[KABANATA 5]

334 11 0
                                    

{Familia De Celesta}

Ngayon ay araw ng huwebes kung saan napag-pasiyahan ng mag-iina na Donya Amiyah, Binibining Felisa, at Binibining Catalina kasama ang personal nitong tagasunod na si Bonita na magtungo sa Ilog Piris na karatig ng hacienda ng mga Alessandro upang maglaba at maligo na rin. Batid din ni Donya Amiyah na magkaroon siya ng panahon para sa mga anak. Ang bawat Ilog sa Bayan ay iisa lamang ang pinagmumulan kundi sa Ilog Piris kaya naman halos lahat ng Ilog ay kilala bilang Ilog Piris.

" Mabuti po Ina pumayag si Ama na isama natin si Catalina dito sa labas? ". Pasimula ni Binibining Felisa sa usapan nilang mag-iina. " Kilala naman ninyo ang inyong Ama, sa una lamang iyan aayaw ". Paliwanag ni Donya Amiyah. Natawa naman ang tatlong dilag sa sinabi ng Donya. " Asahan mo po Binibini hindi ito ang una't huli mong paglabas. Nararamdaman ko na magiging maluwag na sa inyo ang iyong mga magulang at kapatid ". Pabulong na sambit ni Bonita sa amo niya. " Sana nga Bonita, sana ". Tugon naman ni Catalina.

" Oh siya, bilisan na natin dito upang makapaligo na tayo ". Utos ni Donya Amiyah. Masigasig at masayang nag kusot, nagpukpok, at nag banlaw ang mag-iina, pati si Bonita ay katulong nila sa paglalaba. At ng matapos sila sa paglalaba. Nag pasiya ang tatlong dalaga na mag tampisaw na sa tubig. Dama mo ang nakapangingilig na lamig ng tubig. Masayang nagtampisaw ang tatlo sa tubig, nag babasaan ang mga ito, at liwaliw na liwaliw sa kanilang ginagawa.

" Maglaro tayo? ". Suhestiyon ni Bonita. " Sige, anung klaseng laro Bonita? ". Masiglang tugon ni Catalina. " Taguan po Binibini ". Kaagad na sagot naman ni Bonita. " Papaano naman tayo mag tataguan dito? ". Tanong ni Felisa sa dalawa. " Basta Ate, masaya ito kaya sumali ka na ". Pag-aakit pa ni Catalina sa Ate niya at ng mapilit niya ito maging si Donya Amiyah ay nakisali at ito nga ang taya.

Nagmadaling tumakbo si Catalina sa lugar kung saan hindi siya madaling makikita ng kaniyang Ina. Tumago sa likod ng malaking bato. Buong akala ng Binibini ay mag-isa lamang siya doon.  Laking gulat nalang niya ng makita niya ang isang magandang lalaki na nasa harapan niya ngayon. Halos manlaki ang mata niya sa pagkagulat, maging ang Ginoo ay nabigla ng makita niya ang Binibini sa harapan niya.

" BINIBINING CAT--------- ". Sa gulat ng Ginoo nabanggit pa nito ang pangalan ng Binibini pero mabilis na tinakpan ni Catalina ang bibig nito na mas ikinabigla ng Ginoo, na hindi nito inaasahan na gagawin sa kaniya ng isang Binibini. Sa sinaunang panahon hindi kasi maaaaring, basta-basta na hawakan lang ng lalaki ang isang babae dahil isa iyong kalapastanganan sa isang babae. Kaya naman laking gulat niya ng magawa iyon ng Binibini sa kaniya.

" Huwag kang maingay!!! ". Sambit pa nito sa Ginoo kaya naman natahimik na lang si Alfonso. Maya-maya pa sumandal din sa malaking bato si Catalina matapos siguraduhin na hindi siya makikita ng kanilang Ina sa pinagtataguan niya. Napabuntong ito at sandaling natigilan. Pinakiramdaman niya ang paligid at laking gulat niya ng kaniyang mapagtanto na ang kasama niya pala ay isang Ginoo. Napaatras siya ng konti habang gulat na nakatingin kay Alfonso na ngayon ay tahimik lang sa isang tabi. Nakatingin lamang ito sa tubig.

Nabigla muli ang Binibini ng lumingon na ito sa kaniya, kaya sa hindi inaasahang pagkakataon nasampal ng Binibini ang Ginoo sa kaliwang pisnge nito. (PAAAAAK*). Sa pagkabigla din ni Alfonso sa ginawa sa kaniya ng Binibini, napahawak ito sa pisnge niya at napapikit ang mga mata. " Aray! ". Pabulong na tugon ni Alfonso. At narinig iyon ni Catalina. Kaya naisip niya na humingi ng paumanhin dito. " P-paumanhin Ginoo, hindi ko sinasadya. N-nabigla lamang ako, pasensya na ". Sambit ni Catalina.

Napakagat-labi lang si Alfonso habang dinadamdam pa din ang sakit ng pisnge niya. Unti-unting iminulat nito ang mga mata na nagpatulala naman kay Catalina ng masaksihan niya ang marahang pagmulat ng mga mata ni Alfonso. Dahil mas lalo niyang napagtatanto na napakaganda pala talagang lalaki ng isang Alfonso Alessandro.

" Year 1899 " (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon