[KABANATA 21]

134 3 0
                                    

{Familia De Celesta}

" Catalina dalian mo bilis naririyan na ang mga Ginoo ". Nasasabik na wika ni Binibining Felisa sa kaniya. Pinagmamadali siya nitong magsuot ng pampaa, matapos siyang tulungan ni Bonita na mag-ayos ng sarili. " Bilisan niyo nga riyan! ". Pagmamadali pa nito sa kanila ni Bonita. Nakadungaw ngayon sa may balkunahe ng bintana ang Ate niya Felisa. Nakita niya na tinatanaw nito mula sa kinatatayuan ang Familia Alessandro at pati ang mga Ginoo. " Napakagwapo talaga ng mapapangasawa mo Felisa! ". Puri pa ni Binibining Bibiana kay Ginoong Elonso. Nandirito din kasi ito sapagkat inimbitahan ito ng Ate niya Felisa.

" Sinabi mo pa ". Pagmamalaking pagsang-ayon pa ni Felisa sa sinabi dito ni Bibiana. Nakadungaw na din sila ni Bonita sa bintana, at doo'y hinanap niya si Ginoong Alfonso. Naglalakad ang mga ito papunta sa pintuan ng kanilang tahanan. Tumingala bigla si Ginoong Alfonso dahilan para magtama ang mga mata nilang dalawa. Ngumiti ito sa kaniya nang mayroon na labis na pagsinta. Saka iniwas at tuluyang pumasok sa loob ng tahanan nila. Mukhang napansin naman iyon ng mga kasama niya at  habang bumababa sila ng hagdanan ay tumpulan siya ng tukso sa mga ito. " Tumigil nga kayo, baka marinig kayo ni Ginoong Alfonso? ". Pabulong pa niyang pananaway sa mga ito subalit hindi siya pinapakinggan ng mga ito.

Sinalubong ng pamilya nila ang Familia Alessandro. Nang makababa na sila ay nasa isang tabi lang ang mga Ginoo. Lumapit ang mga ito sa kanilang apat. At pares-pares sila ngayon na magkakatabi. " Anu ang ikinatatakot mo na marinig ko? ". Bulong sa kaniya ni Alfonso habang nakatayo sila at pinanunuod na magkamustahan ang mga magulang at mga Lolo at Lola nila. " Hindi naman importante iyon! ". Tugon niya at hindi na siya kinulit nito. Tahimik lang na katabi niya si Alfonso. Samantalang ang mga kapatid nila ay naghaharutan ng palihim. " Hernan! Tumigil ka nga riyan! ". Pagsusuway ni Bonita sa Ginoo na kanina pa sinusundot-sundot ang tagiliran nito. " Elonso! Anu iyang marka sa leeg mo? Nambabae ka nanaman ba ha? ". Pananakot na tanong naman ng Ate Felisa niya kay Ginoong Elonso. " Kailan ba ako nambabae l, ikaw lang naman ang Binibini ng buhay ko ". Banat nito para matagilan ang Ate niya.

Nilingon naman niya ang gawi nila Binibining Bibiana at Ginoong Chavez. Masaya ang dalawa na naglalambingan. " Oh Mahal ko, pawisan ka na! ". Sambit ni Bibiana habang pinupunasan ng pawis ang Ginoo. " Mahal ko  naman hindi na ako bata pa! ". Reklamo naman ni Ginoong Chavez sa ginagawa sa kaniya ng nobya. Napabuntong hininga si Catalina dahil walang kibo si Alfonso. Tahimik lang itong nakatayo sa tabi niya. Dahil sa pagkabagot akmang aalis siya ng hawakan bigla ni Alfonso ang kamay niya pigilan siya nito na umalis. Hinigit siya nito papabalik sa tabi nito kanina. " Saan ka pupunta? Dito ka lang sa tabi ko, Mahal ko ". Wika nito habang mahigpit na nakahawak sa kamay niya na para bang wala na itong balak pa na bitawan ang kamay niya. Buong akala niya kasi walang pakealam si Alfonso. Dahil tahimik lang ito na nakatayo at walang kibo man lang. Ngunit naalala niya may iba nga palang pamamaraan ang Ginoo. Tinignan niya si Alfonso at nakatingin din ito sa kaniya.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit sa tuwing titignan niya ang Ginoo sa mga mata nito'y wala siyang makita-kitang pagdududa at pagaalinlangan. Bagkus punong-puno ito ng totoong pagmamahal. " Ang ganda mo! At mas lalo kang gumaganda ". Sambit nito sa kaniya. " Bolero ka talaga! ". Buwelta niya. At hinampas sa braso ang Ginoo. " Totoo! Kaya nga nabihag mo ako ". Tugon pa nito at pinipigilan niyang kiligin sa harapan nito.

" Maupo tayong lahat. Nakakatangkad ang pagtayo baka sumobra tayo sa ating taas ". Pagbibiro ni Donya Carmelia. Nagtawanan naman sila. Naupo naman sila. Ngunit hindi pa din binibitawan ni Alfonso ang mga kamay niya. " Felisa hija, at Ginoong Elonso hijo. Gusto namin na kayo ang magpasiya sa kung saan simbahan niyo balak na ikasal? ". Sambit ni Don Fermin. " Ang gusto po sana namin Lolo ni Elonso ay dito na mismo sa simbahan ng ating Bayan ". Sagot ni Felisa. " Iniisip din po kasi namin ang ilan sa mga kaibigan at kapamilya natin na nandirito. Gagastos pa sila kung sa kalabasan pa ng Bayan namin babalakin magpakasal ". Dugtong naman ni Elonso sa sinabi ng nobya.

" Year 1899 " (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon