{Familia De Celesta}
" Dalian mo Miguel!!! ". Pasigaw na tawag sa kaniyang kapatid na lalaki ni Binibining Felisa. " Sandali lamang may kabigatan ito, Ate! ". Reklamo naman ni Miguel sa panganay na kapatid dahil minamadali siya nito. Abala kasi ang Familia De Celesta sa pagdedekorasyon nang pang-pasko sa kanilang mansion. Dahil kabuwanan na ngayon ng disyembre kinakailangan nilang gawing kaakit-akit ang kanilang tahanan.
" Anung nangyayari dito? ". Masayang tanong ni Donya Carmelia sa mga tao sa kanilang mansion. Bumababa ito ng kanilang hagdanan at halatang kagigising lamang din nito. " Lola??? ". Sambit ni Binibining Catalina. " Buenos dias Lola? (Good Morning Lola?) ". Masayang bati naman ni Esteban. " Buenos dias iho! (Good Morning iho!) ". Tugon nito pabalik sa apo. " Mukhang abala kayo? ". Dagdag na pagtatanong ni Donya Carmelia sa mga ito.
" Ang mga bata ang nagprisinta mahal ko!, Suhestiyon nilang magdekorasyon na upang di mahuli sa pagdiriwang ". Sambit ni Don Fermin, siya ang sumagot sa tanong ng kaniyang asawa. " Ganun ba! Napakasisipag naman ng ating mga apo, mahal ko ". Sang-ayon naman ni Donya Carmelia. Nagkatinginan ang magkakapatid at napangiti na lang sa isa't-isa.
" Nalalapit na pala ang pasko Ate? ". Sambit ni Binibining Catalina habang inaayos nila ng kaniyang ate ang mga koloreteng pang-pasko. " Oo nga, madaragdagan nanaman ang taon ". Sagot ng Ate Felisa niya sa kaniya. " Anung klaseng regalo ang nais mong matanggap ngayon darating na pasko Ate? ". Tanong pang muli ng Binibini sa Ate niya. Tila napaisip naman si Binibining Felisa, natagalan ito bago makasagot. " Wala na akong maihihiling pa kung sa darating na pasko ay tayo'y buo't masaya. Ikaw anung regalo ang nais mong matanggap? ". Tanong din pabalik ng Ate Felisa niya sa kaniya.
Hindi kaagad siya nakasagot, hindi kasi alam ni Catalina kung sa materyal na bagay ba o sa simpleng kahilingan lang siya mamimili. " Kung ako ang tatanungin, ang nais ko na matanggap ng iyong kapatid na regalo ay iyong bagay na di pa niya nararanasan! ". Sabat naman ng kanilang Ina na si Donya Amiyah. Sabay silang napalingon sa kanilang Ina. Maging sila Ginoong Miguel at Ginoong Esteban ay nakikinig na ng palihim sa usapan ng mga ito. " Tulad ng anu po Ina? ". Tanong ulit ni Felisa. Nagtaka din si Catalina sa sinabi ng kanilang Ina dahil wala siyang ideya kung anu ba ang tinutukoy nito. " Tulad ng anu bang pakiramdam ng umibig? ". Mapang-asar na sagot ng Donya sa mga anak nito.
" Pag-ibig p-po? ". Nabubulol na tanong ni Catalina. " Oo, hindi mo pa nararansan iyan hindi ba anak? Palagi ka kasing nakakulong dito sa mansion at subsob sa mga bagay na hilig mo ". Paliwanag ng kaniyang Ina. " Ina, masyado pa pong bata si Catalina para doon? ". Sambit ni Felisa sa kanilang Ina na parang di sumasang-ayon sa sinasabi nito " E Ate bata ka pa din naman noong mga panahon na ibigin mo si Ginoong Elonso Alessandro hindi ba? ". Biglang sabat naman sa usapan ni Ginoong Miguel.
Napatingin sila kay Miguel na ngayon ay nakangiting matiwasay, pero pinaglakihan siya ng mata ng kaniyang Ate Felisa dahilan para mabura ang mga ngiti sa labi niya. " Tumigil ka nga riyan Miguel! ". May autoridad na tugon ni Binibining Felisa sa kapatid niya. Nakita ni Binibining Catalina na siniko ng kaniyang Kuya Esteban ang Kuya Miguel niya. Na sa wari niya ay mga nag-aasaran ito. Napailing naman ang kanilang Ate Felisa habang ang kanilang Ina na si Donya Amiyah ay napatawa na lamang ng mahina.
" Naging magkasintahan kayo ni Ginoong Elonso Alessandro Ate? ". Pag-uungkat muli ni Catalina sa kaniyang Ate, dahil para bang napaisip siya sa narinig niya sa Kuya Miguel niya. Hindi kasi siya lubos makapaniwala na naging magkasintahan pala ang Ate Felisa niya at ang panganay sa magkakapatid sa Alessandro na si Ginoong Elonso. " Nag-bibiro lamang iyang Kuya Miguel mo. Kung anu-anu ang sinasabi! Huwag kang maniwala sa kaniya ". Sabay irap ni Binibining Felisa sa kapatid nilang si Ginoong Miguel. Napakamot na lang sa likod ng kaniyang ulo si Miguel.
BINABASA MO ANG
" Year 1899 " (COMPLETED)
Historical FictionSi Alfonso Alessandro ay ang pang-apat sa limang anak ng isa sa mga kilala, pinakamayaman, at pinakamaimpluwensyang angkan sa Pueblo Buenavista. Habang si Catalina De Celesta naman ay ang anak ng isa sa mga kilala at pinakamayamang pamilya. Itinadha...