[KABANATA 26]

124 4 0
                                    

{Familia De Celesta }

" Oh paano po kami'y hahayo na? ". Pagpapaalam ni Felisa sa kaniyang mga magulang at kapatid. " Ama, Ina mauna na po kami? ". Dagdag pa ni Ginoong Elonso bago sila talikuran nang mga ito at sumakay sa kalesa at umalis na. Kumakaway-kaway pa si Binibining Catalina habang tumatakbo na papalayo ang kalesa na sinasakyan nang mga ito. Nang tuluyan ng mawala sa kaniyang paningin ang kalesang sinasakyan nang mga ito saka siya nagpasiyang pumasok na sa loob ng kanilang tahanan.

Doon mabilis siyang sinalubong ni Bonita. " Binibini! Binibini! Daliaan niyo po? ". Nagmamadaling wika ni Bonita at basi sa nakikita niya sa ekspresyon nang mukha nito ay nahahagas ito. " B-bakit Bonita anu ba ang nangyari? ". Tanong ni Catalina dito. " Basta po Binibini, sumama lang po kayo sakin ". Tugon pa nito at pinabayaan niya nga kung saan siya nito dadalahin. " Dinala siya ni Bonita sa isang lugar dito sa mansion nila.

" Tignan niyo po Binibini? ". Ani pa nito sa kaniya at laking gulat niya ang mga litratong nakalagay sa buong ding-ding. Mga litratong mayroong iba't-ibang kuha nang iisang tao lamang. " Anung klasing lugar ito at bakit mayroon nito dito? ". Tanong niya pa hindi naman nakasagot si Bonita dahil miske ito ay wala din ideya. " Natagpuan ko lamang po ito kanina sa aking paglilinis! ". Wika nito sa kaniya. " Isa itong silid na puno na nang mga litrato ". Hindi makapaniwala si Catalina sa ganda na kaniyang nakikita ngayon.

" Napakaganda niya! ". Ani nila ni Bonita. Manghang-mangha sila habang pinagmamasdan ang litrato nang isang dalaga. " Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ako iyan? ". Wika nang isang boses sa kanilang likuran. Sa pagkabigla ay sabay na napalingon ang dalawa sa kanilang likuran. " Lola! ". Sambit niya nang makita ito. Nakangiti lang ang Lola niya sa kaniya at lumapit ito sa mga litrato na tinitignan nila ni Bonita ngayon. " Kayo po iyan? ". Gulat niyang tanong.

" Oo, noong ako'y dalaga pa ". Sagot ni Donya Carmelia. " Napakagandang Binibini niyo din po pala noong araw Donya Carmelia ". Papuri ni Bonita sa Donya. Natawa ang matanda sa sinabi nito sa kaniya. " Haha hindi naman ". Wika ng Lola niya. " Saan po kuha iyan? ". Tanong ni Catalina. " Kuha iyan mula sa iba't-ibang bansa na aking narating! ". Sagot nito at hindi makapaniwala si Catalina sa nalaman niya sa Lola niya. " Dahilan para makilala ko ang Lolo ninyo! ". Dagdag pa nito. " E bakit po dito lamang ito nakalagay dapat inilalabas po natin ito doon sa sala ". Suhestiyon niya.

" Ginawa ang silid na ito ng iyong Lolo para sa akin. Sapagkat nais niyang ito ang maging silid nang aking ala-ala. Niregalo niya ito sa akin bago pa man kami ikasal dalawa ". Wika ni Donya Carmelia. " Napakalambing naman po pala ni Lolo ". Sambit niya. " Itinuring niya akong prinsesa magpahanggang ngayon kaya siguro umabot ang pagsasama namin hanggang ngayon ". Ani pa ng Lola niya. " Napakasuwerte niyo po sa isa't-isa ni Lolo, Lola ". May paghanga sa tono nang boses ni Catalina.

" Bakit, hindi ba't mas suwerte ka sa kaniya? ". Pang-aasar nang Lola niya sa kaniya kay Ginoong Alfonso. Hindi niya alam kung bakit pero isang banggit pa lamang nang pangalan nito ay pakiramdam niya umiinit ang buong mukha niya at halos hindi niya mapigilang mapangiti. Sa isip-isip niya ganito na lang talaga ang epekto sa kaniya ni Ginoong Alfonso.

Hindi agad umalis ang dalawa ni Catalina at Bonita sa loob nang silid kung nasaan sila ngayon. Masusi nilang pinagmasdan ang bawat litrato ni Donya Carmelia sa kapanahunang dalaga pa ito. " Sandali Binibini, nakakahawig niyo po pala ang inyong Lola sa mga mata nito? ". Napatingin siya kay Bonita at tinignan din niya kung saan ito nakatingin na litrato. Isang malaking mukha ito ni Donya Carmelia na hanggang balikat nito lamang ang kita at nakapusod ang mga buhok nito na mayroon pang ipit na Gumamela na kulay kahel.

" Nagmana kasi si Ama kay Ina nang mga mata nito at minana din namin ang mga matang iyon kay Ama ".  Paliwanag niya kay Bonita. Napangiti si Bonita habang nakatingin pa din sa litrato ni Donya Carmelia noong ito ay dalaga pa. " Ang babae sa bulaklak? Anu ito? ". Pabulong at nagtataka na tanong ni Catalina sa sarili. Mayroon kasi siyang nakita na isang libro na ang pamagat ay " Ang babae sa bulaklak " at dahil kuryusidad ay naisipan niyang kunin muna ito at basahin pansandali. " Sa palagay ko ay isa itong maikling kuwento? ". Wika niya pa sa sarili.

" Year 1899 " (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon