon. Maya maya ay bumukas iyon at nakitang sumilip si Dylan. Pinasadahan niya ng tingin ang aking kabuuan bago nanatili sa aking mukha ang kaniyang tingin.

"You ready? Let's go." tumango ako.

Kinuha ko lang ang aking pouch at lumabas na din.

"Wow! Ang ganda mo Miss Jasmine!" nakangiting sabi ni Lieutenant Perez.

"Congratulations Sir Dylan at Miss Jasmine." masayang sabi nila.

Ngumiti lang kami pareho ni Dylan. Nang makarating sa Mayor's Office ay nagsimula na akong makaramdam ng kaba. Hindi alam kung itutuloy pa ba ito o hindi na.

"Good morning po." nakangiting bati namin kay Mayor.

"Mukhang sobrang mahal na mahal ninyo ang isa't isa kaya rush wedding ang magaganap ah." pagbibiro ni Mayor.

Awkward na lang akong natawa.

"Ayaw ko na po siyang mawala kaya itatali ko na sa akin." sagot ni Dylan para matawa si Mayor.

Natawa na din ang iba naming mga kasama na pati si Ryzen ay nakita kong tumatawa kahit hindi naman yata naiintindihan ang aming mga pinag uusapan.

Nagsimula na din naman ang seremonya. Humarap kami ni Dylan sa isa't isa ng isusuot na namin ang mga singsing. Saglit kaming nagkatinginan bago sabay na hinarap si Mayor.

"Nawa'y gabayan kayo ng Panginoon sa inyong pagsasama bilang mag asawa. Dylan, you may now kiss your bride."

Humarap kami muli ni Dylan sa isa't isa.

"We don't have to do this." bulong ko sa kaniya. "You can just kiss me on my cheeks."

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong halikan sa aking labi. Hindi na pinansin pa ang mga sinabi ko.

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now