[KABANATA 12]

143 7 0
                                    

{Familia Alessandro}

" Alfonso! Ang pangalan ko ikaw? ". Tanong ng batang Alfonso sa batang babae na nasa harapan niya ngayon. Nandirito sila sa Las es Alessandro, nakalupagi sa damo habang duming-dumi ng pananamit ng batang babae. Samantalang si Alfonso ay ubod ng sinop sa kaniyang kasuotan.

" Masaya akong makilala ka Alfonso! ". Nakangiting sambit pa nito sa batang Alfonso. Napangiti na lang din si Alfonso dahil sa nakahahawang mga ngiti sa kaniya nito. " Mabuti't tumahan ka na, sino bang nagpa-iyak sayo? ". Tanong naman sa kaniya ng batang babae. Biglang lumungkot ang ekspresyon ng mukha niya ng maalala ang pang-aaway na ginawa sa kaniya ng mga kapwa niya bata.

" Nais ko lang naman makipagkaibigan subalit nilalayuan nila ako't pilit na pinagtatabuyan!. Hindi daw ako nababagay sa kanila! ". Naiiyak na paliwanag ni Alfonso  sa kausap niyang bata. " Dahil isa kang maharlika? ". Nalulungkot na tanong pa nito sa kaniya. Tumango siya bilang sagot. " Kawawa ka naman. Ang sama nila. E mukha naman mabait ka ". Sambit pa nito na tila kinakampihan siya.

Kaya sa di kalauan bigla naudlot ang nagbabadya niyang mga luha sa pagbagsak. " Hindi mo ba ako ipagtatabuyan gaya nila? ". Tanong niya dito. Napakuno't noo ang batang babae. " Bakit ko naman gagawin iyon? Kung tutuusin gusto kitang maging kaibigan! ". Masigla nitong sambit. Nabigla ang batang Alfonso ng mayroon itong kinuha sa dala-dalang nitong supot at mula sa loob ay may inilabas itong isang piraso ng kulay pulang rosas na bulaklak. At hindi niya inaasahan na iaabot nito ang bulaklak sa kaniya.

Nakakagulat para sa isang babae ang pagbibigay ng bulaklak sa isang lalaki. Iyon ngayon ang tumatakbo sa isipan ng batang Alfonso kung kaya't hindi niya agad kinuha ang bulaklak na inaabot nito. " Maniwala ka sakin. Bati tayo! ". Sambit pa nito. Nang makita niya ang mga ngiti nito nahawa na lang din siya at kusang gumalaw ang mga kamay niya upang abutin at kunin mula sa batang babae ang bulaklak na inaabot nito sa kaniya. " Mula ngayon magkaibigan na tayo Alfonso ha? ". Sambit pa nito at napatango siyang muli.

Bago pa man matapos ang kanilang pag-uusap ay naisipan niyang tanungin muli ito. " Maaari ko bang malaman kung anu ang ngalan mo? ". Tanong niya dito. " Hindi ko papala nasasabi sayo? ". Gulat nitong sagot. Ngumiti nanaman ito at inabot ang kamay nito sa kaniya. Kaagad naman tinugon iyon ni Alfonso. " Ako nga pala s------- ". Putol na tugon nito.

Nang maalimpungatan si Alfonso sa malakas na tawag sa kaniya ng pangalan ng Kuya Hernan niya. Nasa hagdanan pa lamang ito'y naririnig na niya ang boses ng Kuya niya. Marahan iminulat ni Alfonso ang mga mata, bumungad sa kaniya ang makulimlim na panahon at mukhang may pagbabadya ng ulan.

Ang aga-aga ito ang bumungad sa kaniya, isang masamang panahon na may hatid na malakas na ulan. " Alfonso? ". Tawag pang muli sa kaniya ng Kuya Hernan niya na pumapasok na sa silid niya. Napaupo siya mula sa pagkakahiga saka nilingon ang Kuya niya. " Anung problema Kuya? ". Tanong niya sa kapatid.

" Alam mo ba kung saan nagtungo ngayon si Ina? ". Tanong ni Hernan sa walang kamalay-malay na kapatid. " Anu ang ibig mong sabihin? ". Tanong ni Alfonso. " Ang sabi ni Ginang Felita maagang umalis si Ina, dala-dala ang kaniyang malong pati din ang isang maliit na bilao! ". Sambit ni Hernan. Dahil sa sinabi nito sa kaniya nagkaroon siya ng ideya kung saan posibleng magtungo ang kanilang Ina.

" Makampanti ka Kuya, sa palagay ko'y nagpunta si Ina sa Las es Alessandro? ". Hula ni Alfonso at nakatitiyak siya sa kaniyang sinabi. " Kung tama ka, nakapagtataka. Hindi naman umaalis si Ina ng walang paalam? ". Nagugulumihanang tanong ni Hernan sa sarili nito at sa kaniya. Bigla siyang  napabuntong hininga at naalala noong araw na makita niya ang Ina nilang umiiyak sa silid nila na mag-asawa.

" Nitong mga nagdaan araw ay para bang balisa si Ina. Malungkot? na kahit ngumingiti siya ay halata mong hindi ito totoo ". Dagdag pa ni Hernan. Hindi pa din nga pala niya nasasabi sa mga kapatid niya ang tungkol sa nakita niya. Siguro'y tama lang na sabihin na niya ang mga nakita niya. " Hindi naman siguro aabutin ng gabi si Ina. At bago bumuhos ang malakas na ulan ay nakabalik na siya ". Tugon ni Alfonso. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang kama. " May nais sana akong sabihin sa inyo mamaya. Batid kong makausap kayo nang tayo-tayo lang sa may hardin! ". Suhestiyon niya sa kapatid at lumapit siya dito saka tinapik ito sa balikat nito.

" Year 1899 " (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon