[KABANATA 4]

389 18 1
                                    

{Familia Alessandro}

" Nasaan na ba si Alfonso, Armando? ". Paghahanap ng matandang Alessandro sa nawawalang apo niya. Panibagong araw nanaman para kay Ginoong Alfonso, magkakasama kasi sila ngayon dito sa Las es Alessandro " Ang Rancho ng Familia Alessandro ". Nakabalik na ang tatlo nila Ginoong Elonso, Chavez, at Hernan mula sa pangangabayo. Nilibot kasi nila ang buong lupain na may sukat na sampong hektarya. Upang mabisita na din ang mga trabahador nang kanilang rancho at bukidin na sakop na din nito.

" Nariyan lamang po iyon Ama, baka nagiliw lang si Alfonso sa pagsakay sa kaniyang kabayo at pakikipag-usap sa ating mga trabahador, kilala niyo naman ang inyong Apo, sadyang malapit sa lahat ng ating mga trabahador ". Paliwanag ni Don Armando sa kaniyang Ama kung nasaan na si Alfonso.

Maya-maya pa sa di kalayuan nasilayan nila si Alfonso na sakay sa kaniyang puting kabayo habang suot-suot ang kaniyang mala prinsipeng kasuotan. Nang makalapit si Alfonso sa kanila bumaba na ito agad ng kaniyang kabayo, at bitbit-bit nito ang isang sugatang ibon. " Anung nangyari riyan? ". Tanong ni Elonso sa kapatid. " Nasira ang kaniyang pakpak kaya hindi siya makalipad ". Matipid na paliwanag ni Alfonso.

" Alam ko na, binabalak mo nanaman dalahin iyan sa mansion at alagaan hanggang sa gumaling ito. At kapag magaling na, papalayain mo? ". Tugon naman ni Hernan, pinangunahan na niya ang iniisip ng kaniyang kapatid. Hindi na nagsalita pa si Alfonso dahil iyon nga talaga ang gagawin niya. " Hayaan na natin si Alfonso sa gusto niya, mabuti nga iyon maililigtas pa niya ang ibon! ". Pagsang-ayon naman ni Elonso sa balak ni Alfonso. " Anu pa nga ba? Si Alfonso ay si Alfonso wala na atang makatutulad pa sa kaniya ". Pang-aasar naman ni Chavez dahil sa kanilang apat si Alfonso ang hinahangaan nilang tatlo. " Tigilan niyo na nga ako mga Kuya ". Nangiting napailing na lang ang Ginoo sa mga sinabi ng kaniyang mga kapatid.

Inutos ni Alfonso kay Apolonio na ayusin ang hawla na paglalagyan niya sa ibon, dahil pagkatapos niya na gamutin ang ibon ay doon niya muna ito ilalagay upang masigurado niya ang maayos na paggaling nito. Natamaan kasi ng tirador ang pakpak ng ibon kaya nagkaroon ito ng pilay. Ipinaliwanag naman sa kaniya ng isa sa mga trabahador nila na nakatama sa ibon na hindi nito sinasadya ang nangyari. Pinatawad naman agad ni Alfonso ito dahil alam naman niyang nagsasabi ito ng totoo. Pagkabalik pa lang nila sa mansion ay kaagad ng ginamot ni Alfonso ang ibon. Matapos magamot ay inilagay niya ito sa hawla na nilinisan at inayos pa ni Apolonio. " Magpagaling ka munting ibon, at kapag maayos ka na saka kita papakawalan, upang makalipad kang muli ng malaya ". Kinakausap ng Ginoo ang ibon, pinaniniwalaan niya na naiintindihan ng mga hayop ang sinasabi nilang mga tao.

" Nakahuli ka nanaman ng ibon? ". Biglang sumulpot si Donya Buena sa likuran ni Alfonso. Nandirito kasi sila ngayon sa hardin, dito din napili ni Alfonso na ilagay ang hawla ng ibon upang ang nakikita pa din nito ay ang magandang kalikasan. " Ina, kayo po pala ". Sinalubong ni Alfonso ang kaniyang Ina, katatapos lang kasi nito sa gawaing bahay. Kahit pa na may mga kasambahay sila sa mansion, pinipili pa din ni Donya Buena na tumulong sa mga ito sa mga gawaing bahay. Kahit kasi anak mayaman si Donya Buena ay lumaki siya na mulat sa lahat ng gawain. At iyon din ang itinuturo nila ni Don Armando sa kanilang mga anak.

" Natagpuan ko lang po siya kanina sa Las es Alessandro. Napansin ko na hindi siya makalipad at natuklasan ko na mayroon po pala itong pilay ". Paliwanag ng Ginoo sa kaniyang Ina. Hinawakan ng kaniyang Ina ang isang kamay ni Alfonso. " Halika ka nga dito? ". Sambit ng Ina niya at inakit siya nitong maupo sa upuan na gawa sa kahoy. " Alam mo Alfonso, napakasuwerte ko dahil biniyayaan ako ng diyos na anak na kagaya mo, ng katulad niyo. Tingin ko ako na pinaka suwerteng Ina sa buong mundo, dahil napalaki namin kayo ng tama ". Sambit ng Ina niya sa kaniya. Hindi na nagtataka pa si Alfonso, sanay na siya sa Ina niya na minsan ganito talaga madalas nagiging emosyonal. Subalit alam niya na sinasabi lamang nito kung anu ang nakikita niya at nararamdaman kaya nauunawaan niya ang Ina niya.

" Year 1899 " (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon