[KABANATA 29]

97 3 0
                                    

{Familia De Celesta}

" Magandang umaga po Binibining Catalina? ". Bati ni Bonita sa Amo niya. Hirapan maiumulat ni Catalina ang mga mata niya dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga ito. " Maganda po ang panahon tamang-tama sa pamimitas ng mga bulaklak Binibini ". Masiglang suhestiyon ni Bonita. May ngiti sa labi ni Catalina na nabuo ng maalala niya ang kaniyang nobyo. Si Ginoong Alfonso at kung anu ang mga sinabi nito kahapon sa kaniya.

" Bonita! Gaano ka kamahal ni Ginoong Hernan? Kaya mo bang matantsa? ". Hindi agad nakasagot si Bonita, hindi din kasi nito inaasahan ang itinanong ng Binibini. " Alam niyo Binibini miske ako po ay nagtatanong saking isipan. Ilang pursyento kaya ang pagmamahal sakin ni Hernan? Subalit akin din agad na naalala ang sabi sinabi sakin noon ni Ina..... ". Putol nitong wika at hinawi pa lalo ang kurtina ng bintana. Upang mas lumiwanag pa sa silid ng Binibini.

" Anu ang kaniyang sinabi sayo? ". Pagtatanong  ni Catalina sa naudlot na sinasabi ni Bonita. Humarap ito sa kaniya at naupo sa gilid ng kama. Hinawakan pa nito ang kamay niya ay saka sinabing " Pag-dating sa pag-ibig hindi mo kailangan sukatin kung gaano karami ang pagmamahal mo at pagmamahal niya. Sapagkat ang pagmamahal kailan may hindi nasusukat, bagkus ito ay utay-utay na yumayabong nang di natin namamalayan. At kung sakali man ito ay manatili lang sa nasimulan maaaring ang pagmamahal na iyon ay hindi sa isa't-isa ".

Binatawan ni Bonita ang pagkakahawak sa kamay niya ay lumapit kay Catalina. Hinawi nito ang buhok na nakakalat sa mukha at isiningit sa gilid ng tenga. " Binibini kung ikaw ay nangangamba sa pagmamahal sayo ng Ginoo ako na ang nagsasabi, ang pag-ibig niya sa iyo'y tapat at totoo. At kung iyong mas papansinin labis-labis ang kaniyang pagmamahal para sayo! ". Ngumiti si Catalina, at niyakap bigla si Bonita na ikinagulat naman nito. " Alam ko! At sinabi niya kahapon sakin na papakasalan niya ako! ". Masigla at naiiyak pa niyang kuwento.

Lumayo sa kaniya si Bonita at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya. Labis ang saya nito para sa kaniya. " Talaga po Binibini? Anu ang inyong isinagot? ". Tanong ni Bonita. " Ah hindi pa siya nagyaya ngunit nangako siya. At niniwala ako na tutuparin niya ito ". Muling siyang niyakap ni Bonita at agad din umalis. " Naniniwala din ako Binibini at masaya po ako para sa inyo! Ako kaya, kailan kaya ako papangakuan ng kasal ni Hernan? ". Nag-iisip nitong saad. Natawa ng bahagya si Catalina. " Sapalagay ko'y mauuna kami ni Alfonso sa inyo ". Pagbibiro niya dito. At nagtawanan silang dalawa.

(Plaaaaaaaang*) tunog ng mga kutsarita sa ibaba dahilan para mapahinto silang dalawa sa pagtawa. " Sandali hindi pa sila nakakakain? ". Umiling si Bonita, at tila ba parang may naalala. " Ay Binibini muntikan ko na po palang makalimutan. Kayo ay pinapagising na sa akin upang kumain na ng agahan! Paumanhin mo ". Natatarantang wika ni Bonita, natawa at napailing na lang si Catalina habang inaayos na niya ang kaniyang higaan at inaasikaso naman na ni Bonita ang kaniyang paligo.

*********


Sa kanilang hardin sa bakuran ay nagtungo ang dalawa ni Catalina at Bonita. Doon naabutan nila si Don Fermin na masayang tinitignan ang mga bulaklak na nandidito at isa-isa pa itong inaamoy. " Mababango po sila hindi po ba? ". Nagulat ang kaniyang Lolo sa biglaan niyang pagsulpot. Sa reaksyon nito ay natawa si Bonita ng palihim. " I-ikaw pala Catalina, apo! ". Sambit pa ng Lolo niya. " Alam mo hilig ito ng iyong Lola, ang magtanim at magpalago ng mga bulaklak sa ating bakuran. At kailan may wala akong nakitang namatay na mga halaman na yari ng kamay niya. Napakagaling niyang magpalago ". Humahangang kuwento ng Lolo niya sa kaniya.

Habang naglalakad sila sa bakuran at masayang tinitignan ang mga dilaw na rosas na nakasibol dito ay pumipili naman si Catalina ng maaaring pitasin saka ito iniaabot kay Bonita. " Binibini mukhang kakaiba ang saya ngayon ni Don Fermin? ". Pabulong na ani ni Bonita sa kaniya. Napatingin naman si Catalina ng mabuti sa Lolo niya, at napatanto niya na mukhang tama si Bonita sa sinasabi nito. Maaliwalas ang muka ni Don Fermin, walang problema na bumabakas sa kaniyang mukha. At tila ba ang payapa nito kung titignan.

" Year 1899 " (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon