[KABANATA 33]

91 4 0
                                    

{Familia Alessandro}

Sa kusina ng mansion ay naroroon silang lahat ngayon. Masayang magkakasalo na kumakain, hindi mababakas sa mga mukha nila mayroon silang problemang dinadala. At masaya si Alfonso na makita ang ganitong klasing bagay. Masaya siya na sa kabila nang kinakaharap na problema ngayon ng kanilang pamilya lalo na ng kanilang Ama ay nagagawa pa din nitong maging masaya, at tila ba hindi iniinda ang problema na dumating sa kaniya....

Hindi din niya maramdaman ang lungkot sa mansion nila. Para ngang wala silang problema ngayong kinakaharap, siguro tama nga na kapag mayroon kang problema huwag mo itong kaseryosohin dahil ikaw lang din ang maaapektuhan nito. Hanapin mo ang solusyon sa paraang hindi ka mahihirapan at mananakit ang iyong ulo't sintido. Dahil kapag nagpadala ka sa depresyon na kinakaharap mo. Lalamunin ka ng takot, kaba, at pag-aalalang hindi mo na malulutas pa ang problemang kinakaharap mo hanggang sa sumuko ka. Kaya kapag kumakaharap sa isang mabigat na laban, dapat lang na tibayan mo ang iyong loob lalo na't higit dapat kang maging positibo sa buhay.

Habang kumakain siya naramdaman niyang lumapit sa kaniya sa gilid niya si Apolonio. Mayroon itong lihim na inabot sa kaniya isang sobre at ng makita niya ang nakatatak na selyado nito. Napangiti siya sapagkat galing ito sa Familia De Celesta na nakasisiguro siyang ipinadala ito ni Binibining Catalina para sa kaniya. " Salamat Apolonio! ". Bulong niya rito. " Walang anu man po Ginoo ". Tugon naman nito at lumayo na sa kaniya.

Sumubo siya ng pagkain pagkatapos biglang bumulong sa kaniya si Ginoong Chavez na nasa bandang kanan niya nakapuwesto at sa kaliwa naman niya ay si Ginoong Elonso. " Nakita ko ang sulat na iniabot sayo ni Apolonio ". Pang-aasar nito sa kaniya. Napangiti siya dito. Siniko-siko pa siya nito para asarin pa ng husto. " Basahin mo na! ". Utos pa nito sa kaniya. Na parang mas sabik pa ito na malaman kung anu ang nakalagay sa sulat kesa sa kaniya. " Mamaya na pagkatapos natin kumain! ". Tugon niya.

" Alam mo mas mainam na iyong basahin na iyan ngayon pa lang kesa mamaya pa! ". Buwelta nito. Dahil ayaw na niyang kulitin pa siya ng Kuya Chavez niya ay sinunod na niya ang gusto nitong gawin niya. Binuksan na niya ang sobre para mapatingin sa kaniya ang lahat ngayon. " Galing ba iyan kina Catalina, Alfonso? ". Kuwestiyon naman ni Binibining Felisa at tumango siya rito. " Oo Ate! ". Sagot niya.

Matapos mabuksan ang sobre ay agad niyang binasa ang nilalaman na sulat. Masaya niyang sinimulan ang pagbabasa nito. Talaga ngang nagmula kay Binibining Catalina ang sulat dahil sa lagda nito. Hindi magkamayaw ang saya na nararamdaman niya sa simula ng sulat habang binabasa niya ito subalit unti-unting nagbabago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Ang kanina lang na malalapad na ngiti sa labi niya ay unti-unti na din napapawi ngayon hanggang sa magkasalubong na ang mga kila'y niya at mapakuno't ang kaniyang noo sa labis na pagkagulat sa nababasa niya ngayon.

May hagod sa paglunok ni Alfonso, na para bang may nakabara dito at ang bigat-bigat sa pakiramdam. " Bakit Alfonso? may nangyari ba? Tila nalumbay ka bigla? ". Sunoco-sunod na tanong sa kaniya ni Binibining Felisa. Nais niya mang sagutin ang mga tanong ng Binibini ngunit hindi niya magawa. Hanggang sa bitawan na niya sa lamesa ang papel na hawak-hawak niya, mapatayo mula sa pagkakaupo.... at tuluyan na nga siyang nawalan ng gana para hindi maubos ang pagkain niya. " Tapos na po ako... mauna na po sa inyo! ". Wika niya at umalis na ng hapag. Nagpasiyang umakyat sa itaas sa pangalawang palapag ng mansion at magkulong sa silid niya.

Naiwan naman sa hapag ang mga kapatid at mga magulang niyang nakatingin lang sa pag-alis niya. At sa kabilang banda nga.....

" Anung nangyari roon? ". Tanong ni Ginoong Hernan. Napakibit balikat ang dalawa ni Elonso at Chavez. " Binabasa niya lamang itong sulat para sa kaniya ng Binibini ay bigla na lang siyang tumayo at umalis! ". Paliwanag ni Chavez. Nakatinginan silang lahat ngayon. " Makikisuyo nga ako Elonso niyang papel na binabasa ng kapatid mo kanina? ". Utos ni Don Vico sa apong si Elonso. Kinuha naman agad ni Elonso ang papel na nakapatong sa lamesa at iniabot iyon sa Lolo nila.

" Year 1899 " (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon