Paalala:
Ang istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, tauhan, lugar, at pangyayari ay bahagi lamang ng imahinasyon ng may akda. Ang tagpuan at panahon sa istoryang ito ay nabanggit din sa istoryang ito upang magbalik tanaw sa mga pook na naging bahagi na ng ating kasaysayan.Muli, ang mga kaganapan, pangyayari, ay trahedya sa kuwentong ito ay walang katotohanan at hindi nasusulat sa kasaysayan ng Pilipinas o Bayan ng Buenavista.
[PAGSASALAYSAY]
(Pueblo Buenavista o sa Bayan ng Piris taong 1899) Panahon ng mga amerikano, kung saan tinatangka nilang sakupin at angkinin ang Inang bayan na Pilipinas. Kamamatay pa lang ng ilan sa mga magigiting na Heneral at sundalo noon, nag simula ulit na bumuo ng mga panibagong brigada ang mga katipunero o sundalo ng Pilipinas.
Buhat ng mapalitan ang Gobernador Heneral Santiago, nang dapat na siyang talagang namumuno sa Bayan ng Piris at sa pangkalahatan, Sa buong Pilipinas. Ang ediniklarang El Presidente ng Pilipinas na si Presidente Emilio Aguinaldo. Ipinagpasawalang bisa niya ang mga namumuno sa bawat Baryo o Bayan, dahil iisang bansa lamang tayo na dapat may iisang idolo din na sundin.
Madaming nag bago sa paglipas ng panahon, lalo na sa Bayan ng Piris. Ngunit ang hindi lang nabago ay ang mga pagtingin, sa mga pamilyang mayayaman kumpara sa mahihirap o dukha lamang. Nagbago nga ang estado ngunit hindi pa din ang pagtingin ng mga tao. Nananatili pa din mga bulag ang kanilang kaisipan sa kung anu ang dapat.
At magsisimula ang Kuwentong ito, sa pagitan ng dalawang pamilya na siyang dadagdag ng panibagong kasaysayan sa Bayan ng Piris.
BINABASA MO ANG
" Year 1899 " (COMPLETED)
Historical FictionSi Alfonso Alessandro ay ang pang-apat sa limang anak ng isa sa mga kilala, pinakamayaman, at pinakamaimpluwensyang angkan sa Pueblo Buenavista. Habang si Catalina De Celesta naman ay ang anak ng isa sa mga kilala at pinakamayamang pamilya. Itinadha...