JASMINE
Nang makabalik sa Manila ay inasahan kong susunduin ako ni Dylan dahil nagsabi naman ako na ngayon ang aking uwi pero sila Tita Adeleine at Tito Armand ang sumundo sa akin.
"Dylan is so busy with their new case kaya hindi ka niya nasundo. He feel sorry hija."
"It's okay po, Tita. I understand."
"Start calling us Mommy and Daddy. Kasal naman kayo ng anak ko." masayang sabi niya.
Ngumiti ako at tumango.
"Nasaan po pala si Ryzen?" tanong ko ng makasakay kami sa sasakyan.
"He's with Raven. Naglalaro sila kaya hindi na namin isinama."
Nagtaka ako ng sa iba kami dumaan. Hindi naman ito ang daan pauwi sa kanilang bahay at mas lalong hindi din dito ang papunta sa condo ni Dylan.
"May pupuntahan pa po ba tayo?"
Nilingon ako ni Tita at nginitian.
"Ah yes. Sasaglit lang tayo sa birthday ng kaibigan ko."
Tumango ako at natahimik na. Nang makarating sa isang restaurant ay pinababa na ako ni Tita. Napatingin ako sa buong restaurant at doon ko napagtanto na talagang pinareserve pa ang buong lugar.
"Kayo na lang po. Hihintayin ko na lang po kayo dito." nahihiyang sabi ko.
"Sumama ka na. Saglit lang naman tayo at ipapakilala din kita sa kanila."
Wala na akong nagawa ng hilain ako papasok ni Tita doon. Nang makapasok sa loob ay wala namang katao tao. Miski staff ng resto ay wala din.
"Tita.." natigil ako sa pagtawag kina Tita ng makitang wala na sila doon. "Tita? Saan sila napunta?" mahinang tanong ko.
Lalabas na sana ako ng biglang mamatay ang mga ilaw at biglang may tumutok sa akin na spotlight. Maya maya ay nakita ko na si Dylan sa aking harapan.
"Dylan." gulat kong sambit. "Akala ko nasa work ka?"
"Welcome back my wife." nakangiting sabi niya.
"Dylan, ano bang ibig sabihin nito? Bakit tayo nandito?" gulung gulo kong tanong.
Ngumiti siya at dahan dahang naglakad palapit sa akin.
"I want to spend my whole life with you." biglang bumilis ang tibok ng aking puso parang alam na kung saan patungo ang usapang ito. "I want to see you as I wake up every morning. I want to look at you every night before I fall asleep. I want to build a family with you, Jasmine." napatakip ako sa aking bibig ng bigla siyang lumuhod sa aking harapan. Binuksan niya ang maliit na kahon na kaniyang hawak at tumambad sa akin ang singsing na simple lang ang disenyo pero halatang mamahalin. "Will you marry me again, Jasmine Rodriguez?"
Napangiti ako at tumango tango sa kaniya.
"Yes. Yes, Dylan." naiiyak kong sagot.
Napangiti din siya at tumayo na para isuot sa akin ang singsing.
"I love you so much, Jasmine. Hinding hindi na kita pakakawalan pa."
"I love you too, Dylan."
Nang hinalikan niya ako ay saktong bumukas ang mga ilaw at narinig ko ang hiyawan at palakpakan ng mga tao sa paligid.
Niyakap ko si Dylan at naiyak na lang dahil sa sobrang saya na nararamdaman.
After two months of preparation ay naikasal na din kami ni Dylan.
Ngayon ay nandito kami sa Maldives para sa aming honeymoon.
Nandito ako sa balcony ng aming hotel room habang pinagmamasdan ang buong paligid. Ang asul na dagat. Ang ulap, ang mga ibong nagsisiliparan. Napangiti ako habang dinadama ang pagdampi ng sariwang hangin sa aking balat.
Lalo akong napangiti ng maramdaman ang pagyakap sa akin ni Dylan mula sa likod.
"You enjoying the view?" tanong niya at ipinatong pa ang baba sa aking balikat.
"Yup. Thanks for bringing me here."
"Bumalik tayo ulit dito kasama si Ryzen." tumango ako bilang sagot.
"Magugustuhan niya dito. He loves the beach." nakangiting sabi ko.
"Thank you for marrying me." humarap ako sa kaniya ng marinig ang kaniyang sinabi. "Parang dati lang pinapangarap ko na maikasal tayo. Parang noong nakaraan lang akala ko hindi ka na babalik sa akin. Sinanay mo ako na palagi kang nasa tabi ko kaya noong iniwan mo ako ay gumuho ang mundo ko."
"Dylan." malungkot kong pagtawag sa kaniyang pangalan.
Ngumiti siya at hinaplos ang aking pisngi.
"But thank you for coming back to me. Hinding hindi ako magsasawang magpasalamat dahil bumalik ka. I may not be a perfect boyfriend to you in the past but I'll make sure to be the best husband and father to you and to our childrens in the future."
"I love you, Dylan and you're the best boyfriend, husband and father to me. Alam kong hindi mo kami pababayaan and I'm looking forward to many years with you and our childrens."
Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo bago ako yakapin ng mahigpit.
"I love you so much, Mrs. Evangelista."
Napangiti ako at ngayon pa lang ay kuntento na ako sa kung anong mayroon sa akin. Hinding hindi ko ipagpapalit si Dylan at ang pamilyang bubuuin namin ng magkasama sa anumang materyal na bagay. Gagawin ko ang lahat para hindi siya magsawa at magsisi na ako ang pinakasalan niya.
I'll love him till my last breath.
--------------
Maraming salamat sa pagsuporta sa kwento nila Dylan at Jasmine! Sana nagustuhan niyo 😊😊
Kitakits sa next story!
Thanks guys! Love you all!Mr. Dylan and Mrs. Jasmine Rodriguez-Evangelista now signing off..
YOU ARE READING
High School Love (COMPLETED)
Teen FictionCan young love lasts forever? DYLAN x JASMINE