[KABANATA 19]

146 5 0
                                    

{Familia Alessandro}

" Ginoo!, Ginoo!, Ito na po ang hinihintay ninyo! ". Sabik na sabik na sambit ni Apolonio habang tumatakbo pa. " Ang alin? ". Tanong ni Alfonso dito. " Ang liham ni Binibining Catalina ". Masigla nitong sagot sabay abot kay Alfonso ng sobre na may tatak ng De Celesta. Napangiti na lang din sa tuwa si Alfonso. " Salamat Apolonio ". Ika niya. " Wala po iyon Ginoo, oh sige po may gagawin pa po ako sa kusina! ". Tugon nito at iniwang mag-isa si Alfonso sa labas ng mansion.

Magtutungo kasi siya sa Las es Alessandro. Nais niyang bumisita doon dahil naudlot ang nakaraan plano niya na pagbisita sa mga trabahador nila at Rancho. Sumakay siya sa kabayo patungo doon. Siya lamang mag-isa kung kaya mabilis siyang nakarating. Sinalubong siya ng ilan sa mga trabahador nila. " Ginoong Alfonso kayo po pala? ". Sambit ng isa sa mga trabahador nila.

" Kamusta po kayo dito Mang Anton? ". Tanong niya. " Ayos lang naman po. Mabuti't naisipan niyo pong bumisita! ". Ika pa nito. " Noong nakaraang linggo pa po dapat kaso umalis naman po kami!. Sandali lang din po ako at hindi magtatagal. May paparating pa po kasi kaming bisita ". Wika niya at sinamahan siya nito na pumasyal sa sagingan.

" Magaganda po ang pagsibol ngayon ng mga bagong tanim nang saging, ganun din po sa mga Mangga! ". Sambit ni Mang Anton. " Masaya po akong marinig iyan, tiyak na matutuwa si Lolo. Siya nga po pala, kamusta naman po ang maisan natin, at ang mga nagtatrabaho doon? ". Sambit niya pa. " Wala po kayong dapat ipagalala Ginoong Alfonso, masisipag at mahuhusay ang mga trabahador na naitalaga ng inyong Ama doon. Kanina lamang ay umani sila ng napakarami. At sa isang linggo ay ibabyahe na ito patungong maynila ". Sagot nito sa kaniya.

" Mabuti po kung ganun. Mukhang maganda ang takbo ng negosyo ng Alessandro ". Sambit niya at napatango-tango si Mang Anton. " Magagaling po kayong namumuno sa amin ". Puri nito sa kanila. " Hindi naman po ". Tanggi niya at inakbayan niya ito.

Hindi naglaon bumalik na din si Alfonso sa kanilang mansion. Pagkarating pa lang niya ay nakita na niya ang pamilyar na kalesa na nakaparada sa labas. Hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin, pumasok na siya sa loob, sa kusina siya dumaan at doon nakasalubong niya si Apolonio. " Mukhang nariyan na ang mga bisita ni Lolo? ". Tanong niya rito. Tumango naman ito sa kaniya. " At tiyak na matutuwa kayo kapag nalaman niyo kung sino? ". Natatawang sambit nito.

Hindi naman niya maintindihan si Apolonio at nagpaalam na maakyat muna sa silid niya. Pagkapasok niya sa silid niya ay isinara niya ang pintuan, agad na nagpalit ng damit at matapos magpalit. Kinuha niya ang sobre na kanina lang inabot sa kaniya ni Apolonio, saka ito binuksan at binasa. Habang nagbabasa ay hindi mapigilang mapangiti si Alfonso.

Ginoong Alfonso

             Paumanhin sa matagal kong pagtugon. Hindi ko nais na paghintayin ka. Sadya lamang na napakaganda ng tulang ginawa mo, at labis akong nasiyahan ng malaman kong para pala talaga ito sa akin. Napakagaling mo palang gumawa ng tula, hindi ko tuloy mawari kung paano ko ito sasagutin. Minsang nagbigay ng suhestiyon ang aking kapatid, ngunit wala akong talento na kagaya mo sa paglikha ng tula. Kung kaya isang sulat na lang ang nagawa ko, bilang tugon sa mga sinabi mo. Simple ngunit puno ng insperasyon. At tungkol sa sinabi mo sa tula, totoo ba iyon? Hindi sa nagdadalawang isip ako. Baka kasi nanaginip lamang ako!. Ngunit sa kabila ng pagaalinlangan ko. Ang sagot ko ay Oo. Na maaari kang kumatok sa pintuan ng aming tahanan at pumasok na din bilang pasasalamat ". Ika nito na siyang mas lalong nagpangiti sa kaniya.

Itinabi niya ang liham sa kaniya ng Binibini. Agad siyang bumaba at kapansin-pansin ang abot langit niyang ngiti. " Ginang Felita nasaan po sila? ". Masaya niyang tanong, nagtaka naman ang Ginang subalit hindi na nagtanong pa kung bakit. At itinuro na lamang kung nasaan ang Familia Alessandro. Agad na nagtungo si Alfonso sa hardin ng kanilang mansion doon naabutan niya ang Familia Alessandro at Familia De Celesta.

" Year 1899 " (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon